Limits

13 1 0
                                    

Yung puso ko hindi makina ng sasakyan para hindi mapagod. Yung makina na nga nag oover heat pag naooover used eh yung puso ko pa kaya??



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



"Pero baby! Diba sinabi ko naman na sayo na ikaw lang ang mahal ko.. wala nang iba peksman! superman batman! mamatay ka man!" napa takip ako ng bibig ko. nakita ko mag transform yung mukha ng baby to a MONSTER!! RAR!



Bigla syang tumakbo palayo sakin.. "Hindi mo nako Love!!!" sigaw nya. alangan naman hayaan ko yun?? Since ako si mukang aso hahabulin ko sya.. hayss! Minsan hindi ko nalang talaga maintindihan bakit ako nananatili sa relasyon na 'to.. eh kung tutuusin anytime,, anywhere pwede na 'tong itapon.. Pero hindi ko magawa kase masyado ko syang mahal para gawin ko yun.




"Baby sorry na!! Love na Love ka ni daddy.. Hindi natin bati yung si Kaye! Sorry na baby kong cute, hug mo na si daddy." panunuyo ko nung maabutan ko sya.. Hindi nya ko hinug instead yumuko sya.. Alam ko na next dyan iiyak na naman sya..



Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya at hinarap sakin.. Hindi sya tumitingin sa mga mata ko. guilty.. wala naman kasing sense yung pinagaawayan namin.. Alam ko nagseselos sya kay Kaye, pero walang dating yung binibigay ni kaye yung number nya para pagusapan namin yung report namin.. hindi ko na nga tinanggap yung number nagalit parin..



"ikaw lang by.." tapos kiniss ko sya sa noo.. Ok na ulet kami.. ganun sya kababaw, pero yung kababawan na yun yung nagustuhan ko sa kanya..


Actually nung una natutuwa pako sa pagseselos nya eh.. kasi nga ramdam na ramdam ko yung pagdadamot nya sakin, na mahal na mahal nya ko pero ngayon nakakasakal na besides yung pinagseselosan nya pa eh kung sino sino lang.. Pero nangako akong pagtitiyagaan ko sya.. oo gagawin ko pero yung 'Limit of (n+1) over 3 as n approaches 0.' nga me limit ako pa kaya?



"Tara na by, ihahatid na kita sa inyo." pag aaya ko.



"Ayoko." mahinang sagot nya naman.. "Bakit naman by?" tanong ko..



"Ayoko lang.." tiningnan ko naman sya ng matagal. nakikiramdam. 



"Sige, sabi mo eh. Ingat ka by ha?" pagpapaalam ko..



"EWAN KO SAYO!!! HINDI KITA BATI!!!" sigaw nya bago sumakay ng jeep..


napakamot nalang ako sa ulo ko.. Sa tagal na namin naintindihan ko rin yung bokabolaryo ng mga babae..





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Constant (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon