Sam's POV
Kriiiiiiiiing
Kriiiiiiiiing
KriiiiiiiiingHay !
Ang ingay naman ohh!
Ano bang naisipan ko at nag-alarm ako ng ganito kaaga ?
Kung hindi lang dahil sa pustahan namin nila Sab di ako mag aalarm ng ganito kaaga eh.
Ano pa nga bang magagawa ko kundi bumangon at mag ayos.Dahil first day of school ay kailangan kong pumasok ng maaga.
Ayoko rin naman na masabihan nila ako na unang araw ng klase late ako.
Baka sabihin pa nila di na ko nag bago!Naligo at nag breakfast na ko.
Pag katapos ay nag paalam na ko kila mommy na papasok na.Di na ko nagpahatid kay manong kasi kaya ko na naman magdrive.
Ako nga pala si Samantha Scott . You can call me Sam for short.
A first year college sa Arellano University.Habang nagdadrive tinawagan ko na si Sab.
Nakakadalawang ring pa lang nung sinagot nia ang tawag ko."Hello best"
"Ohh? Napatawag ka? Saan ka na?"
"Malapit na sa school , ikaw?"
"Malapit na din, kita nalang tayo sa may parking lot , nandun na sila Nicka at Hailey."
"Sige."
Then I hang up.
Nang makarating ako sa AU ay pinark ko na ang sasakyan ko malapit sa katabi ng kotse nila Hailey.
"Ang aga nio naman." Sabi ko sa dalawa.
"Kararating lang din namin ni Nicka , ayoko kong malate kaya maaga akong pumasok." Sagot naman ni Hailey
Magsasalita pa lang sana si Nicka ng biglang dumating si Sab.
Speaking Of Sab . Siya ang nahuling dumating kaya libre nia foods namin mamaya. Hahaha"Oy babaita , huli kang dumating kaya usapan ay usapan ! Libre mo kami ng foods mamaya ! Yehey !" Bungad agad ni Nicka sa kabababa lang na si Sab.
Basta talaga pagkain si Nicka nangunguna !"Oo na , alam ko na yun. Kaya punta na tayo sa may Room 102-104 kasi may Freshmen Orientation tayo."
Ay oo nga pala , buti na alala nitong si Sab yung tungkol dun.
Pagdating namin sa Room 102-104 ay kakaunti pa lang ang mga students. Nag aalangan pa kaming pumasok , kaya nag tanong kami sa isa sa mga estudyante dun malapit sa may pinto.
"Kuya , excuse lang po. Dito po ba yung room na pag oorientationan ng mga freshmen?" Tanong ko sa lalaking nakapo sa upuan malapit sa pinto.
"Ahh , opo dito nga." Sagot naman ni kuya . Infairness gwapo siya , matangkad to for sure , halata kasi kahit nakaupo.
"Thank you -" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si kuya.
"Alvin"
"Huh"
"Alvin name ko."
"Ahh , ok. Thank you Alvin. Ako nga pala si Samantha. Sam for short." Pagpapakilala ko sabay abot nia ng kamay para makipag shakehands.
Napatingin naman siya sa mga katabi ko at tinanong ako.
"Ehh Sila?" Tanong nia.
"Ahh , eto si Sabrina , Sab nalang para di mahaba. Hahaha . Eto naman si Nicka tas eto si Hailey."
"Nice to meet you girls" sabi nia sabay abot ng kamay para makipag shakehands sa tatlo.
"Sige , pasok na kami. Dun kami uupo sa unahan." Sabi ko sa kanya at ngumiti , tumango naman siya.
Dahil nasa may back door kami ay duon na kami dumaan papunta sa unahan.Marami pa ang bakanteng silya.
Kaya di pa nag sisimula ang orientation."Nakakainip naman." Reklamo ni Sab.
"Ano ka ba Sab? Medyo dumadami na nga yung mga freshmen ehh , kaya maya maya siguro mag start na yan." Sagot naman ni Hailey sa sinabi ni Sab.
"GOOD MORNING FRESHMEN! " bati sa amin nung speaker na si Ma'am Mercado.
Nakilala ko sya kasi sya din yung nasa Office of Student Affairs.
"GOODMORNING DIN PO" bati namin sa kanya.
At nag simula na ang orientation.Naboboring na ko sa orientation na to pero pinilit ko pa ring makinig.
Sinabi lang naman yung tungkol sa school , sa mga rules & regulations dito , events , facilities , etc. etc.Pag katapos ng ilang oras na pag o'orient ay pinapila na kami para sa attendance namin tas pinapunta na sa classroom.
****
At dahil first day. Parang high school lang ang dating wala pang klase.
Kaya eto kami nakatambay lang dito sa may classroom.
Mag kakaklase kami ni Hailey kasi parehas HRM ang kinuha naming course. Si Nicka naman nag two years lang HRS sya , tas si Sab Business Ad. naman ang kinuha.Tinext ko yung dalawa kung may klase sila.
To : Sab ; Nicka
Oi may klase kayo?
Wala pang isang minuto ay nagreply na si Sab.
Fr : Sab
Wala nga eh , kayo ?
To : Sab
"Wala din. Tara Canteen tayo."
Pag kareply ko kay Sab ay nagtxt na rin si Nicka.
Fr : Nicka
"Wala. Kayo?"
To : Nicka
Wala din. Tara sa Canteen tayo, kakaboryo dito eh."
Di ko na hinintay magreply yung dalawa at inaya na si Hailey na pumunta sa canteen.
Habang naglalakad ay may nakabunggoan akong lalaki.
"Sorry miss." Sabi nung lalaki.
"Its ok . Sorry din." Sagot ko sa kanya at ngumiti.
"By the way , Im Kien." Sabi nia sabay abot ng kamay.
"Sam , and this is Hailey." Abot ko sa kamay para makipag shakehands at ganon din ang ginawa ni Hailey.
"Sige , una na kami ahh , bye!" Paalam ko sa kanya at umalis na.
Nasa canteen kami ngayon at kumakaen lang habang nagkukwentuhan ng biglang may tumabi sakin.
"Pwedeng makiupo?" Tiningnan ko yung nagsalita , si Alvin pala.
Magsasalira pa lang sana ako ng nagsalita na si Hailey."Nakaupo ka na nga eh bago ka pa magpaalam!" Minsan lang to magsalita pero ang harsh pa ng sasabihin .
"Pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko ahh , ganyan lang talaga yan." Sabi ko kay Alvin at tsaka pinagpatuloy ang pag kain.
*****
Wala naman nangyari sa mag hapon kong pag tambay sa school.
Bukod sa kumain at pakikipagkwentuhan kay Hailey ay wala ng iba pa.Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nanunuod lang ng tv ng biglang pumasok yung cute na cute kong pamangkin na si Jasper.
"Tita Sam , kain sabi lola." Hahaha , ang cute nia talaga . 3 yrs old pa lang kaya medyo bulol pa kung magsalita.
"Sige baby jasper , off ko lang tong tv tas baba na ko" Sagot ko sa kanya sabay gulo ng buhok nia.
Lumabas din naman sya agad pag kasabi ko nun , at sumunod na ko.