Tahimik akong naghuhugas ng plato sa kusina. Nasa tabi ko si Ate Mary na panay ang kwento sa akin na pinadala niya na raw ang pera na binale ko. Sinigurado niya rin na nakabili ng grocery at gamot ni Nanay ang dalawa kong kapatid dahil baka malaman ng Itay at igastos na naman sa inuman.
"Salamat, Ate. Kung hindi sa iyo ay hindi ako makakahanap ng trabaho," sinsero na sabi ko.
Kinuha niya ang plato na nakalagay sa rack at pinunsan iyon. "Wala iyon, ano ka ba naman. Sino sino ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo lang?" anas niya.
Ngumuso ako. Tama si Ate Mary. Dalawa lang kami na nagtutulungan. Naalala ko noong kailangan niya ng magbabantay sa anak niya ay ako ang nagbantay. Ayaw kasi sa kaniya ng nanay ng asawa niya kaya ayaw nito bantayan ang anak nila. Tapos noong ako naman ang nangailangan ng pera ay pinautang niya ako.
Kaya sobrang thankful talaga ako dahil parang pangawalang nanay ko na rin siya. Dati tuwing wala kaming ulam ay lagi niya kami binibigyan.
Nang matapos kami sa pagaasikaso sa mga hugasin ay dumiretso ako sa laundry room para labhan ang mga damit ni Sir Silas at baby Remi. Ako ang nakatoka ngayon. Next week ay si Ate Rosa naman, ang kasamahan namin dito.
Inilagay ko na ang damit sa automatic na washing machine at naupo na lang sa isang tabi. Iniisa isa ko ng kuha ang mga damit ni baby Remi at tinititigan iyon. Sobrang cute kasi at ang gaganda. Panigurado na mahal ito.
"Tawag ka ni Sir Silas," si Ate Mary na bigla na lang sumulpot sa laundry room.
Napakurap kurap ako at tinuro ang sarili ko. "Ako po, Ate?" nagtatakang tanong ko.
Tumango siya. Tinitigan niya. "Lakad na. Ako ng bahala dito sa labahin mo. Ipababantay ulit ata sa iyo si Remi," sabi niya.
Lumapit siya sa akin at marahan akong tinulak papalabas kaya naman wala na akong choice kung hindi ang tumayo at maglakad papalabas sa laundry room.
Ano na naman kaya ang gagawin ni Sir Silas at hindi niya ulit mababantayan ang anak niya? Siguro makikipag-date 'yon.
Napanguso ako sa naisip.
Dali dali akong naglakad papunta sa salas. Doon, nakita ko si Sir na nakaupo sa isang couch. Nakakandong sa kaniya si Remi na tahimik na na-dede sa kaniyang beberon. Si Sir naman ay mukhang stress sa kausap niya sa cellphone. Nakapikit ang mata niya at hawak hawak ang kaniyang sintido.
Napalunok ako. Bakit kaya kahit masungit si Sir ay sobrang gwapo pa rin niya?
"Pinapatawag niyo raw po ako, Sir?" bungad ko.
Nakita ko kung paano nagmulat nang mata si Remi at agad na umupo mula sa pagkakahiga. Nahulog ang beberon niya sa sahig kaya lumapit ako para kunin iyon.
Yumuko ako sa harapan ni Sir Silas at inabot ang beberon. Iniumang ko iyon kay baby Remi pero hindi niya tinanggap. Tumayo siya sa hita ni Sir at itinaas ang kamay, gusto magpabuhat.
Agad ko namang tinanggap ang gusto niya. Binuhat ko siya. Humagikgik si Remi at tinitigan ako. Ngumiti naman ako sa kaniya. Good mood ata siya.
Tumingin ako kay Sir Silas at nakitang kunot noo siyang nakatitig sa akin. "I will attend another meeting. Look after Remi," supladito niyang saad.
Ngumuso ako. "P-Pero ano po Sir." Lumunok ako nang makitang inis siyang nakatingin sa akin. "May iba pa po akong gagawin sa bahay. Baka po bawasan ni Ma'am Nisyel 'yung sweldo ko," anas ko bago yumuko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga nang kaunti. "She won't and I will pay you too," seryoso niyang sinabi. Itinukod niya ang dalawang siko sa kaniyang binti at inilagay ang kaniyang mukha sa kaniyang palad.
BINABASA MO ANG
Single Dad Club: Tempt
General FictionDahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi n...