Split🌹(Part 1)

612 7 0
                                    

Jungkook's POV

1 New msg.

>Hi Jungkook, It's me Taehyung, your classmate in chemistry.

napakunot noo ako at inalala kung may classmate ba akong taehyung sa chemistry.

"Psst..hobi may classmate ba tayong taehyung ang name sa chemistry?,, tanong nya dito. Kasalukuyan lang silang nakatambay sa bahay nito dahil araw yun ng sabado at wala silang pasok sa univ. nagtataka naman sya kung bakit sya tinxt ng taehyung na iyon.

"Taehyung?,, tanong ulit nito. tumango sya

"Nag txt eh, taehyung daw name nya at classmates ko daw sya sa chemistry eh classmate din kita dun kaya baka kilala mo.,, sagot naman nya ulit.

"Uy uy chix nanaman yan ah!,, banat naman ni yoongi.
Umiling sya.

"Gago di ko nga alam kung sino yun.,,

Nakita nya naman nanlaki ang mata ni Hobi kaya napataas ang kilay nya dito.

"Alam mo na kung sino?

Tumango tango ito at ngiting ngiti.

"Tang ina, sino nga? Bilis para alam ko kung rereplyan ko kapag chix.,, natatawa nya namang sabi dito.

"Oh tamo gago talaga.,, sabi ni yoongi.

"Ano hobs napipi ka na?,, balik tanong nya kay hobi.

"Kook natandaan ko na, sya yung transaferi na mukang nerd, yung nakasalamin ng makapal at laging balot na balot, laging nakayuko at hindi halos makita ang muka.,,sabi naman nito saka lumapit sa kanya.
Tinapik pa ang balikat nya. Halos kilabutan naman sya pagkakadescribe nito doon sa taehyung.

Napakunot noo nanaman sya, di nya talaga matandaan. Siguro dahil nga nerd ito at di nya napag tutuunan ng pansin. Di nya man lang siguro natignan ito kahit isang beses.

"So bakit nag txt?,, tanong ni hobi.

Nagkibit balikat ako

"Malay ko dito. Di ko nalang rereplyan di pala chix.,, nakakagago syang ngumiti.

Napailing naman ang dalawa nyang kaibigan.

"Sobra ka naman, mamaya may itatanong lang yung tao o kaya gusto lang makipag kaibigan.,, sabi naman sa kanya ni yoongi,,

"Yoongs kailan ba ko nakipag kaibigan sa nerd? Saka baka pag nagreply ako umasa pa na may gusto ko sa kanya.,, mayabang na sabi nya.

"Ang gago mo talaga kook. Bahala ka dyan.,, napangiti na lang sya at binalik ang cp sa bulsa. Wala naman syang paki kung mag hintay ng reply nya yung nerd na yun.,,

Monday sa School.

Next subject nya na ang chemistry.

Naupo sya sa pwesto nya sa bandang dulo. Naalala nya naman yung nag txt sa kanyang classmate daw nya sa subject na to. Nacurious sya at ginala ang mga mata nya sa buong classroom.

"Wala namang nerd dito ah..,, bulong nya pa ng walang makitang nakasalamin na makapal doon. Pero pag tingin nya sa may pintuan pumasok ang isang lalaki na nakamakapal na damit, nakayuko at may salamin.

"Uhmm sya ba yun? Sya lang naman ang nag tutugma sa sinabi ni hobi eh.,, nakita nyang umupo na ito sa may gilid sa may unahan pero bago yun lumingon muna ito sa gawi nya at nagtama ang paningin nila.

Sa di nya malaman na dahilan ay natulala din sya sa pagkakatitig dito.

"Kook!!,, natauhan sya ng marinig si hobi na tinawag ang pangalan nya. Kakapasok lang din nito.

Split🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon