Phiv. A highschool girl who dreams to be a lawyer someday. But not a normal lawyer, she wants to be the greatest lawyer of all time. Having the power to bring justice and balance. However, it will not go as easy as she planned.
Her blood and soul was destined to be much different from what she wants to be. Far more terrifying. It is something she tried to avoid from happening.
~~~
"Tara inuman!" rinig kong pagyaya sa'kin ni Megan.
Umiling na lamang ako dahil kailangan ko nang matapos ang research namin. Si Mathie ay hindi rin sumama.
Pagkauwi ko ay inihiga ko na lang ang sarili. Due date ng research bukas, sa makalawa ay reporting naman. Next week ay dance performance. Naiiyak na lang talaga ako sa sobrang stress at pagod.
Nagising ako ng 1AM at dahil hindi ako naghapunan, nakaramdam ako ng gutom. Nagbukas ako ng ref at may nakitang cake na nakalahatian na. Ito yata yong cake ni Nicolai, roommate ko, no'ng birthday nya. Nang magustuhan ko ang lasa at saka ko ito nilantakan. Naubos ko rin dahil hindi naman iyon ganon kalaki.
Hihiga na sana ako ulit sa kama ng bigla akong makaramdam ng presenya sa aking likuran. Saglit ay inalala ko kung inilock ko ang pinto ngunit huli na para doon. Hindi ko alam kung lilingunin ko siya o tatakbo.
"Psh! Pathetic!" narinig ko.
Dahan-dahan ay nilingon ko siya. Nakita ko ang isang magandang babae na nakasuot ng makalumang damit. Nakatingin siya sa'kin na tila ba mukha akong 'di kaaya-aya sa paningin.
"You are Phoebe, right? Isang senior high school na nagrereklamo sa activities pero malakas um-oo sa inuman?"
"Ha?"
"Sumama ka sa'kin."
"Ha?!" gulat kong tanong.
"Boba ka ba o bingi lang talaga? Kailangan mong sumama sa'kin!" sinubukan niya akong hawakan sa braso ngunit iniiwas ko ito.
"Oh c'mon! I'm telling you, don't force me to use my magic stupid girl," may pagbabanta niyang saad.
"Magic? Sumama sa'yo..? Anong pinagsasasabi mo, sis?" nagtataka kong tanong.
"I don't care about the rules but I think a little trick might help,"
"What I desire, you will obey. Whatever I say, night or day."
Tila ba bigla akong nahilo pagkatapos niyang banggitin iyon. Nandilim ang paningin ko at wala na akong maramdaman.
Nagising ako sa isang kwartong malayo sa kwarto ng apartment ko. Nang maalala ang nangyari, napabangon akong bigla. Sinubukan kong buksan ang pinto at napagtanto na bukas iyon. Pagsilip ko ay nakita ko ang hallway. Nasa five-star hotel ba ako?
Tumingin akong kaliwa't kanan at nang walang makitang sinuman ay dali-dali akong lumabas.
"And where do you think you're going?"
Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko. Siya muli ang babaeng nasa kwarto ko kagabi.
"Nasaan ako?" agad kong tanong.
"Uhm.. speak in English, please." maarte niyang sabi at halatang iniinis lang akk. Ayaw ko man pero wala akong choice.
"Where am I?" nagki-cringe ako sa sinabi ko pero alam ko namang tama.
"You are in the Academy. The Great Academy of Witches and Warlock, Miss Phoebe Romanica."
"Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo," reklamo ko dahil wala naman talaga. Academy for witches?! What the fuck?
"As expected, dumbass. You are so used on living the mortal life. Let me show you how you should be living-"
"Bakit mo ako dinala dito?" nagtitimpi kong sabi. Maliban sa hindi ko pa tapos ang research namin, madami pa akong gagawin.
"You don't know a thing about you? You are a witch, often described as dark beings and humans dislike us as much as I do."
Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi niya. Wala akong alam sa sinasabi niya. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya.
"Stop pretending like you are that clueless, I saw it myself. How you annihilated the bus full of people and killed them. All are innocent and-"
"Stop!" pagsigaw ko sa kanya dahilan para muling manumbalik ang kapangyarihang matagal ko ng kinalimutang mayroon ako.
"See, you are overflowing with energy. I'll teach you how to use that kind of power."

YOU ARE READING
The Last Romanica
ФэнтезиPhiv. A highschool girl who dreams to be a lawyer someday. But not a normal lawyer, she wants to be the greatest lawyer of all time. Having the power to bring justice and balance. However, it will not go as easy as she planned. Her blood and s...