T'was monday with an azure morning sky. And like any other day, nandito na naman ako sa Park. Lagi naman eh. Dito ako nagpapalipas oras. Wala lang, gusto ko lang dito. Tahimik, preskong hangin at nakakarelax.
Nakaupo lang ako lagi sa ilalim ng puno dito. Dito ako laging pumu-puwesto. Para magisip-isip ng kung anu-ano at para kumain na din. Minsan kasi nagdadala ako ng blanket tsaka pagkain. Parang picnic lang, yung ganun? Day-off ko kasi ngayon sa trabaho kaya andito na naman ako.
" CuteBabySoo ko "
Napatingin naman ako sa biglang tumawag sakin. Kahit na alam ko na kung sino. Siya lang kasi tumatawag sakin nun. Ewan ko ba dun kung bakit.
Napatingin naman ako sa biglang tumawag sakin. Kahit na alam ko na kung sino. Siya lang kasi tumatawag sakin nun. Ewan ko ba dun kung bakit.
" Kai, ikaw pala "
Bestfriend ko si Kai. At isa ring masugid na manliligaw ko. Actually, 3 years na niya akong nililigawan. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya sinasagot.
Hindi sa panget siya o ano pa man. Gwapo kaya nito, hindi ko nga alam kung bakit ako niligawan nito. Eh ang dami namang babaeng nagkakandarapa sa kanya, bakit ako pa?
" Sinasabi na nga ba, dito ko lang mahahanap ang CuteBabySoo ko "
Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niya akong niyakap. Niyakap ko rin ito. Na-miss ko din tong bestfriend ko kahit papano. Humiwalay naman ako pagkatapos tsaka ko ito tiningnan sa mata ng seryoso.
" Kai, hindi ka ba napapagod? " seryoso kong tanong dito
" CuteBabySoo naman eh, hinding-hindi ako napapagod sayo kahit kailan. Alam mo yan "
" Pero kasi Kai, ba't ako pa? Andami namang babae diyan na handang ialay ang lahat para sayo, ba't sakin pa na lalaki katulad mo? Gwapo ka naman eh, I'm sure may magmamahal na babae sayo. Dun ka nalang, mabibigyan ka pa nun ng magandang buhay. "
Pangaral ko dito. Napayuko ako. Eh sa totoo naman di ba? Pareho kaming lalaki. Walang magandang patutunguhan to. Bigla ko na lang naramdaman ang mga palad nito sa magkabilang pisngi ko.
" Hindi ko rin naman ginusto na mahulog sayo Soo eh. Kusa ko na lang itong naramdaman. Sa tingin mo ba, wala akong ginawa para pigilan ito Soo? Sinubukan ko Soo, nakipagrelasyon ako sa iba't-ibang babae, nakipagtalik at iba pa pero wala pa rin. Ikaw pa rin ang hinahanap ng isip ko pati na rin itong puso ko. Sinubukan kong makipagtalik pero hindi ko magawa-gawa. Naiisip kita palagi, nakokonsyensya ako sa sarili ko na pagdating ng panahon hindi na ikaw ang una kong nakasiping sa init ng gabi. Tinatraydor ako ng sarili kong isip at katawan. "
Pagkatapos niyang sabihin yun ay may nakita akong luha sa gilid ng mga mata niya. Bago pa man ito tumulo ng tuluyan ay tumalikod na ito agad.
" Ganyan kita kamahal Soo. Kaya sana wag mo'kong sabihan kung sino ang dapat para sakin dahil di mo alam kung ano ang mga naging sakripisyo ko sayo "
Inangat nito ang kanyang kamay at inilapit sa mukha nito. Di ko man makita dahil nakatalikod siya sakin, alam kong pinapahiran niya ngayon ang mga luha niya.
Kaya naman kusa nalang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya mula sa likod.
" Patawad Kai. Pero kasi, kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo "
Napaiyak na rin ako. Ayaw ko mang sabihin yun sa kanya pero kailangan eh. Wala talaga akong ibang nararamdaman dito, hanggang kaibigan lang talaga. Ayaw ko naman siyang paghintayin sa wala.
Napaharap naman ito sakin. Ang pula-pula na ng mukha niya. Andami ring luha na umaagos sa bawat mata niya. Sobra na ba talaga siyang nasaktan?
" CuteBabySoo naman eh, alam ko naman yun. Kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin. Pero kahit subukan mo lang Soo. Subukan mo kong mahalin. Di naman ako mahirap mahalin ah? Bakit? Ano bang gusto mo sa lalaki? Yun bang may bigote? Magpapatubo ako. O mas gusto mong pula ang kulay ng buhok? Magpapakulay ako. O Kaya naman ay mestiso ang gusto mo? Wag kang mag-alala Soo, magpapaputi ako. Magustuhan at mahalin mo lang ako. Gagawin ko ang lahat, tanggapin mo lang ako sa buhay mo. "