Chapter 16

1 0 0
                                    

Muntik nang ma bitawan ni mayla ang tinidor sa narinig sa ikatlong mesa. Nanlalaki ang mga mata niyang napa titig kay ella bago pa man sila maka isip ng sasabihin sa isa't-isa tungkol sa narinig ay muling nagsalita si claris.
Inilapit daw ang tenga kay lucci pabulong pero lahat yata ng nasa kalapit na may sa intensyon itong pakinggan ang sinabi lalo na siya.
"Girl ang sarap humalik ni jake promise." Anito
"Halik lang ?" Sabat naman ni amy "Ang tagal niyo kayang nakakulong sa cottage and your scream was heard outside."
"Ang halay mo bakla." Nakakatawang sabi ni lucci na sinundan ng tawanan ng iba pa.
"Oh well" pa demure nasabi ni claris atsaka sinabayan ng nasisiyahang tawa. "Kaloka nga si jake super possessive pagdating namin dito sa maynila ay ilang oras lang kaming naghiwalay at pagkatapos ay nag aya na sa enchanted kingdom. Syempre kami lang dalawa hindi na kasama yung mga asungot na iyan."
"Kapag umiiyak ang ngayon ay iiwan kita rito" babala nila sa naniningkit na mga mata. "Bibigyan mo lang ng kasiyahan ang mga lokalokang uyan there doing it to rile you"
Nanatili siyang nakayoko sa pagkain niya ni hindi nya magawang magsalita dahil baka nga mapa bulalas siya ng iyak paano ba mauubos in cassava cake niya?
"Ayusin mo ang sarili at ubusin mo ang pagkain mo" patuloy ni ella. "Ako na ang nakikiusap sa'yo"
Mayla took a few bites. Sinundan nya ng sipsip ng softdrinks upang lumampas sa lalamunan niya ang pagkain . Patuloy rin sa tahimik na pagkain si ella hindi pa man lang siya makaka isip ng sasabihin sa kaibigan ng maramdaman ang pagtunog ng mga silyang nausog.
Pagkatapos ang presensya ni claris sa tabi ng misa nila ni ella
"Hi girls naka enroll na ba kayo?" She asked cheerfully
Si ella ang nag angat ng ulo. "Maaga kaming nakatapos claris."
Niyuko nito si ella. "How are you mayla ? Siguro ay hindi mo masasamaing magkasama kami ni jake sa beach ? Balita ko ay break na kayo bago paman natapos ang nakaraang semester may bago kana daw boyfriend . Jason yata ang pangalan?"
Ella smile sarcastically. "Jason's a thing of the past claris may bago ng boyfriend ulit si mayla a rich businessman a george clooney look alike you know hindi ang uri ni mayla ang naghahabol sa lalaki hindi tulad ng iba diyan."
Huling huli ni mayla ang biglang paniningkit ng mga mata ni claris pero sandali lang iyon at muli itong ngumiti. "Well that's good at least hindi ako magiguilty na kami na ni jake ang mag boyfriend."
Sa kabila ng lahat ay nakuha ni mayla na gayahin si ella at sarcastic na ngumiti. "Mag-boyfriend pa kaming dalawa ay matagal mo ng ninanasa si jake diba ? I'm sure you're happy now he's all yours."
Hindi agad nakahanap ng sasabihin si claris . Mamaya pa ay tumalikod na ito at bumalik sa grupo nya, unang tumayo si ella at sumunod si mayla
"Ngumiti ka at kawayan mo sila" utos ni ella sa mahinang tinig
Tila robot na sumunod si mayla kung paano siya naka ngiti ay hindi niya alam, malayo pa ang gate mula sa canteen subalit nakarating siya doon bago siya bumulalas ng iyak . Isang taxi ang pinara ni ella at hinila sya patungo roon.
Nasa loob na sila ng magsalita siya. "Akala ko ba nagtitipid tayo." Pahikbing sabi nya
Huminga ng malalim si ella . "You will break into pieces mayla anytime kailangan nating mag taxi."
Isinandal niya ang ulo sa sandalan at itinoon ang mga mata na walang tigil sa pag-agos ng mga luha. "All those times. All those times. When i was hoping that he would-"
"Call you" dugtong ni ella "ay magkasama sila ni claris."
Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak kung umaasa man siyang magbabalik si jake ay tuluyan na iyong naglaho tila kastilyong buhangin na hinampas ng malaking alon at gumuho.
Naghihintay sa wala. Habang gabi gabi ito ang iniisip at umaasam na tatawag ito ngayon pala ay nasa piling ito ni claris at nag papakaligaya . Habang nasa ospital siya ng dalawang araw dahil muntik na niyang mailaglag ang magiging anak nila ay kasama nito si claris.
Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nitong pagbaling kay claris. Sa kataksilan nito. Siya ang inaakusahang nagtataksil pero hayun at walang saalang alang nitong ginawa ang inaakusa sa kanya.
Pero ano ba ang dapat niyang ipagpatawad dito gayong wala na itong intensyon na balikan siya ? Where have all the love gone ? Ano na ang nangyari sa matatamis na pangakong binitawan nito para sa kanya?
Sa pangako na bago matapos sa susunod na semester ay magpapakasal sila ?
