AWY2

14 0 0
                                    


Kasabay ng pagtunog ng tiyan ko dahil sa gutom ay ang pagtunog din ng alarm clock ko. Marahan kong minulat ang aking mga mata para tingnan ang oras.

Napabangon ako agad habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa orasan.

8:30 a.m. na!

I'm late!

Agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Mabilis din akong nagbihis ng uniporme. Muling tumunog ang tiyan ko sa gutom. Hindi na ako nag-abalang kumain kahit gutom na gutom na ako.

Basta ko na lang dinampot ang bag ko at tumakbo palabas.

Ngunit napahinto ako nang pagbukas ko ng pinto ay may bagay na nakalagay sa harap ng pinto ko. Mabilis ko yong dinampot at binuksan ang cellophane.

Umawang ang labi ko nang matanaw mula sa loob nito ang isang sandwich and a bottle of water. Luminga ako sa paligid ngunit wala akong nakita ni isang tao.

Kanino galing ito?

Mabilis ko na lang na nilisan ang bahay at nagmamadaling tumakbo papuntang school. Paniguradong wala na ang lagi kong sinasakyang bus. 8:30 na, ang pasok ko ay 7:00.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang matanaw na naroon pa ang bus, hindi pa nakakaalis. Nagtataka akong lumapit dahil nasa labas ang mga pasahero.

"Ano... pong nangyari?" tanong ko sa matandang isa rin yata sa mga pasahero.

"Hay naku! Paalis na kanina ang bus nang biglang magkaproblema ang hulihang gulong nito. Nang tingnan ng driver ay butas ang gulong. Para ngang sinadyang butasin. Ayaw yatang paalisin ang bus." mahaba nitong kwento, "Naku! Mukhang maswerte ka dahil mukhang late ka pa yata. At saktong nasiraan." tumawa siya.

"Ah... Oo nga po eh." nahihiya kong sabi dahil masaya pa akong nasiraan ang bus.

Tipid akong napangiti dahil naabutan ko pa ang bus. Pero late pa rin ako.

"YOU'RE late again, Ms. Aragon!" sigaw sa akin ng gurong nasa harapan, sa likod kasi ako dumaan.

"I'm sorry ma'am." mahina kong sabi.

Nakatingin ang lahat ng kaklase ko sa akin. 'Yong iba ay nagbubulongan pa.

"Anong oras na? At ngayon ka lang pumasok! You're one hour and fifty five minutes late!" muli niyang sigaw.

"I'm sorry---"

"Get out of my class!" sigaw niya.

"M-ma'am?"

"I said get out!" mas malakas niyang sigaw.

Rinig ko ang tawa ng mga kaklase ko.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Habang nasa labas ay kinain ko ang pagkaing natagpuan ko sa labas ng pinto ko kanina.

Napagpasyahan kong pumunta na lang sa library para hintayin ang pangalawang klase ko.

Pinili ko ang dulo at wala halos taong pwesto sa loob ng library. 'Nong una ay nagbasa-basa ako ngunit bigla akong inantok kaya natulog muna ako.

Napamulat ako nang maramdamang may tumapik sa pisngi ko. Nang tingnan ko ay wala namang tao.

Ipinag-walang bahala ko na lang 'yon at inisip ang susunod na klase. Tiningnan ko ang suot kong relo. Mabilis akong napatayo.

10:45 na! Ten ang start ng klase ko.

Late na naman ako!

Tinakbo ko na ang distansya ng library at ang room namin. Ngunit talaga yatang minamalas ako dahil sa gitna ng pagtakbo ay may pumatid sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alone With You Where stories live. Discover now