pangalawang pangyayari

25 0 0
                                    

Natapos na kami kumain ng hapunan

Maaga kami matulog para sa byahe bukas

Pero parang natatakot ako matulog natatakot nanaman ako sa panaginip nayun

Panaginip lang naman iyon pero iba e parang may ipinahiwatig sa akin

Nagiikot ikot ako sa kama ko wala akong magawa sa sitwasyon ngayon gusto kung matulog pero hindi ko kaya

Kaya naman tinapik tapik ko si kuya sa tabi ng kama ko para patulugin ako ganyan naman talaga ako e pag hindi nakatulog

Bakit di magising si kuya halos pisilin ko na nang todo ang tagiliran niya

Humihinga naman siya ng normal hindi naman mantikang tulog si kuya kahit pitik lang sa noo babangon ito

Nakapagtataka naman

Biglang lumakas ang ihip ng hangin bigla ako nangilabot sa mga pangyayari nagtaklob ako ng kumot para di ako lamigin

Kahit anong taklob ko malamig padin parang may yumyakap saakin na hindi ko maintindihan

Hanggang nanghihina ako at di ko namalayan nakapikit at tulog napala ako

Panaginip ni athena

Napamulat ako ng mata sa di oras ito nanaman nandito nanaman ako sa misteryosong gubat na ito pero wala dito yung bultong lalaki sa panaginip ko noon

Lumakad ako ng lumakad di ko alam kung saan ako mapadpad sa panaginip ko

Hanggang may naaginap akong isang mansyon magada ito halatang makaluma pero ang tibay

Pumasok ako sa loob ng malaking gate

Pagpasok ko bigla nalang itong sumara binalikan ko ito at pilit na buksan pero ayaw

Bigla nalang lumakas ang ihip ng hangin tumaas naman ang balhibo ko sa dioras parang may nakatitig sa likuran ko eh natatakot tuloy ako

Pagharap ko sa likuran ko bumungad agad saakin ang isang bultong lalaki di ko maainag ang mukha nito dahil dibdib lang ng lalaki ang bumungad saakin

Halatang maskulado ito at mataas siya

napansin ko lang mabango ang kanyang amoy dahang dahan akong tumingala para maainag kong maigi ang kanyang mukha parang ito yung lalaking bulto na napaniginipan ko sa byahe nun

Bigla bigla nalang akong niyakap nito sa sobrang higpit parang di niya na ako pakakawalan sa kanyang mga bisig

At parang ligtas ako sa tabi niya hindi ko alam kung sino siya parang komportable ang pakiramdam ko pagkayakap ko siya

Unti unti ako napapikit at nanghihina na ang katawan ko

Ang huli ko nangarinig sakanya ay yung pangngalan ko nanaman

Athena

Napabangon naman ako at hingal na hingal na tumayo sa kama ko pinag pawisan na din ako sobra

6:00 palang ng umaga

Okay ka ba bunso ?binangungot ka nanaman?nagaalalang tanong ni kuya saakin at inabutan ako ng tubig at ilalayang paupo sa aking kama

Tumango naman ako sa kanya habang hinihingal

Ano ba ang nangyari sa panaginip mo bunso?tanong ni kuya sa akin

Wala ito kuya okay lang talaga ako sabi ko at uminom ng tubig

Kung gusto mong magkwento tungkol sa napanaginipan mo nandito lang ako at handang makinig

Tumango naman ako sa kaniya

Ito talaga si bunso palagi mo kaming pinagaalala eh sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko

Salamat kuya at nabawasan ang kaba na naramdaman ko ngayon o takot pero sa isip ko lang iyon nu

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at naligo na ako atsi kuya

Bumaba na din kami para makapag agahan kasama si inay at itay

Pero ang nakaaabala ngayon saakin bakit alam ng lalaki nayun sa panginip ko ang pangangalan ko? Ahh..di bale nanga

~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·

Bride Of The Dark Prince'sWhere stories live. Discover now