A five-year age gap. ..
I didn't find it strange hanggang sa makaratungtung ako ng high school.
"Per, saan ka na naman pupunta?" pahabol na tanong sa akin ni Paolo. Sumabay siya sa akin palabas ng classroom, ngumiti naman ako nang makahabol siya sa akin. Lumingon ako sakanya at ngumiti, nang mapansin niya iyon ay tumawa siya ng mahina.
"Susunduin mo na naman si Haze no?"tanong niya. Tumango tango naman ako dahil doon.
Nag aaral ako sa isang private school, magkasama sa isang campus ang high school at elementary, nasa kabilang campus naman ang college.
"Bakit ba lagi mo siyang sinusundo eh magkapitbahay lang naman kayo? Hindi mo naman siya kapatid" tanong niya.
Umiling ako dahil doon at hindi na siya pinansin. Naglakad ako palapit sa building nina Haze.
"oh siya, mauuna na ako, Per. . see you tomorrow" wika pa niya sabay gulo ng buhok ko. Nagpasalamat naman ako sakanya at kumaway pa dahil patakbo siyang umalis. Napansin ko din ang kotse nila at madali siyang sumakay doon. .
Bakit hindi ko nasagot ang tanong ni Pao?. .
Simply because I can't, hindi ko kayang sabihin sakanya ang sitwasiyon namin ni Haze. .
Umiling iling ako at tinanggal sa isip ang topic na iyon. Naglakad ako palapit sa classroom ni Haze, grade 4 na siya.
"Haze!! nandyan na ate mo!" sigaw ng mga kaklase niya. Sumilip ako sa classroom at nakita si Haze na abala sa pagliligpit ng mga gamit niya.
Kumaway naman ako ng mapalingon siya sa banda ko. Isang matinding irap lamang ang natanggap ko mula sa mokong.
"I said, stop waiting for me" masungit niyang wika habang hawak hawak ang strap ng backpack niya.
At dahil mas maliit siya sa akin, ginulo gulo ko ang buhok niya at kinurot siya sa pisngi bago ako nagsalita.
"I said isshhtop waiting for me" ginaya ko ang pagsasalita niya. Bakas ang irita sa mukha niya. Naglakad kami palabas sa building. .
"magagalit ang mama at papa kapag hinayaan kita umuwi mag - isa" wika ko habang naglalakad kami palabas ng gate.
"anong tingin mo sa akin? Weak? I'm a grown up" may bakas ng inis sa boses niya. . ang cute. Napangiti ako dahil doon. .
I don't want this too, Haze. Wika ko sa isip. I don't want this set up either. .
"I wish I could grow up sooner" wika pa niya habang hawak hawak ang strap ng back pack. .
"yeah yeah" wika ko nalang.
Pagkahatid ko sakanya ay umuwi kaagad ako sa bahay at dumeretso kaagad ako sa kwarto ko.
"anak" pagtawag ni mama. Sakto naman at kalalabas ko ng banyo, katatapos magshower.
"ma?" wika ko sabay bukas ng pinto.
"dalhin mo itong ulam kila Haze" wika niya sabay baba at deretso sa kusina.
"hindi pa po ako kumakain" sumunod ako sakanya pababa.
"alam ko, pero wala pa ang mama at papa ni Haze, nagbilin silang gagabihin sila dahil sa business meeting, malamang, hindi pa kumain iyon" concern na wika ni mama.
At ano pa nga ba?. wala naman akong choice kundi sundin si mama.
Nakapantulog na ako't lahat.
Magkapitbahay lang kami nila Haze, nasilayan ko siya pagkasilang hanggang ngayon, well. . .
"Haze" wika ko habang kinakatok ang pinto ng bahay nila.
Nakalimang katok ata ako bago niya binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang batang halatang nagising mula sa isang malalim na pagkakatulog, hindi na din niya sinuklay ang kanyang buhok, naka jacket ito at nakashort. Nang makita ako ay tinalikuran ako kaagad.
"nag dinner ka na?" tanong ko naman habang binubuksan ng tuluyan ang pinto.
"hmm hmm" sagot niya at umiling. Nakatalikod siya sa akin at sinusundan ko lamang siya habang naglalakad papuntang kusina.
"oh ito ulam at kanin na din" wika ko. Ako na ang kumuha ng mga plato at kutsara niya dahil naupo na siya kaagad sa upuan nang makita akong naglalakad palapit sa hanging kabinet nila.
"kain ka na po, señorito" pang aasar ko sakanya sabay lapag ng ulam at kanin na dala ko na isinalin ko sa sarili nilang plato. Magagalit kasi si mama kapag hindi ko inuwi ang mga platong pinaglagyan ng pagkain.
Tumingin ng taimtim si Haze sa akin bago niya kinuha ang kutsara at nangsimula ng kumain. Naupo naman ako sa upuang nasa tabi niya, round table kasi iyon,sakto lang sa kanilang tatlo ng mama at papa niya. Kaya lang, madalas silang wala kaya ganito ang sistema kapag hindi sila umuuwi ng maaga.
"huwag mo na akong sunduin at ihatid araw- araw"pamutol niya sa malalim kong pag - iisip. Natapos na pala siyang kumain. Nilakihan ko naman ang tingin ko sakanya dahil doon.
"ano?" tanong ko at pinauulit ang kanyang sinabi.
"ang sabi ko, huwag mo na ako sunduin at ihatid" pag uulit niya. Kinuha niya ang pinggan at inilagay iyon sa lababo. Pinanood ko siya habang ginagawa niya iyon.
"malaki na ako, ERSE" madiin niyang wika na ikinagulat ko.
Hindi ako nakapagsalita dahil doon.
"sabihin mo kay mama Pet na salamat sa pagkain, umuwi ka na" seryosong wika niya na lalo kong ikinagulat. Well, alam ko naman na matanda talaga mag isip si Haze at matured nga ang utak niya kumpara sa mga batang ka edad niya ngunit hindi ko inaasahan ang reaksiyong ito mula sa kanya.
"teka, Haze" wika ko nang akma na siyang maglalakad sa hagdan.
Lumingon naman siya sa akin habang nakahawak sa railings ng hagdanan.
Nakaupo pa rin ako sa upuan ko kanina dahil hindi ako makapaniwala.
"ako dapat ang gumagawa 'nun sayo Erse" seryosong wika niya. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"huwag mo na akong kakausapin. . my classmates thinks that you're my sister and I don't want that" seryosong wika niya.
"umuwi ka na, hinihintay ka na ni mama Pet" wika pa niya tsaka dumeretso sa paglakad papunta sa kwarto niya. Naiwan akong tulala sa kusina. . anong nangyari?
YOU ARE READING
Legally Illegal
Non-FictionNakamulatan na ni Haze na ang babaeng para sakanya ay si Per, ngunit paano kung sa isang iglap ay mabago ang tadhana, ilalaban ba niya ito o bibitiwan na lang? Bago pa man isilang si Haze ay nakatadhana na niyang pakasalan ang anak ng malapit na ka...