Mahal

90 2 0
                                    

"You're not my mother!" I shouted at her.

"Huwag mo kong masigaw-sigawan. Nanay mo pa rin ako Dane Jiel Elago Ford." sigaw naman niya pabalik.

Ganyan naman talaga ang laging nangyayari sa bahay eh kaya masanay na kayo. Ganyan kami lagi ng mama ko. Kung hindi nagsasakitan, nagsisigawan na parang wala ng bukas.

By the way, ako nga pala si Dane Jiel Elago Ford ang panganay ni Carmina Elago Ford. Isang pasaway, walang respeto at walang kwentang anak sa mundong 'to. Well, yunang sabi ng nanay ko.

"Oh sorry! I just did. Kasi kanina pa kita sinisigawan." sabi ko na parang nangaasar.

Siguro naguguluhan na kayong lahat kung ano bang pinag-aawayan namin. Pinag-aawayan lang naman po namin ang kursong kukunin ko. Yan ang ayaw ko sa kanya eh. She always want na yung desisyon niya yung nasusunod. Dapat yun, dapat yan. Paano naman yung gusto ko?

"Hindi kita pinalaking bastos!" sigaw niya ulit.

Mababasag na eardrums ko dahil sa nanay ko eh. Makaalis na nga lang ng bahay doon na lang ako sa mga kaibigan ko. Kahit naman mag-explain ako eh hindi niya rin naman ako pakikinggan.

"Anak naman... Para naman sa ikakabuti mo yun eh."

Ikakabuti? Kailan pa nakabuti ang bagay na hindi ka naman sasaya. Hindi yun ang hilig ko. Hindi ba yun madaling intindihin? Kailangan niya pa ba ng translator?

Hinarap ko naman siya at sinabi lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

"Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo, Ma? Na ayoko talaga nun. Lahat na lang pinapakialaman mo eh. Gusto mo ikaw yung nasusunod habang ako sunud-sunuran na lang. Paano naman ako? Huwag niyong ipagtulakan sa akin ang bagay na gusto niyo. Kung yan ang gusto niyo edi kayo ang mag-aral." saka ko siya tinalikuran at naglakad papunta sa pinto.

Pero napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang hikbi ni mama.

"Hindi na kita kilala DJ. Ano bang nangyari sa atin? Ano bang nangyari sayo?"

Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi niya. Sa tingin niya ako yung nagbago? Porket ako yung sa tingin niya na hindi marunong rumespeto ako na agad yung mali? Nakakatawa... Nakakatawa siya...

Hinarap ko siya ulit. Ang sakit makita yung mga luha niya. Ibang babae nga nasasaktan na ako kapag nakikita kong nasasaktan sila eh. Yung nanay ko pa kaya na mahal na mahal ko. Pero kailangan niya akong maintindihan.

"Ako rin." sabi ko kaya napatingin siya diretso sa mata ko. "Hindi na rin kita kilala. Ano nga bang nangyari? Ano nga bang nangyari sayo? Nawala yung mama ko eh." tsaka na tumulo yung luha na kanina pa nagbabadya bumagsak. "Lagi mong tinatanong yan sa akin pero ikaw ba na-try mong itanong yan sa sarili mo?"

Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong magsalita tsaka ako pumunta sa sarili kong sasakyan. Hindi ako bastos na anak... Pinalaki ako ni mama ng tama kaya yung mga binitawan kong mga salita kanina, nasaktan ako dahil doon. Pero ano nga bang nangyari?

***

"Ang galing mo namang magluto!" sabi ni mama nung hilig kong magluto. Nung gusto ko pa ang culinary.

"Wow! Ang galing mag-drawing ng anak ko." sabi ni mama nung architect pa yung gusto kong course.

"Pagawan mo kami ng bahay ah! Ikaw mag-design ng interior ng dream house natin ha!" sabi niya nung naging pangarap kong maging interior designer.

MAhalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon