DISCLAIMER: This is only a work of fiction, names, characters, businesses, places, events, locations, and incidents are just all from my head if it is the same as your situation or reminds you of some people living or dead it's just all coincidence.
LPU/Mapua/Letran or other universities that would be mentioned here even the NCAA game or other event just all fictional and don't affiliate with them.
Please Bare with me if you read here some wrong grammar I would edit this once I finish the story, thankyou.
.............................................................. :))
Inis kong pinindot ang Do not Disturb bago I play ulit ang kanta ni Belle Mariano na For your eyes only at itinago ang cellphone ko sa bag. Minuminuto ang tawag sa akin ni Zephyr para tanungin kong nasaan na daw ba ako dahil nagugutom na daw siya habang naririnig ko din sa linya na paulit ulit siyang pinapagalitan ni Khione dahil naiinis nadin sa pag tawag niya sa akin, as if naman nasa akin ang pagkain niya!
Hindi ako naka pasok sa first subject ko kaninang 2PM dahil hindi ako nagising sa alarm ko ang next class kona ay 7PM kaya naman kakasakay ko palang ng bus para pumasok its just 4PM for petesakes at itong si Zephyr ay ayaw akong tigilan ma guguilty daw siyang kumain kong wala ako, kaloka! Daig pa jowa sa sobrang clingy niya.
"Excuse me, can you move?"
Habang hinahanap ko ang bag ko ay may kumalabit sa akin kaya naman tinangal ko yung earphone na suot ko para marinig ko siya.
"Ha?" parang tangang sagot ko.
"Wala na kasing upuan, can you move?"
Napa awang ang labi ko ng ngumiti siya, ang gwapo! Agad naman akong natauhan at umurong pagka upo niya ay lumapit na sa amin ang kundoktor nauna na akong nag bayad.
"Cityhall manila lang po kuya, Studyante"
Inabot ko ang 50 pesos at sinuklian niya naman ako ng 10 pesos pag abot niya ay agad kong hinulog yun sa bag at sinuot ang earphones ko, binaling kona ang ulo ko sa binta at nag kunwareng natutulog.
"Miss, Cityhall na"
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nagulat pa ng bumungad sa akin ang muka nung lalaki na katabi ko, napaayos ako ng upo at napalunok pa kumunot at noo ko at inayos ang mga gamit ko bago tumayo para bumaba, binigyang daan naman niya ako at dirediretso akong bumaba dahil nakaka hiya. Naramdaman ko ang laway sa muka ko! Diko akalaing makaka tulog pala talaga ako! Nakakahiyaaaa.
Dibali na hindi ko naman na siya makikita ulit! Pero medyo sad naman yun kasi sayang parang bagay pa naman kami! Hays.
"ARAY!"
Nilingon ko ang sumabunot sa akin at nakita si Zephyr na masama ang tingin habang si Khione ay naka pokerface sa tabi niya.
"Antagal mo naman tapos tulala kapa jan na nag lalakad! Kanina pa kami kumakaway sayo dun hoy! Naka lapit na kami lahat lahat dimo padin kami naramdaman?" Dirediretsong bunganga ni Zephyr sa akin.
"Alam mo ikaw? Sana kumain kana no? Iba epekto ng gutom sayo eh! Tara na nga! Saan ba tayo kakain?"
Sa hinaba haba ng biyahe ko ay hindi padin pala alam ni Zephyr kung saan niya gusto kumain ang ending? Ito kami nag lalakad papuntang MCDO!
"Sige na ako na ang mag oorder hanap na kayong upuan, tinaboy kami ni Zephyr kaya naman umakyat na kami ni Khione para mag hanap ng upuan sa taas kasi puno na yung seats sa baba eh. For sure kaya kami pinaakyat ni Zephyr ay dahil gusto niya siya nanaman ang mag dedecide ng kakainin namin, gusto niya kasi ay pareparehas kami! Although siya naman ang nag babayad pero Zephyr is so much Clingy talagang masiadong sweet sa amin ni Khione. I imagine her being inlove baka langamin ang magiging boyfriend niya.
YOU ARE READING
Truly Yours, Engineer
RomanceNyx is a Tourism student from LPU Manila who believes that one day the scenes that only happen in k-drama will happen to her in real-life would be meant to meet Jarrel an engineering student from MAPUA University and also an Athlete who gets along w...