Isang umaga, napadaan ako sa classroom nila Jezreel at nakita kong nagtatawanan sila ni Jayden. May kung anong inis na bumalot sa sistema ko. Dagdag pa ang pang-aasar ng kambal.
"Close na close din sila ano?" Ani Stephen.
"Oo nga eh. Every practice natin noon, parang mood maker din talaga ni Jez si Jayden."
Tiningna ko lang silang dalawa.
"Selos ka bro?" Tanong ni Stephen.
Hindi ko nalang sila pinansin at nilagpasan.
Tumatawa lang silang sumunod sa akin.
Tumambay naman kami muna sa benches kasama ang ilan sa mga kaibigan ko. Buti nalang wala ang kambal dahil hindi parin natigil ang dalawang iyon sa pang-aasar sa akin.
"Uy si Miss campus!" Sabi ng isang kaibigan ko.
"Hello, Jez! Ano iyan?" Tanong ng isa.
"Hulaan ko, para dito kay Hans iyan!" Pang-aasar ng isang ugok.
I looked at her at tipid na ngumiti.
She then gave me a red box with a red ribbon.
"Ah para sa'yo! Enjoy!" Sabi niya pagkaabot ng kahon sa akin.
"Thanks."
She then excused herself. I nodded and turned to my notebook and continued writing on it, putting the box beside my things.
"Sungit mo naman, pogi." Pang-aasar ni Jomar.
"Tigilan mo nga ako Joms."
"Ganda ganda kaya ni Jezreel!" Sabi niya. "Ayaw mo?"
"Hin-"
"Uy! Whatchadoin?" Salubong sa amin ni Heather.
"Alaws naman, tambay tambay lang." Ani Jomar. "Hinihintay mag recess!"
Napatingin ako sa box at naalala ko nanaman iyong nadaanan ko kanina.
Napabuntong hininga ako at hinarap si Jezreel.
"Psst." Tawag ko kay Heather.
"Why?"
"Gusto mo?" Tanong ko, tinuturo ang kahon.
"Bakit?" Litong tanong niya. "Nakainan mo na?"
"Hindi pa. Sa'yo nalang." Sabi ko.
"Ay! Iyan ang gusto ko sa'yo Hansel!"
"Uy pe-"
"Sige sa'yo nalang iyan."
"Salamat!"
Umalis na si Heather.
"Gago bro, bigay ni Jezreel iyon sa'yo." Si Jomar. "Tangina mo."
Nang mag recess sumabay ako kila Shannon, Stephen, at ilan sa mga kaibigan namin.
Tumambay muna kami ng mas matagal sa benches dahil extended ang break time.
"Hoy Hans!"
Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. It was Heather.
She looks mad or something.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Gago ka alam mo ba iyon?" Galit na sabi niya. "Effort iyan tapos ibibigay mo sa iba?" Pinakita niya ang sticky note.
Hi Hans!
I learned how to bake these! Sana magustuhan mo!
Tapos, ano, ask ko lang sana kung puwede kitang maging escort sa prom? Parehas tayo ng time ng recess diba? Usap sana tayo sa gazebo mamayang break time! See you!
Namilog ang mga mata ko sa nabasa. Putangina Hansel Iain Guadalupe. Napaka gago mo.
"Look oh she even have this for you!" Panay ang turo niya sa sticky note.
"What a dick move Hansel." Ani Heather. "She clearly made those for you and yet you did not bother to open. Basta mo nalang inabot sakin kanina. Kaya pala ang random. Now, look at the note and read it, Hansel!"
I was about to say something pero narinig ko ang boses ni Sabrina.
"Nag effort pinsan ko sa cupcakes na iyan. Siya gumawa nan, inaral niya kung paano! Kung alam ko lang na hindi mo kakainin at ibibigay sa iba, sana pala kinain ko nalang iyan habang hindi pa nailalagay sa box na iyan." Ani Sabrina. "Ganyan ka pala."
Ang gago ko.
Bigla namang may humablot sa hawak kong sticky note. Si Brooklyn.
"Oh, is this why she's at the gazebo kaninang recess period?" Sabi niya. "The girl did not had the chance the eat recess I think, isang oras ata siya doon."
Isang oras? Nag antay siya? Hansel Iain Guadalupe ikaw na ang pinaka gagong kilala ko sa balat ng lupa! Tangina.
"She waited there?" I asked the obvious.
"Yes, Hans. Nadaanan ko siya kanina nung nagpunta ako sa clinic. Almost one hour ako doon. Pagkabalik ko nandoon parin."
Putangina. Ang gago gago ko.
"Kung ayaw kasi sa'yo, huwag nang ipagpilitan. Can you tell that to your cousin?" Ani Brooklyn. "She's pretty, besides, she won campus personality, mas marami siyang admirers. Huwag kamo siyang maghabol."
"Stop it Brooklyn." Madiin na sabi ni Heather.
"What? She's pretty! Guys will line up for her gosh!" Ani Brooklyn. "Kung ayaw kasi sa'yo, huwag habol ng habol nagmumukhang desperada."
Heather scoffed. "You tell that yourself then, Brooklyn."
Shannon laughed, ganoon din ang kakambal niya, pati ang ibang kasama namin.
"Whatever." Umirap na sabi ni Brooklyn at umalis na doon.
"Sayang effort niya, dude." Sabi ni Jomar.
"Uhm... hindi po sayang."
Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.
"Jezreel."
Kinuha niya iyong box at binuksan.
"Masarap po ito, nasarapan sila Sab kanina." Sabi niya habang inaabutan ang mga naroon pwera ako.
"Gagi ang sarap!" Si Jomar.
"See! Hindi po sayang, nasarapan kayo eh." Sabi niya. "Sige po, alis na ako." Sabi niya at naglakad na.
"Jez." Tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang na naglakad.
Masama akong tinignan ni Sabrina bago nito sundan ang pinsan.
"Ang asshole mo." Ani Heather at umalis na rin.
SCRIBBLURRY
YOU ARE READING
I Want You To Know
JugendliteraturIt's been years since she left. Now that she's returned, will he have the chance to tell her that their feelings have been mutual from the beginning or has he already missed his chance? Started: 8/9/2022