Prologue

0 0 0
                                    

"Mayor, may nakaschedule po kayong meeting kasama si Mayor Alfonso mamayang alas tres ng hapon. Ihahanda ko lang po 'yong mga papeles na kakailanganin."

Tumango na lang ako bilang tugon ko sa akin sekretarya at umupo sa aking swivel chair para ipahinga ang katawan at isip ko dahil kakagaling ko lang sa isang meeting kasama ang mga nag-organisa ng pagbibigay ng mga trabaho sa mga taong nagnanais na maitawid ang kanilang pang-araw-araw.

Antonio L. Salvador, City Mayor.

Napatitig ako sa mga letrang naka-ukit sa isang pahabang bato na nakalagay sa mesa ko.

Masyadong gamit na ang mga salitang 'to ngunit tunay na nakakataba ng puso sa tuwing nakakatulong ako sa mga nangangailangan at nakikita kong ang unti-unting pag-unlad ng lugar na pinamumunuan ko sa kasalukuyan. Masaya ako ginagawa ko.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. "Mayor, may nagpadala po ng package para sa inyo. Hindi na po namin naitanong kung sino ang nagpadala. Huli na po nang makita naming walang nakasulat kung kanino galing."

"Wala problema. Pakipatong na lang dito sa mesa ko."  Tugon ko. Sumunod naman ang sekretarya ko at nang lumabas siya ay kinuha ko ang puting kahon at binuksan ito.

Doon ko na lang naramdaman ang paglamig ng buong katawan ko at ang paghirap huminga. Napatayong napahilamos ako nang mukha at hindi ko maalis ang mga tingin ko sa laman ng kahong ipinadala sa'kin.

Litrato ng anak ko habang nasa paaralan.

May napansin din akong isang papel na nakatupi at nang tingnan ko iyon ay lalo akong nakaramdam ng kaba.

Ang nang-api ay nakakalimot ngunit ang inapi ay hindi. Ihanda at ingatan mo nang mabuti ang pamilya mo. Lalo na ang anak mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Safe HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon