[A/N: Balak ko sana ay short story pero napahaba ang story na nagawa ko at yung ibang part dito ay full details na parang hindi na talaga pang short story, haha! So I’ve decided na gawing story na talaga but not that long…siguro aabot lang to ng 20-30 pages. And hindi po ako mag iindicate ng chapter chapter churva, pero titignan ko pa din…kasi baka magulo ko lang yung naumpisahan ko…eto kasi ang first story ko, well may isa pa akong tory pero idedelete ko na yun o kaya babaguhin, kasi tinamad ako dun eh, dito lang ako medyo ginanahan dahil sabi ko sa sarili na short story pero ewan!...AND…pasensya na sa mga errors at sa mga wrong grammar, na feel ko lang mag sulat ng story then kaboom! Eto ang lumabas…Yun lang…Sana magustuhan niyo! Hihi! -Rizza Joy =^______^= ]
Lester's POV
Lakad
Lakad
Lakad
Lingon
Lakad
Lingon!
"HULI KA!" Sigaw ko matapos mahuli yung sumusunod sa 'king babae. Ka-gwapo ko talaga.
"Bat mo ko sinusundan?" dagdag ko.
"..." Tinitigan lang niya ako ng walang expression sa mukha niya.
"Pipe ka ba?" Tapos nag sign language ako.
"Mukha kang tanga..." tapos unti unti siyang lumalapit saakin...
"Una, di porke nasa likod mo 'ko eh sinusundan na kita, hindi ba pwedeng magka parehas tayo ng direksyon? Pangalawa, napakaka ganda ko namang pipe. At pangatlo, wag kang mag feeling gwapo, di kita type." Sabay irap niya, at nilagpasan ako.
"A-aba! H-hoy!" Nakaka apak naman ng pagka lalaki ko yun! Di ba niya alam na habulin ako ng mga babae?!
Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Pagka dating naman sa unang kanto liliko na ako eh...
Teka?! Bat siya lumiko?! Baka iisa lang talaga direksiyon namin...
Pero...
Bat siya nag ddoorbell sa tapat ng bahay namin?! O___________O
"H-hoooooooooy!" Sigaw ko sa kanya habang lumalapit
"Problema mo?" Sabi nanaman niya ng walang expression sa mukha niya.
"Bat ka nag ddoorbell sa tapat ng bahay namin?!
Nakita ko'ng nagulat siya sinabi ko. Aba, akala ko iisa lang expression niya eh. Tapos may pinakita siya sakin na papel...
"Ito yun diba?" Tanong niya...
Tinignan ko at... "Sht. Ikaw yung titira dito?! Ikaw yung lilipat sa school namin?! Ikaw yung anak ng bestfriend ni mama?! Ikaw-- "
"Pwede ba papasukin mo nalang ako?! Andami mo'ng satsat eh! Ambigat kaya ng bagahe ko!"
Agad ko naman binuksan yung pinto at dire-diretso siyang pumasok at iniwan ang mga bagahe niya sa labas.
"Dalhin mo yan." Dagdag pa niya habang nakatalikod.
"H-hoy! Hindi ako alalay dito!" Pero parang di niya ako narinig kaya no choice ako, pinasok ko nalang yung gamit niya kesa naman iwan ko yun dito at manakawan siya. Pambihira!
(Loob ng bahay)
"Ma! Andito na po yung anak ni Tita Lucy!" Sigaw ko pagpasok ng bahay.
"Hello hija, ikaw ba si RJ?" Tanong ni mama
"Goodafternoon po. Opo, Tita Sally. ako nga po si RJ. ^________^" Ay?! @#$%^$?! Bat...Ganda ng ngiti mo ah! Parang kanina lang di ko mawari expression niya!