Chapter 1

2K 72 24
                                    

"Vergara! Present nga physically pero absent naman mentally. Gusto mo bang ibagsak kita?"

Napangiwi ako kay Sir Pajero na umagang umaga nakataas na ang kilay saakin. Grabe talaga tong si Sir, kala mo naman hindi ako ang peyborit. Yieie.

"Sorry sir. Iniisip ko lang po yung formula na binigay niyo. Mukha po kasing mali." Seryoso kong sabi. Aba bawal tayong mapahiya kay crush. Nasa likod pa naman siya at hindi ko masyadong masilayan. Bakit kasi kailangan sa harap ako umupo? Dapat sa huli ako eh kasi V! 

Mas tumaas ang nakataas ng kilay ni sir. May itataas pa pala yan? 

"Ha! Sinasabi mo bang mali ako?" 

"Opo."Diretso kong sagot.

Napaubo ang ilang classmate ko kaya napatingin ako sakanila. Halatang mga takot para sa kakahinatnan ko pero ano bang pake ko? Mali tinuturo niya eh.

Tumayo ako at isinulat ang tamang formula. Nilagay ko pa yung inexample niya kahapon na maling sagot ang lumabas. Nakapameywang si Sir hawak ang paypay niyang baka ihampas saakin. Walang emosyon naman akong tumingin sakanya at syempre pasimpleng tinignan si Crush.

At muntik na akong mahimatay dahil nakatitig siya saakin. Bago pa ako kiligin sa harap ng lahat ay tahimik akong umupo. Nagkunware akong nagpunas ng pawis pero ang totoo ay para lang maitago ko ang nakangiti at namumula kong mukha.

"Putangina. Ang ganda."

"Very good, vergara. Ikaw lang ang nakapansin. I actually written down a wrong formula dahil alam kong IILAN lang ang nakikinig. Now, let's check your quiz paper."

May ilang napamura dahil syempre maling formula ang nagamit nila dahil mali yung binigay ni Sir. 

Isa isang binigay ang naka shuffle na paper. Inilabas ko naman ang red ballpen ko at muntik na akong magwala dahil napunta saakin ang papel niya. 

"Kumalma ka teh. Alam niyang nasa sayo ang papel niya. Mahalata ka sige."Bulong ng kaibigan kong si Laura.

"N-Nakatingin siya?"Nanginig ako.

"Oo."

"T-Titingin din ba ako at ngingiti sakanya? What if ang akala niya mataray ako? Paano kung-"

BAgo ko pa matapos ang sasabihin ko ay binatukan niya na ako. 

"Alam mo ang seryoso at walang emosyon mo sa halos lahat ng bagay pero kapag siya halos manghina at mangisay ka."

Sinimangutan ko siya. Nakangusong sinimulan namin ang pagche check habang dinidictate ni sir yung answer.

"Ang galing naman."

"Ay, tama yan."

"Talino mo talaga crush hehe."

"Grabe nahulaan mo pa 'to? HIndi ko nga 'to na answeran."

"Galing galing talaga ng labs ko."

"Ris, tumahimik ka nga. Alam kong matalino yang crush mo at magaling. Dami mong ebas."Si Laura ulit na sinimagutan ko. Panira 'to.

Dumukdok ako at binilang ang score pero nagulo ang pagbibilang ko ng maamoy ko yung papel. 

"T-Teka. Pwede palang dumikit ang amoy mo sa papel?" Shock kong sabi sa sarili. Kaya imbes na magbilang ay napa amoy tuloy ako. 

"Bring the papers back to their owner."

Nataranta ako sa sinabi ni Sir. Masyado akong nadala sa pag aamoy, nakalimutan kong bilangin!

"22+15+3+ay putek."

Nawala ulit ako sa focus dahil sa biglaang pagpunit nung tumayo ako.

"Noel, pahiram stapler."Sabi ko sa klasmeyt ko. Habang hinihintay ang stapler ay  binilang ko ang score. 

ClassmateWhere stories live. Discover now