Panimula

666 19 2
                                    

Hello, this is my very first novella (short novel/ long short story). It is a Spiritual-YA fiction and is inspired by If I Stay of Gayle Forman (a bestselling novel) and Pure Love (a TV soap opera). This is the first time na magsusulat ako ng ganito. Sorry in advance kung panget, I challenge myself kasi to try another genre. So here's the result! Enjoy reading! Vote, comment and share this out!

~

PANIMULA

"Oo, nakabili ako." Sagot ko kay Roz sa kabilang linya. Si Roz ang aking nakababatang kapatid. Nasa puder siya ng aming ama, habang ako ay na sa aming ina. Oo, hiwalay ang aming ama at ina. Gayunpaman, pilit nilang pinupunan ang kani-kanilang kakulangan sa aming magkapatid.

Heto ako at nagmamaneho upang dalawin ang aking kapatid. Katatapos lamang ng ulan kung kaya't basa at madulas ang daan. Aking binawasan ang bilis ng takbo ng aking kotse upang makaiwas sa aksidente.

Ilang taon na ba ang ganitong set up namin? Ang unti-unting pag-aayos ng nasirang pamilya. Sa aking sariling estimasyon, ito'y sampung taon na ata?

Sana lamang ay maging maayos na iyon. Bago mahuli ang lahat. Napakaikli lamang ng buhay. Kaya sa bawat gising sa umaga, dapat ipagpasalamat sa Kanya.

Habang patuloy akong nagmamaneho,palapit na ring bumababa ang haring araw. Malapit ng magtakip-silim. Kailangan makarating na ako agad. Nauna pa naman na si ina roon. Ako na lamang ang kanilang hinihintay. Nais kong sumabay sa kanila na kumain ng hapunan.

Binigyan ko ng sulyap ang brownies na siyang pasalubong ko kay Roz. Tiyak matutuwa na naman iyon sa akin. Nabili ko ang paborito niyang pagkain.

Nang paglingon ko upang tignan ang daan, bigla na lamang dumilim ang lahat.

[...]

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon