Unang kabanata
Nagising ako sa ingay sa baba. Si Mommy talaga ang ingay, di ba nila alam na natutulog pa ako. Buhay prinsipe.
"Lance, bangon kana malalate na kayo" tawag ni Mommy sakin. Ang ganda ng umaga kung hindi lang maingay si Mommy.
"Bilis na Lance, ang bagal mo talaga" tawag din ni ate. "Oo na bababa na ang ingay n'yo masyado" yun nalang nasabi ko.
Bumaba ako ng may dalang tuwalya dun nalang ako maliligo sa bathroom sa baba. Gusto kong magpalate eh, dahil first day of school. Gusto ko yun. Pero syempre hindi natuloy kasi dahil kay ate.
She's my enemy all the time. Ganiyan na s'ya sakin."Kain ka nalang ate ang daldal mo maliligo pa ako oh. Hintayin mo itong pogi mong kapatid" asar na sabi ko sa kaniya. That's my ate.
Lumaki kami sa marangyang buhay, hindi naman sa mayaman talaga eksakto lang. Si Daddy wala dito kasi nasa business trip siya. Si mommy naman dahil maingay sa umaga ayun kausap ang mga staff sa Blue Charm Bakery namin, patok sa lahat dinadayo din.
Pagkatapos kong kumain agad na nagtungo sa palikuran, minadali ko na ang pagligo dahil ayaw talagang malate ni ate. Kahit kaaway ko yun mahal ko parin naman. Nag-ayos na ako ng gamit na isusuot ko. First day of school di mo naman maiiwasan ang mga kaklase mong may magagandang kagamitan.
"Lance ang bagal bagal mo talagang kumilos, aalis na ako bahala ka." sigaw ni ate. Lalabas din naman ako ano ba. Gusto n'yo na ba agad makita ang kapogian ko. Ang hangin ko na ba masyado.
"Heto na nakalabas na, ate pakikuha baon ko. Salamat mahal na mahal kita" ani ko sabay kuha ng bag ko. "Sa BC bakery ako kakain sinabi ko na kay Mommy" saad nito nang nakangisi.
"Eh paano ako iiwan mo ko, grabe ka na talaga sakin ate" pag-iinarte ko sa kaniya. Inabot na sakin ni ate ang baon ko sabay takbo sa kotse.
Exactly 7:30 ang time kaya nakaabot pa kami. 30 minutes before our first subject. Pagkababa sa car. Hindi naman siguro kami artista at bakit nakatingin silang lahat. Wag n'yo namang ipahalata na gusto n'yo ko.
Nasa iisang university kami ni ate ayaw niya kasing maghiwalay kami para daw pag may ginagawa akong masama, meron siya at may maisusumbong ito.
I'm a grade 12 student here in Leucos de Severus University or LSU. Hindi ako sanay sa mga matang nakatingin sakin. May mga nagtitilian at nagbubulungan ng dumadaan ako sa hallway papuntang room.
Hindi mo naman talaga maiiwasan ang mga studyanteng ganito, sino bang tao ang kilala ka. I'm a transferee here. Sa Isabela ako lumaki at doon nag-aral ng Pre-school to High School pero di na nila ako pinatapos doon kasi si Daddy ay pilit na ilipat kami dito sa Manila.
Nagring na ang bell hudyat na simula na ng klase at saktong nakarating na ako sa tapat ng room namin. Pagpasok ko wala pa ang Prof. namin kaya pumunta na ako sa likuran para doon umupo pero habang naglalakad ako may mga matang nakasunod sakin hanggang sa makaupo na ako.
"Good morning class" our Professor said. He will be our first subject and our adviser. "Good morning Mr." bati naming lahat. "Take your seat" si Sir.
"Ok before our lesson start may I introduce myself first. Hi everyone, I'm Hunter Camero your Media Literacy teacher, call me Sir. Hunter or Mr. Camero." pagpapakilala nito samin.
Nagpakilala nadin ang iba kong kaklase at namataan ako ni Sir. Camero. Siguro alam niya na transferee ako. "Ok your turn Mr.?" tanong nito sakin. Tumayo nalang ako at nagpakilala.
"Hi everyone, I-I'm L-Lancaster Luthiers, a transferee here. Pleased to meet you all" nauutal kong pahayag.
"Nice name hah, kaano-ano mo si Cast Luthiers?" tanong ni Sir. Grabe naman ito interview ba ito o maglilesson na.
YOU ARE READING
Be My Girl
RomanceMeet him and his family. Samahan natin siyang lakbayin ang mundong kaniyang ninanais. Alamin ang mga ibang tungkol sa kaniyang buhay. Kung paano niya ba haharapin ang mga pagsubok na dumaan. Kalaban ba ang pag-ibig o si kupido talaga ang may kasalan...