Always The Best Of Me

451 19 3
                                    

Sampung taon na ang nakaraan mula nang pinaghiwalay ang paborito kong "love team." Nakakatuwang isipin na kahit ilang taon na ang lumipas, "fan" pa rin nila ako. Ganyan talaga ang buhay eh. There's some point in our life that we already accepted the truth but our inner part won't. Kumbaga, okay na hindi okay. Yes, I moved on pero andyan pa rin yung "sayang" at "sana." Parang love noh? Mas sobra pa sa love yung nararamdaman ko sa kanila. Sabi ko nga nung una, "I don't need to find my other half because I found them." But in just a click of a thumb, everything went like a blur - pinaghiwalay sila.

Iyak ako ng iyak nun, di ko matanggap. Ang daming tanong ang nasa isip ko. Akala ko ba may Byaheng Forever? Mga akalang di na mabubuhay pa. Masakit. Yun at yun lang ang nararamdaman ko. Malaki kasi ang naging parte nila sa buhay ko. Nakakatawa noh? Na iiyak iyak ako ngunit di naman nila ako kilala. Wala eh, mahal ko... nang sobra.

Now that I'm already 26 years old, I'm ready. Ready to bring back the timeless memories. Binuksan ko ang isa kong cabinet kung saan nakatago ang aking mga koleksyon sa kanila. Kinuha ko ang isang magazine na silang dalawa yung cover. Naaalala ko pa na ito ang pinakaunang pagsasama nila sa isang fashion magazine. Metro February 2015, special issue. Sobrang saya ko nang binigyan ako ng aking kaibigan dahil wala pang available nun sa lugar namin.

Habang binabasa ko yun, may nahulog mula sa itaas ng cabinet, isang DVD, ang pinakapaborito kong movie nila, Crazy Beautiful You . Kasama ko pa sila mama at papa nang pinanood ko yun, excited ako dahil first day ng showing, makikita ko na ang inaabangang movie nila. At nang magbakasyon ako sa Manila, nagpareserve agad ako para may libreng poster nila na may kasamang autograph. At hanggang ngayon, nakadikit pa rin ang poster sa wall ng kwarto ko.

Minsan nga nagtwetweet pa ako tungkol sa mga bashers nila but not directly. As a fan, idededefend mo talaga sila. Natatawa nalang ako ngayon kapag naaalala ko ang mga iyon - fandom wars, being called as immature fans because you are entertaining those negativities, etc. But I tell you, para kang mabubunutan ng tinik kapag ipinaglalaban mo sila.

Ang dami kong magagandang alaala sa kanila na kahit hanggang telebisyon nalang ako dahil sa layo ng lugar namin. Okay na, at least they make me one of the happiest people.

...

"Anak, anak! Tignan mo to." Tawag sakin ni Mama na nagbabasa ng dyaryo. Pumunta ako sa kanya at ang kasiyahan ko ay di maipapaliwanag gamit ang mga salita habang sinasabi na, "Ang Inaabangang KathNiel Comeback, Mangyayari Na."

"Mama." Sabi ko habang naluluha. Alam kasi niya na die hard fan nila ako at hindi na talaga yun mawawala. And I thank her for that, I'm one lucky child dahil bihira lang sa isang magulang na suportahan ang kanyang anak sa pagiging isang fan.

...

Pumipila na ako ngayon sa pang-walong concert ni Daniel Padilla. Ito ang pinakaunang beses na manonood ako. Halo halo ang aking nararamdaman na para akong isang teenager na kapag nakikita ang crush niya, may paru-parong lumilipad sa tiyan ko.

Alam niyo ba kung ano yung nangyari sa concert? I was not expecting it to happened but it did and I'm still in awe.

Sigaw ako ng sigaw na para bang 16 years old palang ako. Kasi ang kilig naman ay hindi mawawala lalo na kung sila yung dalawa yung nasa stage. Oo, sina Kathryn at Daniel. Nagulat nalang kaming lahat nang biglang lumuhod si DJ kay Kath. Sasabog na ata ang Araneta dahil sa nakakabinging sigaw ng lahat.

"Kath." Simula ni DJ. "Sampung taon na ang nakalipas. Sampung taon na para bang katumbas na ng forever
kahit na wala namang forever." Natawa naman kami sa sinabi niya. "Di pa rin nagbabago... Ito." Sabay turo sa puso niya. "Mahal pa rin kita. Mahal na mahal na mahal." Tumutulo na yung luha ni Kath habang naluluha na rin si DJ. "Kaya ngayon, sa harap nilang lahat, kahit magpaka-cheesy na ako dito, kahit na magmukha akong katawa-tawa, okay lang. Basta para sa'yo." Huminga muna siya ng malalim bago sinabi ang "magical words."

"Will you be my partner for life?"

And the crowd went wild, maski ako para akong naubusan ng hininga. Ganito pala ang feeling kapag napapanood mo ng live ang iniidolo mo noh? Priceless. Parang si Kenji's kay Athena, "I can't breathe."

"Oo Deej, Oo. Mula Growing Up hanggang sa happy ever after. I'm still into you. I love you. I will be your partner for life. " Sagot ni Kath na naiiyak. He slipped the ring on her ring finger and kissed her forehead.

I'll wait for that sealed kiss on their wedding day. Bitin, nanaman. Haha.

Pinupunasan ko yung mga luha ko habang ngumingiti. Thank you G, for being with them.

"It's worth the wait." It really is. Eto yung munting kwento ng pagiging Fangirl ko sa kanila. Simula palang ito, may for life pa... because they will always be the best of me.

Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon