First and Last

27 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Resortsville. May outing kasi kaming magkakaibigan, syempre gora akets. Hahaha. Tsaka summer naman kaya dapat mag enjoy. Third year na kami sa pasukan MassCom ang course namin.

Ako si Alexandra Hernandez, 18 years old.

"Leggo na thereee!" Sigaw ni Missy. Saka patakbong pumunta sa dalampasigan.

"So excited. Tss." sabi ni Elle. Saka sumunod kay Missy

Natawa nalang ako sa mga naging reaksyon nila.

Tiningnan ko yung isa pa naming kasama, si Harry.

"Gora ka nadin dun Harry. Haha, Ako na bahala pumunta sa reception." Sabi ko sakanya.

"Hmp. Mamaya nalang. Tara na dun at kumuha ng room." saka siya nauna saakin.

Napailing nalang ako. May pagkamasungit si Harry pero kalog din yan. :) tiningnan ko yung likuran niya, Isang simpleng shirt at slacks lang ang suot niya, na hapit sa katawan niya.

Napatingin ako sa medyo makembot niyang bewang at napailing. Gwapo sana kaso.... Parehas kami ng hanap. Hahaha.

************

"Mamayang gabi daw may bonfire, sama tayooo!" Masayang sabi ni Missy.

"Oo na. Ano nakapag boy hunt na ba kayo ni Elle? Haha." Natatawa kong sabi.

Nakita kong namula si Elle. Oh my. O_____o  BAKIT NAMUMULA SI ELLE?!

"Kami pa ba? Hahaha. Tanungin mo si Elle kung bakit. HAHAHAHAHAHAHA." Saka nagpatuloy sa pagtawa.

"Anong nangyari kanina, Elle?" Tanong ko.

"Oh Em. I guess something happened." sabi ni Harrysaka lumapit saamin. Nakikijoin na siya ngayon.

"Ha? E-eh... W-wala naman k-kaya," saka siya umiwas ng tingin.

"Gotcha! What is it, Elle?" saming apat si Harry ang mabilis bumasa ng galaw or reaksyon. Sanay na eh. Hahaha.

"Hahahahaha. Syet! Look at your face Elle, napakapula. Hahahahahahahaha!" tawa ng tawang sabi Missy.

Napatakip ng mukha si Elle.

"May hinalikan ako kanina." -Elle

Muntik ng lumuwa ang mga mata ko, kahit ang kay Harry. Si Elle?!May nahalikan kanina?!

"Tubiggggggg! Sigaw ni Harry,sabay paypay sa mukha niya.

Agad naman akong kumuha ng tubig at binigay sa baklang 'to.

"Nakakabigla ka Bakla!" sabi nalang niya.

***********

"One Frappe Capuccino." sabi ko sa counter.

Gumilid ako, kaso nasobrahan kaya may naatrasan ako.

"Ouch!"  I stopped. Hala. Lalaki ang nasa likuran ko.

Natapakan ko siya.

Kaya agad ko siyang hinarap at... Olala...

My gosh! Ang gwapo naman ng lalaking 'to! Napailing ako sa naisip ko Mag sorry ka, Alex.

"A-Ahm... S-sorry...." Damn! I stuttered.

Nagulat ako ng ngumit siya. Geez, Bakit siya ngumiti?! Nakakaloka, nakakainlab siya! Bakit ganun?! Pinakiramdam ko ang tibok ng puso ko. No, mali. Mali ang tibok, sobra siya sa normal na tibok ng puso.

"Its okay. Nagulat lang ako." saka siya ngumiti ulit.

Feeling ko namula na ako. Ngiti pa siya ng ngiti. Tsk.

Summer Heartbreak #1  (Alexandra Hernandez Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon