PART 11

2 1 0
                                    



[Hypocrisy at its highest level]

''sa tingin mo ba pwede kang humarap sa mga tao sa campus at kay Benjamin na ganyan yung echura mo? sa tingin mo hindi sya mag aalala sayo pag nakita ka nya? umayos ka Kaliea. Ayusin mo ang sarili mo''

sabi ni Kaliea sa sarili habang naka harap sa salamin at pinupunasan ang luhang kanina pa tumutulo sa kanyang mga mata.

''ano ba naman to. Sakin tung mga matang to pero bakit ayaw mag cooperate! tumigil na nga kayo utang na loob may pasok ka ako bukas! Sege na naman self, dapat maging okay ka. Sege ka baka ikaw na yung tawaging aswang ni Kyle at hindi na si Mika. Suportahan mo si Benj kasi sinusuportahan ka nya lagi diba''


*Bzzzt*

New Message From: Mika

I know you're still awake. iiyak mo lang lahat yan hanggang sa wala ng luhang tutulo para bukas. Dito lang kami for you. See you tomorrow Kal. Mahal ka namin!

napangiti si Kaliea sa nabasa nya. Walang ni isa sa mga kaibigan nya ang nag o-open ng issue pag kaharap sya kasi alam nilang nasasaktan ito at na a-appreciate iyon ni Kaleehya. nilapag na nya yung cellphone nya sa vanity table at pumunta sa kama nya para humiga. Umiyak sya hanggang sa maka tulog


MIKA ELORRA SATORINI's P.O.V

''Wala pa ba si Kaliea at Benj?''

tanong ko sa kanila nang makalabas ako ng cr. kasama ko sila Cassy, Shine at Kyle dito sa tambayan namin kasi nagpapalipas oras kami matagal pa kasi bago yung Graduation practice. 1pm yung sa announcement tapus 12 pa lang naman. Mas maganda tumambay dito kesa sa bahay.

''They replyed to my text kanina. sabi ni Kaliea malapit na daw sya. Si Benj naman mamaya-maya pa raw''

sabi ni Cassy na naka higa sa sofa. may sala set kasi kami dito sa room nato. dito kasi sa school namin pwede kayong mag rent ng mga empty rooms para gawing tambayan. medyo malayo ang mga rooms na ito sa mismong building na ginagamit namin as classrooms, Gymnasium, Offices, etc. as in separated ang mga ito pero sa loob parin naman ng school and may mga roving guards for everyone's safety.

''Hayaan nyo na mamaya pa naman yung Practice''

singit ni Shine na nag-aayos ng make up nya sa vanity table

''oo nga pero kailangan nating kumustahin yung kaibigan natin right?''

sabi ko sa kanila

''sa tingin ko lang ha mas mabuti atang hayaan na muna natin sya''

seryusong sabi ni Cassy. I'm proud of how strong Cassy handling everything. Being there for Kaliea while experiencing her own pain.

''oo nga kasi alam naman nating mahirap mag open ng hinanakit diba''

sabi ni Kyle na masama ang tingin sakin. Gusto atang masapak ng kapreng to.

''guys wala dito ang parents ni Kaliea. Wala syang kapatid. Si Benjamin lang talaga yung laging kasama nya and sa tingin nyo gusto nyang makasama si Benjamin ngayon? Kaliea needs us''

paliwanag ko sa kanila. paranoid na kung paranoid pero marami akong nababasang mga nag suicide kasi na depress at hindi ko kayang mangyari yun sa isa sa mga taong importante sakin.

''may point ka uso pa naman ngayon yung depression! Ayokong mangyari yun sa kaibaigan natin''

seryusong sabi ni Shine.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon