Pasensya ka na,
Pasensya na dahil naduwag ako bigla.
Pasensya na dahil bigla akong bumitaw,
Ni hindi ko na kinayang kumapit pa at hintayin ang pagbabalik ng ilusyon na meron pang 'ikaw'.Pasensya ka na,
Sapagkat hindi kita naiintindihan,
Ni hindi ko alam kung mula saan mo ba ako pinoprotektahan.
Ano bang mas marahas pa kaysa sa mga salitang saaki'y sinambit ng iyong Ina at patapong binitawan?
Ewan. Di ko alam. Sorry ah.Sorry. Pasensya. Patawad.
Sorry na, di ko naipaintindi sayo kung ano ba talagang gusto ko. Na ang gusto ko lang naman ay mawala ang pader sa pagitan nating dalawa, na maging isa ang simbahang pinapasukan natin tuwing Linggo. Sorry na, ang gusto ko lamang ay maging iyo.
Pasensya na, dahil kahit alam kong hindi mo ako gets ipinipilit ko parin na gawin mo yung alam ko. Naisasantabi ko na wala kang alam, kelangan mo ng gabay. Kaso lalaki ka, pasensya na kung inisip kong kaya mo na.
Patawad, dahil ipinilit ko sayo yung alam kong tama, kahit na ang alam mo lamang gawin ay ang mga baluktot mong paraan na hindi manlang nakatulong ni katiting para maayos ang problema. Bagkus ay pinalala mo lamang ang sitwasyon, at tuluyang bumitaw ka.
Pasensya ka na, nagkamali ako sa huli. Sana'y mapatawad mo pa ako, kahit nung iniwan mo ako sa ere'y pinili ko'ng magpatihulog na ng tuluyan at humingi ng saklolo sa iba. Alam ko'ng hindi sapat ang sorry, pero sana maintindihan mo. Nasaktan ako.