34: I Hate You

22 0 0
                                        

Rylie's POV

Pareho kaming tahimik. Medyo malaki ang espasyong pumapagitna sa 'ming dalawa. Walang nagsasalita at tanging katahimikan lang dito sa rooftop ang bumabalot sa paligid.

"Rylie," he spoke first. "About... umm,"

"Break na kami ni Aden," pagpapa-alam ko.

"Hmm, I see." Dahan-dahan siyang tumango nang titigan ko, "Nalaman ko kay Kue."

Hindi ako nagsalita. Muli kaming natahimik. Nanatili ang tingin ko sa kanya, habang ito naman, nakatingin sa view mula sa kinaroroonan namin.

"I still hate you, Mino," pagbabasag ko ng katahimikan.

Hindi siya nagbigay ng kahit anong reaksyon pero hindi ko na rin papalampasin ang pagkakataong 'to. I need to.. tell him what I feel.

"You're self-centered, you're rude. You're mean. I hate you so much, but why I still love you?" Umiyak na 'ko. Remembering all those times, nung kami pa. At nung pinamukha niya sa 'king hindi kami magtatagal.. na walang patutunguhan ang relasyon namin kahit kumapit ako ng napakahigpit.

Wala siyang sinabi.

"Masaya na 'ko nung naghiwalay tayo, e. I found someone who sees my worth. Pero ba't gano'n? Ba't ikaw pa rin ang gusto ko?" Walang pag-aalinlangan kong sabi.

Wala pa rin siyang imik.

Tumayo na ako at ilang hakbang din ang ginawa para malapitan siya. Sinampal ko si Mino pagkatapos. And I didn't hesitated. Dito na siya tumingin sa 'kin.

"I hate you, and I hate me for keeping myself inlove with you," dagdag ko.

Hinawakan na niya ang isa kong kamay nang akmang sasampalin ko ulit siya. Dumaing nang maramdaman ang pagbangga ng likod ko sa pader. Muling umiyak nang magtagpo ang mga mata namin.

"Ano? Sasaktan mo na naman ako, ha?" Pasigaw kong ani. Habang umiiyak. Sobra akong nasasaktan, dahil kaharap ko yung taong walang pakialam sa 'kin pero minamahal ko pa rin hanggang ngayon.

"Rylie.." he calls my name, and his eyes softened. It didn't stopped my from crying.

"Ba't hindi mo nakita yung worth ko, Mino?" Tanong ko sa kanya, "ba't puro sarili mo lang inisip mo nung tayo pa? Ba't hindi mo 'ko minahal—"

"I'm sorry..." he suddenly hugged me. Caressing my back and kissing my head. "I'm so sorry, Yli,"

"I hate you!" Tinutulak ko siya pero hinigpitan nito ang pagkakayakap.

"I'm sorry Yli.. I'm so sorry. I love you so much, Yli, so much." rinig ko na ang.. paghingos ni Mino kaya natigilan ako.

DISCONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon