Alaala
Nagdaang buwa'y sadyang kay tamis,
Laging mong sambit ako'y namimiss.
Kay sarap pakinggang "Mahal kita, Sinta",
Kaya mukhang kay saya di maipinta.
'Di ka iiwan' pangakong sambit,
Kaya puso'y parang nakasabit.Ngunit tila ihip ng hangi'y nag-iba,
Pangako mo saki'y nagiba.
Kay bilis mga pangyayari,
Pagbabago di ko mawari.
Asan ang pag-ibig na inalay?
Bakit sa iba na inaalay?Darating ang araw sakit ay maghihilom,
Kahit parang nakalunok ng karayom.
Salamat sa panahon,
Puso ko'y nakaahon.--
05/14/15
12:18amPasensya na. Napiga ko na ang utak ko. Yan lang talaga ang nakayanan. Pagtiyagaan na lamang.
Sana naman may nagbabasa nito :(
Comment down your opinions please.
••••pulchellusWarrior••••