Sa nakalipas na mga araw ay hindi man lang siya nag duda sa posibilidad na maaaring magbalik si jake na magpapalipas lamang ito ng ilang araw at makapag isip isip ito pero nasasaktan siya sa pakikipag galit nito ay naroon pa rin ang pag-asa ng ano mang sandali ay tatawag ito.
Pero ngayon yung sigurado hindi na ito mag babalik ay halos mawasak ang dibdib niya. The pain was too unbearable that she thought she might die any moment . Kay talas naman ng patalim na hinihiwa sa dibdib niya
It was if there was literal blood that was dripping from her chest . Hindi niya na pigilan ang malakas na mga hikbi na kumawala mula sa lalamunan niya.
"Mayla"
Hindi malaman ni ella ang gagawin at sasabihin kahit ito man ay naiyak na rin wala naman yatang salitang maaaring sabihin ng pang pawi sa sakit na dinaramdam ng kaibigan ni hindi magawang sabihin ni ella na alam nito kung ano ang nararamdaman ni mayla dahil hindi naman nito nararanasan pa ang ganoong uri ng kabiguan.
Mayla felt numb and lost parang hindi niya kakayanin ang lahat paano na ang lahat ngayon na nawala na nang tuluyan si jake sa buhay niya ? Paano na siya ? Kung nahihiling ang kamatayan ay iyon ang nais niyang hilingin sa mga sandaling iyon.
"I'm dying ella" at muli siyang humagulhol
"Huwag mong sabihin iyan! Oh god! Kung kaya ko lang na hatian ka sa nararamdaman mo ngayon ay gagawin ko"
"I know" she said brokenly
"Huminto ka naman sa kakaiyak you will make yourself sick"
Halos sinukin siya sa pagpipigil ng muling mapa iyak, marahas niyang pinahid ang mga luha sa mga mata niya ng mga palad at sinikap na huwag nang umiyak . Hanggang sa makauwi sila sa apartment ay tuyo ang mga mata nya.
"Gusto mo bang manood ng sine sa sm?" Tanong ni ella
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan niya at umiling.
"I will be fine ella thank you"
Ella sighed "ano ang plano mo ngayon?"
Nagkibit siya."hindi ko alam walang laman ng isip ko ngayon ella kundi ang narinig ko sa sinabi ni claris"
"You don't think she's lying ?"
Umiling Siya "i believed her"
"Ako rin hindi gagawa ng kwento si claris lalo at naroon ang mga barkada niya na ayon sa kanya ay magkakasama sila." Hinawakan siya nito sa balikat.
"Move on mayla dalhin sa full-term ang ipinagdadalang tao mo . Magtatapos ka at tumanggap ng diploma at pagkatapos ay maghanap ng trabaho, in that order."
"Hindi ko alam ang gagawin ko . Ang gusto ko nalang ay makulong sa kwarto sa taas matulog at sana ay wag ng magising."
Puno ng awa at simpatya ng anyo ni ella. "Alam kung mahal mo si jake at hindi madaling kalimutan ng isang minamahal."
"Hindi ko pipilitin ang sarili ko na limutin sya hahayaan ko ang panahon ang magpasya non, sa panahong na sa probinsya tayo ay mahigpit akong umaasa mo babalik siya . I never doubted that for a moment . I believe jake love me at nagpapalipas lang siya ng galit" she swallowed . Nananakit ang lalamunan niya sa pagpipigil ng muling umiyak.
"I was so wrong . Hindi na marahil ako talaga mahal tulad ng inaakala ko . Tulad ng nararamdaman ko para sa kanya kida linyang makahanap ng iba."
She bit her lip to keep her from succumbing to more tears . "Today , i am officially and day my relationship with him" she said with conviction. "And please don't pity me . I will survive . Ako at ang aking magiging anak."
Ella blink back the tears. "I ache for you. Kasama mo ako sa lahat ng pagkakataon nagdaramdam ka tuwing umiiyak ka . Kami ni lovely."
"Thank you" she said in a broken voice but swallowed back the tears. "Kung wala ka kayo ni lovely ay hindi ko alam ang gagawin ko . I would have really wanted to die."
Kinabigan siya  nito at niyakap pinili niyang patigasin ang sarili upang huwag nang umiyak mamaya pa komawala siya mula rito.
"Mag paluto ako ng ligaw kay nemia yung maraming bawang . Mag papabili ako ng goto sa sm . Yon nalang ang hapunan natin."
She would have screamed. "No" pinapaalala ng lugaw ang gabi na nakatulog siya . Ang gabi kung saan nagsimula ang mga kapighatian niya.
Pero hindi niya gustong pigilan si ella sa pagnanais na damayan at gawin ang sa palagay nito ay makabubuti sa kanya.
Nang gabing iyon ay hindi na siya umiyak . Subalit nananatili siyang gising hanggang mag umaga at nakatitig sa madilim na kisame . The pain  should have killed her by now pero bakit buhay pa sya ? Bakit nananatiling normal ang lahat ngayon sa pakiwari niya ay gumuho ang mundo niya ? May mamamatay ba dahil lang broken hearted?

Always Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon