ARA
"Daks! Baba ka nga dito! May ipapakilala ako sayo!" Sigaw ko galing dito sa baba ng dorm.
Maya maya pa ay narinig ko na ang maingay na tunog ng paa ni Mika dahil nagtatatakbo siya pababa ng hagdan.
"OMG daks! I miss youuuuuu!" At niyakap niya ako hinalik halikan ang buong muka ko pwera na lang sa lips.
"Ang clingy nyo naman." Sabi ng katabi ko.
"Ay sorry. Uy Bang!!! Napadpad ka dito?" Tanong naman ni Mika at bumeso sa kanya.
"Eh sya yung ipapakilala ko." Sabi ko.
"Huh? Eh matagal na kaming magkakilala diba? Ako pa nga nagpakilala sayo dyan e saka diba mas una kaming naging close kesa sa inyo?" Takang taka naman tong si daks. Haha.
"Ah eh kasi daks ganto yan." Sabi ko.
"Ano?"
Inakbayan ko si Bang at sinabing, "Daks, si Bang Pineda, girlfriend ko."
Niyakap naman kaming dalawa ni Mika at sinabing, "Naks naman!! I'm happy for the both of you! Oh pano, lone time nyo muna ah? I need to finish something pa kasi."
Di pa kami nakakasagot ay nagtatakbo na si Mika pataas ng kwarto.
Nagbukas naman bigla ang front door at isa-isang pumasok ang Spikers.
"Oh, hi ate Ara and hi ate Bang!" Sabi ng rookies saming dalawa.
"Anong ganap, Arabells?" Tanong ni Carol.
Tumayo naman ako at hinila din si Bang patayo.
"Ah guys, si Bang. Girlfriend ko." Sabi ko at lahat sila nakatulala.
"Hoy mga aning! React react din!" Sabi ko sakanila.
"AHHHHH!!!!!!" Tilian naman ng Spikers.
"Bakit?! Bakit?!" Tanong ko sa kanila.
"Wala! Congrats Ates!!"
At nagsimula na silang maglipana sa dorm.
WEIRD, but okay.
* 6 Months after *
MIKA
6 months had passed simula ng i-set aside ko ang feelings ko sa kanya. Sa ngayon, nag go go with the flow lang ako. Kung kailangan ako ni Ara e di go, kung di niya ako kailangan andito pa din naman ako.
6 months na akong nasasaktan pero nagpapakamartir pa din ako.
Today is the start of a new volleyball season. Season 77! Kasali pa kami sa opening games at ang unang kalaban namen ay Adamson.
Nandito kami ngayon sa dugout at nakita ko si Ara na lakad ng lakad dito sa locker room.
"Daks ano ba! Nahihilo na ako sayo!" Sabi ko sa kanya.
"Daks kinakabahan ako." Sagot niya sakin.
"Bakit daks? May problema ba?"
"First game to na ako ang team captain. Paano kung ako pa ang magkalat? Paano kapag ako pa yung patalo e diba dapat ako yung nagdadala sa inyo? Paano kung di ko magawa ng tama to? Paano kung di ko ma-boost ang mga nadadown?" Tuloy tuloy na sabi ni Vic.
Tumayo ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi, "Makinig ka sakin." Tapos ipinikit niya yung mata niya.
Hinampas ko ng mahina ang pisngi niya, "Tumingin ka sa mata ko Vic saka makinig ka! Kaya mo to Vic! Kayang-kaya mo. Kahit off game ka, kahit may lagnat ka, kaya mo. Ikaw yata ang bestfriend ko na kahit yata binabagyo na ang arena ay makakabaon pa din ng mga palo sa bola. Si Victonara Galang ka, kaba lang yan! Kaya mo, okay? Ikaw ang nilagay diyan kasi ikaw ang may kaya."