Pinipilit niya kong sumakay sa kotse niya. Eh sa ayaw ko nga. At tsaka, baka sa kung saan niya lang ako dalhin, eh hindi ko naman siya lubos na kakilala.
"Eh sa ayaw ko ngang sumama sa 'yo eh! Bat ba ang kulit mo-"
"Ikaw nga 'tong makulit eh. Napagpaalam na naman kita kay Tita. At gusto kitang isama, para kahit papano, may maalala ka sana," sabi niya. Mukha naman siyang sincere.
Mukha lang. Mukha lang, tandaan mo. Oo, oo na. Alam ko. Eh kaso- Ohps, tama na. Tigil ka muna.
Oo na nga. Just, shut up. Gah. Ang hirap din palang kausapin ang sarili! Hahahaha.
"Sumakay ka na," pagpupumilit niya.
"Ayaw. Ko. Nga, ang kulit mo, sobra. At tsaka, ba't ba ayaw mong ikaw na lang mag-isa? May kotse ka naman," sabi ko at inirapan siya.
Nagsimula naman siyang magsalita, pero tinakpan ko lang ang tenga ko at nag-ingay, "la la la la la" lang ang binibigkas ko na para bang walang paki sa mundo.
Tinakpan ko ulit ang tenga ko at pumikit.
"Sumakay ka na lang sabi eh. Sasakay ka, o hahalikan kita,"
"Waaah! La la la la la la la la la," minulat ko ang mga mata ko, tinignan ko siya at nagsasalita pa rin siya. Mukha siyang galit na ewan. Hahahaha. Ang cute niya. What the? Siya, cute? San parte?
Waah! Mali mali mali! Pumikit ulit ako at umiling. No no no! Di ko pwedeng isipin yun! Hindi siya cute!
Pagmulat ko ulit, sobrang lapit niya sa kin at nakapikit siya.
Nang may maramdaman ako sa labi ko- tinulak ko siya at lumayo ng isang hakbang sa kanya. Napahawak ako sa labi ko na nanlaki ang mga mata ko.
"I told you, if you don't get inside the car, I'll kiss you, heard that right babe?" nakangisi niyang sabi. Natameme naman ako, at para bang naparalisa dahil sa nangyari.
And that was his chance to push me inside his car.
***
Nakarating na kami sa makalaglag pangang lugar. Ang ganda dito, sobra. Ma-puno, may river. Ang sarap ng simoy ng hangin. Buti may ganto pang lugar dito. Akala ko, puro usok na lang at mga gusali.
Pinagbuksan niya ko ng pinto at inilalayang bumaba.
Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na ko pumalag. If we could just stay like this...
W-what...
Nakarating kami sa isang puno, malaking puno. Puno na paubos na ang mga dahon. Para bang hindi naaalagaan ito.
Nang binitawan niya ang kamay ko, bigla akong nanlamig. Na para bang hinahanap hanap ng kamay ko yung init mula sa palad niya.
Hinawakan niya yung puno, kung saan may nakaukit.
"Ito. Dito nagsimula. Nagsimulang maging tayo. Nagsimulang gumawa ng mga plano. Itong lugar na to ang saksi sa pagmamahalan natin, noon. At ito din ang saksi sa sakit na naramdaman at nararamdaman natin ngayon," sabi niya. Sumikip bigla ang dibdib ko ng marinig ang salitang, noon.
Ewan ko kung bakit, manhid na lang siguro ako kung hindi ko pa dapat maramdaman ang dapat maramdaman.
Tinignan ko yung ukit, may nakalagay na "Henry + Mands = forever"
"Ikaw pa ang umukit niyan," pagpapatuloy niya. Napatingin naman ako sa river.
Kahit mukhang sikreto tung lugar na 'to, mukhang may mga tao din nagpupunta dito. May mga bata rin. Hindi ito yung parang park na pinupuntahan ng madami.
He hugged me from behind.
Napapikit naman ako dahil dun.
"I wish I could capture this moment, and stay like this with you, forever," pagkasabi niya ng mga katagang yun, di ko naiwasang makaramdam ng lungkot.
Siguro, dahil sa naaawa ako sa kanya, pati sa sarili ko. Dahil hindi ko matandaan ang mga alaalang kasama ko siya.
Humarap ako sa kanya at hinaplos ang pisnge niya. "You know what-" pagsisimula ko, at niyakap siya.
"What I have right now is amnesia. But it feels like déjà vù."