01.

1 0 0
                                    

STELLA.

"Naiwan ko na naman 'yung payong sa bahay..." I said, sighing upon realizing that I once again left my umbrella at home.

"Ayan! Aanga-anga ka kasi! Alam mo naman uulan. Ano nadala mo? Panghukay? Galing! Ayan panakip mo, ah?! Nanggaling na tayo school tapos nito mo lang napansin?" Bulyaw ni Emi. Narindi ako sa sunod-sunod niyang pagsita kaya napakamot ako ng ulo.

"I forgot, alright? Nagmamadali ako. Tsaka, kailangan 'to para do'n sa flower shop... alam mo naman amo ko do'n." Malumanay kong sabi

Nagpatuloy na kami maglakad patungong 7/11 para bumili ng snacks and drinks bago kami dumiretso sa shop. Pumunta ako sa aisle na may noodles at kumuha ng shin ramyeon, pagkatapos ay kumuha na rin ako ng sola lemon iced tea galing sa refrigerator. Sabay na kami ni Emi nagbayad, pinaghatian nalang namin 'yung total. Pagkatapos namin lagyan ng mainit na tubig ang noodles, hinintay namin ito maluto at nagkwentuhan.

"Alam mo ba? 'Yung mukhang daga na si Jason?" Naaatat na sabi ni Emi, as if she suddenly remembered na may chika siya. Umiling ako kaya ma-eskandalosa ang reaksyon niya, para bang may kung anong kababalghan akong ginawa. What does she need?

"Gaga?! Si Jayson Chua?!" Nanlalaki pa mata niya, umiling ulit ako kaya napairap siya before leaning towards me. "Ganito 'yan. Kasi si Jayson pinagkakalat sa batch gc natin... from Pace Academy, ah? na wala ka na daw nakukuha galing sa parents mo! Kaya nagt-trabaho ka daw habang nag-aaral." she explained, observing to see my reaction pero wala akong pinakita

"It's true na ang pangit siguro para sa image ng isang old money. But still, I wanted to do this kaya paninindigan ko 'to. Kailangan ko rin matuto kung paano mamuhay mag-isa at walang inaasahan dahil panigurado gano'n mangyayari sa'kin pagpunta kong Paris." I explained,

"T'yaka may nakukuha pa rin akong allowance galing kayla mom. Nilalagay ko lang sa savings ko and hindi ko ginagalaw 'yun." Pagtapos ko.

I opened the lid of my ramyeon para makakain na dahil kailangan ko na rin magmadali. Napansin siguro ni Emi na nagmamadali na ako kaya binilisan niya na rin tsaka kami tumuloy sa shop.

Bungad sa'min ang sign na Serendipity sa counter. Mala-gazebo ang itsura ng flower shop, fairy lights din nagsisilbing ilaw dito tuwing gabi kaya mas maganda tignan. May mga paru-paro o 'di kaya bubuyog na napupunta rito paminsan-minsan. Sa gitna ng flower shop ay may malaking puno na nagsilbing shade sa buong gazebo, pati ang puno napapalibutan ng fairy lights.

I take good care of the flowers here, pati na rin ang mga kasama ko at ang nasa ibang shift kaya maganda ang paglago ng mga bulaklak. Pagkapwesto ko sa counter ay umupo naman si Emi sa tiffany chair sa tabi ko.

"Inaaral mo pa rin 'yan?" She asked, pointing at the book I'm holding. I simply nodded and continued reading, maririnig ko naman kung may pumasok dahil may chime na naka-connect sa door.

The Language of Flowers.

Ever since I saw this book, na-intriga na ako especially since ako rin naga-arrange ng flower bouquets kapag may um-order. It's amazing to see that most people pick flowers based on their beauty without knowing its meaning, pero nagtutugma pa rin ito sa nararamdaman nila para sa pagbibigyan nila.

Lumipas ang ilang oras at niyakap na rin ng buwan ang langit. Maraming nagpaayos ng bouquets ngayon kaya tinulungan na rin ako ni Emi, may silbi rin pala 'tong kaibigan ko. Lahat ng bumili at nag-preorder ay umalis nang may ngiti na nakabakas sa mukha nila.

"Mag-ayos na 'to para sa susunod sa'tin." Sabi ko kaya agad na sumunod si Emi

Pagkatapos ng shift ko ay nago-open ang night cafe para sa mga late na umuwi galing school, work, or kung saan man sila gumala. May maliit na puwesto dito sa gazebo na tamang-tama para sa cafe, t'yaka open pa rin for pre-orders ng flowers kahit na gabi na.

My eyes scanned the whole area, making sure na walang naiwang kalat or receipts sa counter. I made sure rin na nakaayos na ang flower arrangements na kukunin bukas. Nang masiguro kong organized na ang lahat, ngumiti ako kay Emi na nag-thumbs up sa'kin. Sabay kaming umalis ng shop, nakisakay na rin ako sa kotse nila dahil lagi siyang sinusundo. Nagpababa nalang ako sa tapat ng dorm ko para makadiretso alis na rin sila.

"Ihatid na kita papunta sa taas!" Bulyaw ni Emi

"Huwag na! Okay na ako, diyan ka na!" Sabi ko habang pilit siyang tinutulak papasok sa kotse. Ang kulit talaga!

"Oh, sige sige! Basta umakyat ka na. Hindi kami aalis dito habang hindi ka pa nakakatawag na nasa kwarto ka na. Dapat makita kitang nakasilip sa bintana, ah!" Utos niya na para bang nanay ko siya

Natawa nalang ako at tumango-tango sakanya, kinawayan siya bago pumasok papasok sa dorm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

serendipity's midnight rain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon