Kabanata 2

352 8 0
                                    

Kumusta ang pagbabasa sa Panimula? So, ito na ang ika-2 kabanata! :) Bakit ika-2 kabanata na? Kasi ang panimula ay ang unang kabanata na. Pasensya kung sabaw ito. :3 Enjoy reading! Vote, comment and share this out! PS: Pag naka-italic it means po na flashback iyon.

~

 

KABANATA 2

 

"Isang humaharurot na kotse ang sumalpok sa isa pang kotse sa kanto ng Morayta."Ani ng reporter na nag-uulat sa aksidente. Uso talaga ang mga banggaan. Dapat kasi, matutong mag-ingat ang mga nagmamaneho. Buti na lang at nakauwi ako ng maayos.

Biglang pinatay ng aking ina ang TV at umiyak. Bakit kaya? Naku, napakababaw talaga ng mga luha niya.

"Nay nasaan na si ate?" Inosenteng tanong ni Roz sa kanya. Labing-apat na taong gulang pa lamang iyan ngunit parang may utak at isip na 'yan na parang sa mga matatanda. Mature na siyang mag-isip.

Saglit na huminto sa pag-iyak si ina at niyakap si Roz. Anong nangyayari? Bakit nila ako hinahanap? Narito lamang ako sa likuran ng refrigerator ah! Bigla kong narinig ang kalabog ng aming pintuan. Dumating ang aming ama at agad siyang sinalubong ni Roz. Sa unang pagkakataon, matapos ng mga sampung taon; muli kaming nabuo bilang isang pamilya.

Niyakap ni ama si ina. Pilit niyang pinapakalma ito. Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. Naramdaman kong sumasakit ang aking ulo. Aking hinaplos ang aking sentido upang maibsan ang paglala nito.

Napapikit ako sa sakit.

***

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Medyo malabo ang kapaligirang nakikita ko. Kumurap-kurap ako upang makapag-adjust ang aking paningin. Puting  liwanag ang tumambad sa aking paningin.

Nasaan ako?

Narinig ko ang maingay na makina sa aking gilid. Nadama ko ang lamig mula sa aircon. Nasa ospital ako. Narito ako at nakahiga sa hospital bed. Siguro nawalan ako ng malay kanina.

Naramdaman kong nagugutom ako kaya naman ay tumayo ako upang bumili ng aking makakain. Nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok sina ama, ina at Roz. Umiiyak na naman si ina.

Agad ko silang sinalubong. Akma ko ng yayakapin si ina ng bigla siyang magsalita.

"Anak!" Maluha-luhang wika niya at dagling tumakbo sa hospital bed na kanina lamang ay kinahihigaan ko. Lumingon ako at nakita ang aking sariling katawan na tahimik na nakahimlay.

May mga nakaturok sa aking kung anu-ano. Halos mapuno ng benda ang aking buong katawan. P-patay na ako? Hindi! Hindi maari!

"Roz!" Mangiyak-ngiyak na tawag ko sa kanya. Ngunit hindi naman niya ako naririnig. Hindi ako maaaring mamatay! Sa dami ng mga masasamang tao, bakit ako pa ang napiling mamatay? Napaka-unfair Mo!

Yakap ni ina ang aking katawan. Nakapanlulumo kung ito'y titignan. Kailangan kong mabuhay!

"Amalthea, anak. Gumising ka na." Pagsusumamo ni ina. Nag-uunahan namang tumulo ang aking mga luha ng bitiwan niya ang mga katagang iyon.

Kung alam mo lang ina, nais ko ng gumising. Hindi ko lang alam kung paano.

***

"Ate!" Masayang bati ni Roz sa akin ng dumating siya mula sa Recognition nila sa school. Hawak ang kanyang tatlong medalya, niyakap niya ako.

 

"Congrats kapatid!" Bati ko sa kanya. At kumalas ako sa pagkakayakap.

***

Kailangan kong mabuhay. Hindi ko sila pwedeng iwan. Paano ang kapatid ko? Paano ang pag-aayos namin sa aming pamilya?

***

"Ma, kain na!" Aya ko sa aming ina upang maghapunan. Mga lang minuto ang aking hinintay, hindi pa rin siya tumutungo sa hapag-kainan. Kaya naman ay tinungo ko siya sa veranda. At nakita ko na naman siyang umiiyak.

"Ano bang kulang sa akin?" Biglang sabi niya ng ako'y palapit sa kanya.

***

"Misis, may internal hemorrhage po siya. Kaya naman ay inoperahan na siya kani-kanina. Sa ngayon ay hintayin na lamang na gumising siya." Dinig kong sabi ng doktor sa aking pamilya.

"Ate! Ate!" Paiyak na sabi ni Roz habang niyayakap ang aking katawan. Hindi mo dapat ito nararanasan Roz.

"Tama na. Lumabas muna tayo." Matigas na sambit ng aming ama. Kaya ay kumalas ng yakap sa akin si Roz.

***

"I love you." Biglang sabi niya sa akin. Wala talagang sawa ang lalaki na ito na pakiligin ako.

"Weh?" Pang-aasar ko kay Franco, ang nobyo ko.

"Ah, ganun. Ayaw mong maniwala ah." Sabi niya ng may pilyong ngiti. Mukhang alam ko ang balak niya.

"Wag!" Sigaw ko at tumakbo. Naghabulan kami sa dalampasigan na parang mga bata.

***

Alam na kaya ni Franco ang aking sinapit? Wag siyang masyadong mag-alala, mabubuhay ako!

***

"Bestie!" Hiyaw niya at yumakap sa akin.

"Oh, pinaglalaban mo?" Tanong ko sa aking matalik na kaibigan.

"Wala naman. Na-miss lang kitang gaga ka! Ang tagal mong di pumasok!" Ani niya at kumalas sa pagkakayakap. Sinalat niya ang noo ko na para bang ini-inspeksiyon kung mainit pa rin ba ang temperatura ng aking katawan.

"Hoy Elixia! Tigilan mo nga ako. Ayos na pakiramdam ko." Suway ko sa kanya.

***

"Dapat sa ganitong sitwasyon, maging matatag tayo. Kailangan nating magkaroon ng pag-asa." Pambabasag ng aming ama sa katahimikan. Narito kami ngayon sa waiting area ng ospital. Bakas sa mga mata niya ang panlulumo at ang hapis. Ngunit ayaw niya lamang itong ipakita sa amin.

***

"Alagaan mo ang mama mo ah." Paghingi ni ama ng pabor. Tango lamang ang tugon ko. Nakita ko ring nag-i-impake si Roz.

"Kay papa ka talaga sasama?" Tanong ko dahilan upang tumigil siya sa kanyang ginagawa at masdan ako.

"Oo ate." Tipid nitong sagot sa akin.

Mula ng araw na iyon, nag-iba na ang landas ng aming pamilya.

***

Sina ina, ama, Roz, Elixia at Franco. Limang taong napaka-importante sa akin. Sila ang dahilan para mabuhay ako. Kailangang 'kong mabuhay! Para sa aking inang nagbigay-buhay sa amin ni Roz. Para sa aking ama na kahit paano'y pinupunan ang kanyang pagkukulang. Para kay Roz na napakabata upang maranasan ang malaking dagok na ito. Para sa aking mahalaga at matalik na kaibigan, si Elixia. At para sa aking mahal na si Franco.

Sapat na ba ang mga ito upang maging dahilan para bigyan Mo ako ng buhay?

Ano ba ang dahilan Mo bakit Mo ako binibigyan ng ganitong pagsubok?

Ano bang dahilan?

[...]

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon