(Sophia's POV)
Naglakad na paalis si Irene pagaktapos niyang iabot sakin yung dustpan. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa hindi ko na siya makita, ang bilis ng tibok ng puso ko!
Dumiretso na ako sa garbage para itapon tong kalat ni Jenica. Well I guess I owe Jenica this moment kasi kung hindi dahil sa pagmamaldita niya diba, well I wouldn't know what would have happened, but at least nagka-moment kami ni Irene loves.
Para na nga akong baliw dito, paano ba naman ang lawak ng ngiti ko habang nagtatapon ng basura. Naglakad na ako papunta kung saang lugar man ako dinala ng mga paa ko.
May nakasalubong akong male student. Nasa tapat na pala ako ng male comfort room. Nginitian ako ni, "Johnny" nakita ko sa nameplate niya. Nginitian ko rin siya, aba syempre good mood yata ako ngayon.
Bumalik na ako sa area ko. Nakita ko si ate Zen, sinabi ko sa kaniya na may class ako at 4pm kaya wag na niya akong antayin. Sinabi ko rin na maglilinis nalang ako after ng class ko.
Sa buong maghapon hindi ko na nakita si Irene bebe ko. Siguro umalis na siya?
"Hayy" buntong hininga ko habang nangingiti dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina.
3pm natapos na ang class dito at nag-uwian na ang mga students. Pinasadahan ko nalang muna ng linis yung hallway kasi magpe-prepare pa ako para sa class ko mamaya. After class ko nalang lilinisin nang bongga dito.
Quarter to 4pm bumalik na ako sa storage room para ibalik na yung cleaning materials and para mag-prepare narin for my class. Ethics ang subject namin ngayon, mamayang 6pm naman, Management.
After an hour and a half natapos na yung first class namin. Meron akong 30 mns. free time bago yung next class ko.
Nagutom ako kaya lumabas ako, sarado na yung cafeteria kaya sa labas nalang ako para bumili ng food ko. Bumalik din ako agad dahil baka ma-late ako sa class ko.
Nang matapos na yung last subject ko, lumabas na ako para ituloy ang paglilinis. Brr ang lamig, gabi na kasi, tsaka sobrang tahimik, nag-uwian na kasi lahat. But I love this kind of silence, it's giving me peace of mind.
While walking sa east wing napansin kong nakabukas pa yung ilaw sa admin tsaka sa katabing office. Naiwan siguro nila ma'am Lana yung mga ilaw na nakabukas. Later ko nalang papatayin yung mga ilaw don para hindi naman ganon ka-lonely ang peg ko dito.
Nilinisan ko na yung mga classrooms then yung hallway. Pagkatapos ko maglinis doon dumiretso na ako sa cr para umpisahan naman ang paglilinis doon.
Maganda ang cr dito, ang laki, parang sa mga mall ang datingan. May malaking salamin, washing area, tsaka mga cubicles.
Habang nagmo-mop ako, tumingin ako sa salamin.
"Haggard" sabi ko sa itsura ko. Nakasuot parin ako ng gray na maintenance staff uniform, my hair was tied in a low bun, strands of hair were dangling off the sides of my face. Inayos ko ang buhok ko, nilagay ko yung mga unruly hair sa likod ng tenga ko, I looked at myself in the mirror and smiled.
"Bakit kaya si Irene parang hindi napapagod? Never ko pa siyang nakitang haggard eh. Sabagay, kahit naman pagod yun maganda parin eh tsaka mabango hihihi." Kausap ko sa sarili ko habang nagmo-mop.
"Kyahhh! Kinikilig ako, naalala ko nanaman yung pagde-defense niya sakin kanina uwu, tsaka ang lambot ng kamay niya tsaka beh yung smile niya! Kyaahhh!!" Paimpit kong sinabi with matching kilig voice.
"Ok, self kalma, hingang malalim, si Irene yun, di ka ika-crush back non." sabi ko sa sarili ko, bursting my own bubble.
Tinuloy ko nang mag-mop habang kumakanta.
YOU ARE READING
A Beautiful Encounter
FanfictionIrene Marcos is the chair of Young Musicians Development Organization, the foundation that supports the Philippine Youth Symphonic Band. She is a successful woman from the day she was born. On the other hand, Sophia Trinidad is just an ordinary girl...