Hindi ako pinahintulutang huminga ng langit para lang sa wala,
Hindi. Hindi gano'n 'yon.
Alam ko na kaya ako narito ay dahil may silbi ako,
Hindi ko alam kung ano, pero alam ko'ng mayroon
Hindi ako lumaki sa mapagkalingang bisig ng aking inay,
Upang sa pagtanda ko ay hindi ko kalingain ang aking bayan.
Hindi ako binusog sa pangaral ni itay,
Upang sa paglaon ay umakto ako na tila ba walang natutunan.
Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa loob ng paaralan,
O makikipag-sabayan at makikipagsapalaran,
Para lamang sa wala.Hindi ako pinahintulutang huminga ng langit para lang sa wala,
Hangga't nakakatayo ako sa lupang ito,
Alam ko na mayroon akong mababago,
Na mayroon akong maiiwan,
Kahit kaunti lamang na pupwedeng gunitain sa nakaraan,
Mayroon ako'ng silbi
Mayroon ako'ng magagawa.Mayroon ako'ng kayang baguhin, kahit sa isang beses lang sa maiksing buhay ko'ng ito
Alam ko na mayroon ako'ng maiialay, para sa mga maiiwan ko.