Chapter I

2 0 0
                                    

Muli kong inalala ang mga naganap kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong pilit kong limutin ang aking kakayahan, tila ba hindi ako nito lulubayan. Nanahimik at namuhay akong malayo sa mga mahal ko sa buhay. Nangarap na maging isang sikat at tanyag na abogado. Plano ko na nga din ang mamatay mag-isa. Pero narito akong muli, sinusubukang harapin ang bagay na matagal ko nang tinalikuran.

"Okay so, I think I need to introduce myself now," panimula niya. Nasa isang isang silid-aklatan kami at narito kami, kasama ang librarian.

"Hindi ba dapat ay matagal mo nang ginawa 'yan?" sinubukan kong magtunog sarkastiko.

"Uhm.. yeah. Nevermind, I am Atheanna. The President of the Academy," inilahad nya ang kamay niya, makikipagkamay. Inabot ko naman 'yon at nakipag-shakehands.

"Phoebe." sabi ko. Nang magbitawan kami nang kamay ay nanaig ang katahimikan. Nakakailang kaya't laking pasalamat ko nang magsalita siyang muli.

"What are your plans?"

"Plans?" naiinis kong sabi. Sana hindi na lang pala siya nagsalita.

"Yes, like susubukan mo bang tumakas?" prangka nyang saad. Napaisip ako.

"Hindi ko alam.."

"Then I think it is better for you to just stay here and learn as much as you can," suhestiyon nito sa'kin.

"Pero paano yung buhay na iniwan ko? Malamang sa malamang ay hahanapin nila ako at mag-aalala sila." siguradong nagreport na sa pulis si Nicolai.

"I do think you should know more of you, yourself." makahulugan at seryoso nitong sabi. Nakatingin lamang ito ng deretso sa akin.

"Alam ko ang sarili ko." matapang na saad ko naman. Agad namang sumilay sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.

"Stupid.." bulong pa niya bago tumayo at lumabas ng library. Nagulat ako sa naging reaksiyon niya.

Naiwan akong mag-isa dito kaya napag-isipan ko na lamang magbasa ng libro. Una kong nabasa ang tungkol sa mga Primordial Gods. The Three beings that balances the Equilibrium of the Cosmos. Si Lillia, Gyuadr, at Ivierre.

Si Lillia ay itinuring na pinakamakapangyarihan sa kanilang tatlo. Isa sa mga dahilan na ito ay hindi siya naaapektuhan ng kahit anong uri ng magic na nag-e-exist. Lillia is the Goddess of Witchcraft, prior to her daughter, Lilith.

Gyuadr. Kilala bilang pinakamalakas na nilalang. Sinasabing binura niya ang isang reyalidad sa pamamagitan lamang nang pagtulak dito. As recorded, two realities is about to merge because the "Malevolence" was rampaging and causing chaos all over the Multiverse. Nakapagtataka na sa pagbabakasakali niyang iligtas ang isang reyalidad ay siya pa ang naparusahan. Gyuadr was sealed by Lillia herself as per Void Mother's command.

"Sino si Void Mother..?"

And lastly, si Ivierre. Ang tanging nilalang na kayang gamitin ang Void Magic. Void Magic is a type of magic that eats away the pureness of every reality. Ivierre has consumed numerous dimensions and realms effortlessly.

May mga nabasa pa akong libro na naglalaman ng iba't-ibang spells and rituals na sa tingin ko ay magagamit ko in the future. Some are books about famous witches and wars that happened hundred years ago.

Bumalik ako sa kwarto at nadatnan ang nakahandang pagkain. Nakapasulyap ako sa orasang nasa dingding. 8PM. Hapunan na pala ito.

Pagkatapos kong kumain ay hinanap ko kung nasaan ang kitchen. Wala kasing telephone para magtawag ng kukuha nitong pinagkainan ko. Fortunately, may nakita akong lalaki sa likuran ko kaya pasimple kong inihulog yung spoon at naglakad palayo.

"Uhm, hey.." mission success!

"Oh hi.." paglingon ko ay ngumiti naman ako ng malawak.

"Nahulog mo yung kutsara mo," sabi niya at saka iniabot ang spoon.

"Hala.. oo nga.." umakto ako na tila ba hindi ko alam iyon."By the way, alam mo ba kung nasaan yung kitchen?"

"Huh? Bago ka lang ba dito?"

"Oo eh.." nahihiya kong pagsagot.

"Okay, yung kitchen nga pala is nasa second floor." nakangiti niyang sabi.

"Anong floor pala 'to?" pagdudugtong ko sa usapan.

"78th floor, why?" muli, nagtataka siyang nagtanong.

"Ano?!" gulat kong tanong.

Nasa 78th floor kami? What the freak?

"If magtatanong ka nang elevator, then I'm afraid that there's none.."

Napanganga na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko kakayaning bumaba hanggang second floor. Siguradong patay na ako by that time.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last RomanicaWhere stories live. Discover now