Chapter 1- Althea's Bio

13 1 0
                                    

After so many years, probably 9 years of not writing anything, I finally have the chance to get my mind back to this kind of thing and starts to publish my work. So don't judge me please. Maglilinis lang ako ng kinalawang ko ng utak sa pagsusulat. Haha. So here it is. :3

================================

Every love story has it's own unique version, at alam ni Althea yun. Lahat na ata ng love story nabasa nya na, mahilig syang magbasa ng libro about love story at manood ng movies about din dun, pero hindi nya talaga maintindihan kung bakit yung kanya kahit anong luhod nya sa quiapo at paghahananap sa kung anu anong dating app sa  google play kung saan pwede syang makipag chat sa kung sino sinong random guy eh hindi pa din dumarating ung para sa kanya. Minsan sumasagi sa isip nya na baka tumanda na sya ng ganun. WALANG LOVELIFE.WALANG ka-FOREVER.

Sabagay, sino ba namang magseseryoso sa kanya? Hindi sya ganun ka gandang babaeng pwede mong I rampa sa daan. Simple lng sya. lipstick at pulbo lang bago lumabas ng bahay ay masaya na sya. naaalibadbaran sya kapag marami ng make-up na nakalagay sa mukha  nya. Yung tipong kalalagay lang tatanggalin nya na agad. As in ayaw nya. So magtataka pa ba sya kung bakit wala pa din syang boylet? Hayyy life.

"ALTHEAAAAAAAAAA!!!!!!" ayan na, naririnig na naman nya ang sigaw ng tiyahin nyang walang ibang ginawa kundi bungangaan sya. Halos makabisado nya na nga lahat ng sinasabi nito sa araw araw ba naman ng ginawa ng Diyos. Nakatira sya sa tita nya dahil wala syang choice. Nasa abroad ang papa nya at wala na ang mama nya. Namatay ito sa sakit na lung cancer nung 8 taon palang sya. Wala syang kapatid. Ang iba nilang kamag anak nasa probinsya. Gustuhin man nyang umalis sa poder ng tiyahin nya. Wala syang magawa dahil yun ang utos ng papa nya. Tapusin nya daw muna ang kurso nyang Tourism bago sya umalis sa poder ng tiyahin nya.

"Tita, bakit po?" Tanong nya rito.
"Anong bakit? Maghapon akong nawala Althea, pag uwi ko dito ganyan kagulo pa din maabutan ko?..."Pinapatira na nga kita dito sa bahay ko ng libre eh, kahit magsipag ka man lng dito sa bahay hindi mo pa magawa! sya na ang nagpatuloy ng sasabihin nito sa isip nya dahil alam naman na nya ang mga sasabihin nito. "Tapos yung mga naka display dun sa tokador, sabi ko sayo punasan mo! Ang sahig lampasuhin mo! Wala! kung anong itsura nitong bahay pag alis ko . Ganun pa din hanggang pagbalik ko!" pero mas pinili nyang ibaling ang tingin nya sa ibang bagay kesa ma stress sa mga pinagsasabi nito. Ginawa nya naman lahat ng inutos nito, marunong naman syang makiramdam na nakikitira lang sya, pero hindi nya malaman sa tiyahin nya na kahit anong pagpupursige ang gawin nya, kahit na anong effort ang ibigay nya, never na maaapreciate nito, kaya kung minsan nawawalan na din sya ng ganang magpabilib and the worst eh galangin ito dahil sa mga pinapakita nitong hindi maganda sa kaya kaya mas pinili nya nalang na
manahimik at ituon ang tingin sa ibang bagay. Ayaw  nya na itong sagutin pa.
"Ano?!?, nakuha mo ba lahat ng inutos ko? Nagawa mo ba lahat? Hindi diba? Naku Althea, umayos ayos ka! Kulang pa ang mga pinapadala ng papa mo kumpara sa mga gastusin dito sa bahay at sa pang tuition mo kaya magtino ka!"
Sabay pasok nito sa kwarto nito at pabalibag na sinara ang pinto.

Mamaya na namang gabi lalabas ang tiyahin nyang yun. Makikipag usap na naman ito sa boyfriend nitong amerikanong hindi sya sigurado kung seryoso ba sa tiyahin nya. Pero ayan na naman sya, sumasagi na naman sa isip nya ang lovelife nya. Mag bebente na sya pero hanggang ngayon NBSB pa din. Buti pa ang tita nya, may amerikanong ka chat. Sa mga nakakausap nya naman kasi sa mga ka chat nya, wala man lng matino sa mga ito. Puro FUBU ang hanap kaya tumigil na din sya sa pag gamit ng kung anu anong app.

Pinagpatuloy nya nalang ang mga panibagong utos nito kahit kung tutuusin kakagawa nya lang na punasan ang tokador at lampasuhin ang sahig kahapon. Wala syang magagawa, nakikitira lang sya eh. Akmang kukunin nya na ang bunot para maglampaso ng may marinig syang sitsit sa labas. Nang tumingin sya ay nakita nya ang bestfriend nyang si Johanna, nakangiti. Naku po! Kalandian na naman ang ibabalita nitong babaeng to. Ito ang nagpumilit sa kanya dati na mag install ng kung anu anong app.  Nilapitan nya ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon