Kaya mo kaya akong pagtaksilan?

4 0 0
                                    

A Short Narrative Story :

Kaya mo kaya akong pagtaksilan?

Lumayo ako sa aming baryo upang sa ibang lugar ay magtrabaho kahit ano ay aking pinasukan upang di lang magutom ang aking tiyan. Ako ay nagtagal doon sa malayong lugar, tumakas lang ako di man lang nagpaalam, di ko alam kung anong hahantungan nitong aking paglisan, di alam ito ng mga magulang wala kasi akong pakialam masunod lang ang kaligayahan. May nakilala akong isang lalaki doon sa trabaho na pinapasukan ko, inaya akong maging kanyang kabiyak, iniwas nya ako sa maling trabaho para di na maghirap na para bang nasa impyerno. Naging masaya ako sa piling ng aking kabiyak nagkaroon kami ng supling na pinangarap-ngarap, ngunit umabot sa punto nasawi ang isa naming anak, trahedya'y nagdulot nang aming sobrang kabiguan. Pero lumabana kami at nagpatuloy sa agos ng buhay, masakit may amin ding natanggan ngunit marami pang luha ang naluha bago ang sakit ay naibsan.
Ang kabiyak koy isang matipuno't-masipag di niya kami kayang pabayaan na walang makain at di mabihisan mga anak namin, dahil kami ay kanilang kailangan walang ibang mag-aalaga dahil kami ang naglagay sa kanila sa sitwasyon ngayon.
Minsan may pagtatalo sa pagitan namin nang kabiyak ko ilang beses din kami'y sanay maghihiwalay na dahil sa pagkalito sa mga bagay-bagay dulot nang pagtatalo. Siyam na taon man ang ang aming pagitan, hindi naging hadlang upang kami magmahalan at magkaroon nang tatlong anak na kay among pagmamasdan.
Lumipas ang mga taon kami ay nakauwi na saaming probinsya dito naman kami nakipagsapalaran at maraming mga pagsubok ang napagdaan. May mga pagkakataong akala koy kanyang pagtataksilan, dahil sa kanyang mga  kilos na di mapalagay at di pagsasabi ng katotohanan. Pero kahit ganoo'y mahal ko pa rin ang aking kapareha, di ko man alam ang hantungan ng mga pagsubok na aming nagpagdadaanan, patuloy pa din ako sa pagdarasal na kami ay magmamahalan hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Author : Likha Ni Bb. Bagal  Rebecca Leones Bagal
(Credit to the rightful owner of the picture)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kaya mo kaya akong pagtaksilan?Where stories live. Discover now