Chapter 3

18 1 0
                                    

Chapter 3

Like OMG! Kakadating ko lang ng room and guess what. Blockmates ko pala yung mga new found friends ko! Nakakaloka. As in! So naglakad na nga ako. Habang naghahanap ako ng vacant seat nakita ako ni Molly

"Oh my! Steph! Here!" Sigaw ni Molly habang turo ang vacant seat sa tabi niya
Napatingin naman ang apat kung nasaan ako banda

"Gosh Steph! Blockmates pala tayo! We forgot to tell you what course are we taking" sabi ni Loisa

"Yea! I guess we really are destined to be friends. Look. Fate na ang kumikilos." Sbi ni Micah with matching palakpak pa siya ng kamay niya

"Uhh. Oo nga no? Atleast hndi ako loner sa klase. Akala ko kasi iba yung course niyo" sabi ko

Habang nag uusap usap kami may mga apat na studyante ang pumasok sa room namin lahat kami napatingin sakanila. AS IN LAHAT!

"Wooooah! Ira is really hot dude!" Guy 1

"Yes pare! Look at her! That women will be my next girlfriend" guy 2

Mga bulong bulungan ng mga kaklase naming lalake. Habang nagbubulungan sila. Linapitan nung Ira yung Guy 2

"Hey! Are saying that I will be your next girlfriend? Hahahaha! *tawa niya palang alam mo ng maarte na* Are you out of your mind? Look at you! Ni hindi ka nga umabot sa standards ko. Ang cheap mo! Don't you dare say those words! Nakakadiri! Especially when I'm here. Eew!" Sabi nung babae dun sa guy sabay tulak niya sakanya at nagsiupo na sila sa mga vacant seats sa left side ng room

"Ano ba yan. Napakaarte naman ni ate. Kawawa naman si kuya. Nasomplak na agad agad" bulong ko pero narinig pala ni Jannica

"Don't mind her Steph. Ganyan talaga mga yan. Since highschool. Masyadong maaarte buti sana kung talagang magaganda" ani ni Jannica

"Oo nga. Just don't mind them. Yes they are elites but they are not acting as one. They are brats. Haay. I'm so thankful that we're not like them. Right girls?" Sabi ni Jasmine

"Pero ganyan ba talaga sila? Parang feeling ko kasi sobrang taas nila na halos lahat ng students dito ay tingalain sila" tanong ko

"Yes. Because they think that they can control everybody. Even the professors. Mga stockholders kasi ang parents nila sa school na to that's why they are acting superior in this school." Sagot ni Loisa

"But you know what is the sad part in here Steph? Malakas ang impluwensiya nila sa mga studyante lalo na sa mga freshmen. Yung iba ginagaya sila kaya ang labas e dumadami ang bully at brat dito sa school na to" sbi ni Molly

"Ooooh. Ganoon ba? Nako. Nakakatakot naman pala sila. Lalo na ako kebago bago ko dito baka pagtripan ako ng nga iyan." Sabi ko

"That'll never gonna happen Steph. If they are powerful. We are more powerful than them. Hindi sa pagmamayabang pero mas angat kami kumpara sakanila pero hindi ganiyan kasama ang mga ugali namin. At hindi namin iyon pinangangalandakan o ginagamit to hurt other people like them" Sbi ni Jannica

"Jannica's right, kaya kapag sinaktan ka nila sabihin mo lang agad samin. No one can hurt you or else. We are sisters here remember?" Ani ni Jasmine

"Napakaswerte ko at kayo ang mga nakilala't naging kaibigan ko dito. Maraming maraming salamat sainyo ha? Hindi man ako ganoon kayaman tulad ninyo pero tinanggap niyo ako ng buong buo. Salamat talaga!" Sabi ko habang nag bo-bow pa sakanila

"Nako no. Walang problema samin yon. From now on we are sisters for life! Hihi" sabi ni Micah with matching hagikgik pa

Habang patuloy kami sa pag uusap dumating na yung prof namin.

As usual ayon nagpakilala na naman kami hanggang sa maubos yung time. Buong araw puro nalang introduce yourself and from what school you graduated.

The bell rang and that only means uwian na. Sa wakas. Natapos dn ang araw na ito. Wala mang masyadong ginawa pero napagod ako. Naglakad na nga kami palabas at nag iinitiate pa yung lima na ihatid daw ako sa bahay pero I refused. Nakakahiya na kaya nag jeep nalang ako pauwi.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay kinamusta agad ako ni mama

"Oh baby how's your first day?"

"Ma it was fine. Really. I met new friends" sagot ko habang nakasmile

"Oh is that so? Well. Good for you anak. Basta wag lang mababarkada ha? Mag aral ka ng mabuti. Para din naman saiyo yan. At sa kinabukasan mo"

"Yes ma. Of course I will. Lalo pa sa lagay natin ngayon? I promise you ma. Mababawi natin ang company."

"It's okay anak. Don't pressure yourself. Basta ang mahalaga magkakasama tayo. Masaya tayo."

At niyakap ko nga si mama. Napakablessed ko sa mama ko. Alam niyo ba kung bakit? Sa lahat ng napagdaanan namin nananatili parin siyang positibo sa buhay. Hinding hindi mo siya kakikitaan ng kahinaan.

*flashback*

"Anton what's the meaning of this?! Bakit hindi mo sinabi agad sakin to ha?! Ha?!" Galit na sabi ni mama

"Honey it's just that akala ko kaya kong bigyan ng solusyon ito pero wala na akong nagawa pa" sagot ni papa

"Oh my gosh. I can't believe this is happening! Ano na ngayon ha? Saan tayo pupulutin? Sa kangkungan?" galit paring usal ni mama

"Binigyan pa naman nila tayo ng 1 week para maghanap ng bagong matitirhan." Sgot ni papa

"My gosh anton! What have you done! Sabi ko na kasi sa'yong itigil mo na yang pagcacasino mo dahil walang maitutulong sa atin yan! Instead of working in the company you're working there! In that fvcking casino! What now? May naitulong ba?! Wala!"

"I'm sorry honey. Mababawi din natin yong company. I'll do everything."

Tandang tanda ko pa noong gabing iyon nagtatalo sila mama. Basta ang alam ko noon ang kompanya namin ay nababankrupt na pero si papa wala pa ring inatupag kundi ang pagcacasino. Imbes na solusyunan yung problema sa kumpanya ay mas madalas pa siya sa casino. Mayroon kaming isang mansion sa manila at mga rest house sa iba'y ibang probinsya dito sa Pilipinas. Yes. May kaya kami noon. Maraming sasakyan may mga mansion maraming kasambahay at drivers. May isang malaking kumpanya. Pero hindi inayos ni papa ang pamanahala sa kumpanya kung kaya napabayaan ito.

Nung mga panahong alam na ni papa na nababankrupt ito nagpunta siya sa casino at ang inibet niya ay ang bahay at ang kumpanya namin. Sa kasamaang palad ay natalo siya kaya heto kami ngayon nakatira sa isang maliit na apartment walang mga sasakyan walang kasambahay walang mansion. Nawala lahat. Pero ayos lang dahil si mama ginawa ang lahat para makapag adjust kami at lagi niya kaming sinasabihang "anak tandaan mo hindi importante ang yaman at luho ng tao. Ang mas importante ay ang pamilya natin. Buo tayo at masaya" yan ang tumatak sa isip ko kaya kahit nawala man samin ang lahat alam ko darating ang panahon mababalil din iyon

Nabalik lang ako sa aking wisyo ng tawagin ako ni mama para kumain

"Ija halika na't kumain na tayo" usal ni mama

"Yes ma! Andyan na po" sagot ko

At kumain na nga kami at nilinisan namin ang pinagkainan namin, naghilamos, nagbasa at humiga na sa kama

Bukas ay isang panibagong araw na naman. Kaya ko to! Aja! Fighting! At nakatulog na nga ako.

Follow:
IG: munich712
Twitter: jonahmae01

College FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon