ANG LALAKI SA KANTO

575 1 0
                                    

CHAPTER ONE

- - - - - - - -

Tahimik ang lugar na nilipatan namin dito sa Maynila

Kakaiba nga dahil para itong isang hiwalay na lugar dahil napapaligiran ito ng mga barangay na pinuputakti ng mga tambay na tsismosa at lasinggero

Ng mga nagtitinda ng itlog na orange at barbeque

Mga barangay na pinuputakti ng mga magkakalabang kaya madalas rin ang riot

Pagliko mo sa barangay namin tahimik na

Nakasara ang mga bintana at pinto sa bawat bahay

Binubukod din ng mga kapitbahay namin ang kanilang sariling pamilya

Mga may kayang pamilya kasi halos lahat ng mga nakatira sa amin na kung pwede lang ay tatayuan ng mataas na bakuran ang harap ng bahay nila

Nilalakad ko lang papunta sa amin para makatipid para narin makabili ng itlog na orange sa labas na mimiryendahin ko bago ako matulog

**

Isang gabi,

Naglalakad ako pauwi galing sa school

Syempre para makatipid naman ako :)

May nakita akong isang lalaki sa may kanto malapit sa amin

Medyo madilim sa kanto

Nasira pa yata yung ilaw sa poste nung gabing iyon! Kakaasar -_-"

Nakatayo lang yung lalaki sa tabi ng poste

Parang nagihihintay ng tricycle

Medyo inaantok narin ako dahil sa sobrang pagod ko sa school kaya hindi ko narin ma-control ang ginagawa ko, Ano ba naman yan.

Pero napapansin ko tinitingnan niya ako ah kaya inaaninag ko naman siya sa dilim

ANG LALAKI SA KANTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon