"Where are you going?"
Iyan ang tanong sa akin ng taong katabi ko. Sa hindi malamang dahilang bigla talaga akong kinabahan at ang nasabi ko lang ay "Ha?"
Kahit anong pilit ko ay hindi ko maalala kung saan at kailan ko nakita ang lalaking ito. Kaya ginawa ko ang nararapat. Ang lumayo na at umalis. Bigla akong tumayo at sinabing
"Sorry pero hindi kita kilala."
"Ah huh. So you are really into this. Making me feel like an idiot again. Tell me, what is it with your denial of knowing me?!" medyo tumaas na ang boses niya ngunit nanatili pa rin siyang nakaupo at nakakunot ang noo.
"Dude, stop it. You're making her afraid of you." Biglang sabi naman ng isa pang lalaki na kanina ay papunta pa lang sa puwesto namin. At bumaling siya sa akin, "Sorry about him. He's just... hmm confused?!"
"What Nick! I'm not confused!" Halos pasigaw na ang pagkakasabi nung lalaking katabi ko kanina at napatayo pa siya dahil doon.
"I'm sorry pero hindi talaga kita kilala. Ang totoo ay kayong dalawa ay hindi ko talaga kilala. Sige mauna na ako."
At mabilis na akong naglakad palayo sa kanilang dalawa. Ngunit habang papalayo ako ay narining ko pa ang sinabi nung isang lalaking kararating lang.
"Gab, will you stop bothering her. You're not even sure. Even if it's her, she must have some reason why she does not recognize you. Just wait and see. Be reasonable dude."
Kung ano man ang sinagot nung isang lalaki na katabi ko kanina ay hindi ko na narinig dahil mabilis na aking umalis sa park na iyon. Isang dahilan kung bakit mahilig akong tumambay sa park na iyong dahil malapit lamang ito sa bahay na kaing tinutuluyan. Habang naglalakad ako kanina pakiramdam ko ay may humahabol sa akin sa sobrang kaba na aking nadarama. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa tinutuluyan ko na bahay para hindi ako maabutan ng dalawang lalaking iyon.
Pagkabukas ko ng pinto ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng aking hapunan. Hindi talaga ako marunong magluto. Puro prito lang ang alam ko kaya heto, pritong itlog at hotdog ang ang naisip kong hapunan ko. Pagkatapos kong kumain at maglinis ng kusina ay umakyat na ako patungo sa aking kwarto. Ang aking kwarto ang tanging lugar na kulay purple ang dingding. Buong bahay ay puro puti ang kulay. Hanggang dalawang palapag lang ang bahay na ito. At may dalawang kwarto bukod sa akin ay may kwarto sa kabila na nagsisilbing bodega at guest room na din dahil hindi ko naman iyon ginagamit.
Sa aking pagkakaalala ay ipinahiram lamang ito sa akin ng isang kaibigan na malapit sa akin. Mabait sa akin ang kaibigan ko na iyon at maituturing ko na natatangi kong pamilya simula noong nangyari ang lahat. Dahil nga wala na akong mga magulang ay nag-iisa lang din ako sa bahay na ito mula noong nakaraaang taon.
May isang maliit na kama ako at isang cabinet para sa mga damit ko. May mga maliit din akong tukador at patungan ng mga libro na aking kakaunting koleksiyon. Sa gilid ng kama ko ay isang patungan na lampshade na may dalawang drawer. Ipinatong ko doon ang aking cellphone at saka humiga upang nagsimula muling magbasa. Ngunit habang nagbabasa ako ay pumapasok sa aking isip ang itsura ng dalawang lalaking nakausap ko kanina at may mga katanungan ako sa aking sarili na unti-unti nabubuo.
Sino sila? Gab at Nick?
Bakit parang kilala nila ako?
Parte ba sila ng aking nakaraan?
Bakit kaya parang pinipilit kong alalahanin kung sino man sila sa buhay ko?
Bakit hanggang ngayon ay naalala ko ang mukha ni Gab na may galit lalo na ang mga mata niyang may tinatagong kalungkutan?
Hayyyyy... Ano ba naman ito? Hindi na sila matanggal sa isip ko. Sana lang ay hindi ko na sila muling makita. Dapat ay mag-ingat na ako sa susunod. Baka kung kailan nakahanap na ako ng magandang lugar kung saan ay pwede akong tahimik na mamuhay ay saka kailangan ko na namang lumipat dahil sa dalawang lalaki na iyon. Matagal na rin siguro ang isang taon na pagtatagal sa isang lugar. Sapat na sana ang makabuo ako ng ugnayan sa ibang tao na bagay na pilit kong iniiwasan noong nakaraang limang taon. Siguro nga ay kailangan ko nang makahanap ng bagong lilipatan. Maaring senyales na ang dalawang lalaki na iyon na kailangan ko ng umalis. Ang buong pag-aakala ko ay magtatagal pa ang aking pananatili dito sa San Sebastian ngunit nagkakamali pala ako.
Ang sabi ng aking kaibigan ay magandang lugar ito upang mahanap ko ang aking sarili. Ngunit hindi niya alam, ayaw ko ng mahanap pa ito. Kung sino man ako ngayon, sa nakalipas na nagdaang limang taon ay mas gusto ko na ang buhay na ito. Natatakot akong isipin kung ano ang aking nakaraan dahili may pakiramdam akong wawasakin nito ang pilit kong binuong kapayapaan sa aking puso at kaisipan.
Kung may ipagpapasalamat man ako sa Diyos, ay hindi niya hinayaan na masayang ang limang taon na puno ng katahimikan at maituturing na kakarampot na kaligayahan na aking naramdaman. Malamang sapat na ang limang taong pinahiram na panahon upang maghilom ang aking puso at isipan at tuluyang makaramdam ng kapayapaan.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan at unti-unti pumikit ang aking mga mata at dinalaw ng pagka-antok.
Sana. Sana talaga.
BINABASA MO ANG
Pieces of the Puzzle
RomancePaano ba unti-unting bubuin ang mga bagay sa iyong buhay na winasak ng di inaasahang pangyayari na magdudulot ng kawalan mo ng pag-asa sa buhay. Ano ba ang dapat piliin: ang mabuhay mag-isa na tahimik at malungkot o ang mabuhay kasama ang taong magb...