PART 1

8 2 0
                                    

KALIEA AVIANNA HILARIO's P.O.V.

Kanina pa ako ready pumasok sa school si Benjamin nalang yung hinihintay ko, pero biglang nakaramdam ako ng paghilab ng tyan. Dahil dito kunti lang yung kinain ko. Hindi ko alam kung natatae ako or what kaya dalawang gamot yung ininom ko. Pero baka magkakadalaw na ako today kaya nag pad na ako para sure. Today pa naman yung date ng dalaw ko at may pasok kami kaya baka mag half day ako. I have secondary dysmenorrhea.

bzzzt

BAB calling...

'' Good Morning Bab, nasa labas na po ako ng gate '' :)

ngumiti ako at agad na bumaba pagka end ko ng tawag ni Benjamin. Nag paalam ako sa kasama ko sa bahay na si Manang Ninay. Paglabas ko nang gate nakita ko agad ang gwapong lalaking nakaupo sa driver set ng isang black Hilux conquest.

How lucky am I to see such a handsome guy with a perfect smile every morning! Thank you po ng maraming marami Lord

'' Good Morning Bab!!''

masaya kung bati sa kanya. Habang nasa byahe kami may inabot sakin si Benjamin...

Yung favorite kung chocolate. Yung lagi kung kinakain nung bata ako.

'' Thank you po! ''

pacute kung sabi kay Benjamin

'' always ....''

sagot nya with taas-babang kilay. Nakakatunaaaaaw!

Binuksan ni Benjamin yung radio ng sasakyan nya at saktong pinatogtug yung favorite song ko na "Out Of My League, by Stephen Speaks" kaya todo kanta with feelings naman itong ate girl nyo hahaha.

Mabilis lang kaming nakarating sa school kasi malapit lang naman. Seguro mga 10minutes lang yung layo sa Subdivision namin. Magkaibang subdivision kami kaya ginagamit nya yung kotse nya. Hinahatid at sinusundo ako ni Benjamin kaya mas convenient pag naka kotse sya.

'' Kalieeeee!!!''

Tawag sakin nang isa sa mga kaibigan namin ni Benjamin na si Cassy.

Si Cassy Aljilea Lim, Ang babaeng laging naka depende sa video call pag may sleepover ang barkada kasi subrang strict ng dad nya hahaha

'' Good morning Cass! Wala pa ba sina Mika at Shine?''

palinga-linga ako sa loob ng room ng mapatingin ako kay Benjamin na kausap ang isa pa naming kaibigan na si Kyle.

Si Kyle Julio Gomez na subrang advance po mag isip at may sagot sa lahat ng tanong mga kababayan. Yes po opo! Mahihiya si Kuya Kim sa taong to hahaha. At ang JERRY sa tambalang MiKyle. Ang TOM&JERRY ng grupo namin hahaha

'' Good Morning Kyle! Wala pa ba yung loveteam mo?''

Asar ko sa kanya hahaha

'' Kalie naman eh ang aga-aga pa!''

nag poker face sya sakin at humarap ulit kay Benjamin. Tumawa naman kami ni Cassy. Maya-maya pa ay sabay na dumating si Mika at Shine. Same subdivision silang dalawa kaya madalas talaga silang nagsasabay.

''Good morning beautiful people... except you, Kyle! Walang kapre na beautiful''

Sigaw ni Mika pag pasok nya sa room. Tumawa naman kaming lahat.

''Wala ring beautiful na aswang! Awang-awa na talaga ako sa salamin nyo sa Bahay kasi ikaw yung natingin araw-araw.''

ganti naman sa kanya ni Kyle. Nauna namang pumunta si Shine sa upoan nya habang patawa-tawa

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon