Lester’s POV
Mukhang nagkaka mabutihan sila Allen at RJ ah. Wala naman sigurong masama, bagay naman sila eh.
Aray.
JOKE! Di ako affected. May Sharmae na ako. Haaay. Sana sagutin na niya ako para hindi kung sino sino yung kinaiinggitan ko. =___=
“Class dismissed” Yun oh!
“Lester! I gotta go na. Sorry ha, di ako makakasabay.” –Sharmae
“Basta i-text mo ko kung nakauwi ka na ha”
“Oo naman no. Pagaalahanin ba naman kita!” ^______^ -Sharmae
“Sus, parang ayaw ko na tuloy umalis. Haha! O’sya, baka ma-late ka pa. Ingat ka ha”
“Oo naman. Sige ah! Bye!” Tapos biglang…
O////O
Hinalikan niya ako…sa pisnge. Sabay takbo niya palabas ng room.
1 point! Woohoo!
Nakita ko si RJ palabas na ng gate, hinabol ko, aba. Wala akong kasabay umuwi no!
Himala di niya kasama si Allen ngayon…
As always. Gugulatin ko naman siya ng mapalitan yang poker face niya…
“BOO!”
“@#$%&%$&!!! Anakngtipaklongnatumalon”
“HAHAHAHAHAHAHAHA! The best ka talaga magulat RJ! ARAAAY!” Piningot ba naman ako!
“Hindi ko bibitawan yang tenga mo hangga’t di tayo makakatungtong sa bahay! Kala mo!”
“Sadista ka talaga! Sorry na!” Sabay bitaw niya sa tenga ko.
“Ang hilig mong mang gulat! Isa pa at mang hihiram ka ng mukha sa aso!” Sabay lakad ng mabilis.
Hinabol ko naman siya! Pambihira, ambilis mag lakad!
Hinigit ko yung braso niya, huminto naman siya sabay tingin sakin ng ganito -_____-+++
“Teka lang naman! Pwedeng chill? Inhale…Exhale…” Sumunod naman siya. Hahaha! Uto uto!!!
Bigla namang nanliit yung mata niya ng tignan ako, nako delikado…
“Bat di mo kasabay si Allen? Himala ah.” Pag iwas ko sa gyera. Haha!
“Tss. Himala ka dyan, naghihiwalay din naman kami non no!” Buti nalang nag chill siya. Haha!
“So ano nga? Bat di mo kasabay?” Curious ako eh bat ba.
“May biglaang practice sa soccer eh. Diba basketball player ka?”
“Wawa ka naman. JOKE!” Ununahan ko na ng joke bago ako masapak. “Kakatapos lang namin kahapon mag practice eh.”
“Aaah. K.”
Hay nako, napaka habang sagot ah. Awkward tuloy…Umpisahan ko na nga lang!
“Lester.” Uy himala
“Oh?” Tapos napansin kong huminga siya ng malalim…
“Lester, ako yung……AISSSSSSH! TARA NA NGA!” Bigla nanaman siyang naglakad ng mabilis! May tuktok talaga yon!
“Hoy teka lang naman! Ano ba yung itatanong mo?”
“Wala!”
“Ano nga?”
“Wala nga sabe eh!”
“Di nga. Seryoso. Ano nga?” Yan sineryoso ko boses ko baka bumago isip
Humarap siya sakin…
“Lester. Ako kasi yung….yung…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kumuha ng chocolate mo sa ref.” Sabay takbo.
Tss. Akala ko naman kung an—ANO?! YUNG CHOCOLATE KO?! SIYA PALA KUMAIN NUN! MANDA SAKIN YUN! GALING KAY SHARMAE YUN EH! GRRRR!
(A/N: Sorry po kung maiksi. ^^")