May 12, 2:26am

2 0 0
                                    

Hubby ko?

Naiinis ako sayo at the same namimiss kita. Past few days, nagpaka busy ako sa paglilinis ng bahay, pagluto- ng palpak, panunuod ng movie, pagbabasa, at pag alis ng bahay para lang magduyan sa kapitbahay.

Pero sa lahat ng ginagawa ko, naiisip kita. Gusto ko tawagan ka. Pero wala naman akong load. At wala akong aasahan kung hihingi ako ng pera sa ate ko at papa ko. Dahil alam na alam kong walang wala din sila.

Naalala ko nung nakaraang araw, galit na galit ako kasi nag conclude na ako na eh, na paasahin naman ako sa diamond peel na sinasabi ni mama. Pero nasurprise ako, kasi nga natuloy. Kumain pa kami sa chowking kasi nanlibre si tita.

Pagkatapos namin ihatid si tita sa kanila ay dumaan pa si mama sa botika para bumili ng gamot. I checked my phone, at sobrang nalungkot ako na wla kang text. 9:48 pm wla kang text, eh uwian mo na yan.

Nang makauwi ay excited pa si princess na ibinalita sken na nandyan ka.

Nawala agad yung inis ko sayo. Gusto ko ngumiti sayo agad pero kinokontrol ko kasi gusto ko makipag usap ng seryoso sayo. Pero sandali pa lang kitang kausap, ngumiti ka lang, makita lang kita, naging masaya na ako ulit. Di ko magets! Hays. Ganun cguro talaga.

Mahal na mahal kita. Please wag pasaway. Goodmornight. Mwahugsss. ;))

I LOVE MY HUBBY TODAY TOMORROW AND ALWAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon