Part 2

14 1 0
                                    

Ikalawang araw na ni Sarah sa kanyang OJT. Sobrang sigla nito at sobrang excited para magtrabaho. Tinapos niya ang lahat ng mga ipinagawa sa kanya ng kanyang supervisor. At nung araw din na yun nagkaroon siya ng bagong kaibigan..

"Hi! Ako nga pala si Sarah! Ikaw ba yung bagong ojt? :)"

"Hello! Oo ako nga, Jayca! :)"

"Yehey! May kasabay na kong kakain at uuwi mamaya! :)" wika ni Sarah samantalang napangiti naman si Jayca.

Si Jayca ang naging unang kaibigan ni Sarah sa kanyang ojt. Sobrang naging malapit ang dalawa. Lagi silang magkasama sa loob at labas ng opisina, sabay kumain at sabay ring umuwi.

Kinabukasan, matapos ang kanilang trabaho. Nag uunahan ang dalawang magkaibigan na mag out sa office ngunit naunahan sila ni Eugene..

Tahimik lang ito na nagsulat sa log sheet at umalis. Bigla ding napatahimik ang magkaibigan.

"Ojt din ba siya?" sabi ni Jayca
"Ah Oo nga, Tara habulin naten para may kasabay tayo Sa tricycle!" :)

Masyadong malayo ang pinag oojthan ni Sarah kaya nangangailangan ng pitong katao sa tricycle para maihatid ito sa mga sakayan pauwi. At dahil dito kaya't naghahanap pa sila ni Jayca ng iba pang ka-ojt.

"Jayca dalian mo maglakad para maabutan naten si Kuya! Ang bilis pa naman niyang maglakad kaya dalian naten."

"Oo nga Sarah, ito na"

Binilisan na ng magkaibigan ang kanilang mga lakad ngunit mas mabilis pa rin itong maglakad sa kanila Kaya naman...

"Kuyaaaaa! Teka kuyaaaaa!!!" pasigaw na sinabi ni Sarah.

Ngunit hindi pa rin Ito lumingon..

"Eugene! Eugene Santos!!"

Hanggang sa huminto na nga ito at napalingon.

"Ang bilis mo naman Kuya grabe! Nagmamadali ka umuwi? 😁"

"Hi Kuya!" Sabi ni Jayca

"Uyyyy! Jayca Hahaha kaya pala ang bilis mong maglakad, halos tumakbo ka na hehehe!" sabi naman ni Sarah

"Haha lol Uy di ah haha!" nakatawang sinabi ni Jayca

Samantalang si Eugene tahimik lamang na naka tingin Kay Sarah.

"Uy Jayca si Kuya tinitignan ka din oh! Uyyy bagay sila! Hehe" nangaasar na sinabi ni Sarah

"Ano ka? Sayo nga nakatingin oh!"

"Haha! Bagay nga kayo promise! Stage 1 oh, getting to know each other hehehe Biro lang! Kuya si Jayca oh, Jayca Bayola. Jayca si Eugene, Eugene Santos."

Sabay nagbatian sa isa't isa ang dalawa matapos ipakilala ni Sarah.

"Yieeeee! When you look me in the eyes sheet! Hahaha lol" masayang binigkas ni Sarah.

"Tumigil ka nga dyan Sarah para kang Ewan." Sabi ni Jayca.

"San mo pala nalaman ang pangalan ko?" pasingit na tinanong ni Eugene

"Sa log sheet, yung nag out ka kanina nakita namin ni Jayca." sagot ni Sarah

"Ahh"

"Hindi ko pa pala sinasabi ang pangalan ko, Hindi mo pa ko kilala tapos Kina kausap mo na ko haha. Kilala mo na ba ko?" nakangiting tanong ni Sarah

"Oo! Sarah diba?"

"Pano mo nalaman?"

"Nakalimutan mo na? Edi nung pinakilala ka ng supervisor mo sa office namin."

"Wow. Naalala niya pa yun. Natandaan niya din pala ko. wow" sinabi ni Sarah sa kanyang isipan habang nakatingin lamang kay Eugene at walang maibigkas na sagot para dito.

Huminto ang paligid ni Sarah. Ang nakikita lamang niya sa paningin niya ay si Eugene, maging si Jayca ay hindi niya na napansin sa kanilang paglalakad. Napapaisip pa din si Sarah..

"Ang galing, natandaan niya ung pangalan ko kahit na tinignan niya lang ako nung mga oras na yun, kahit na hindi na kami nag kausap. Pero bakit ang gaan ng pakiramdam ko nung nagsalita siya, Bakit kaya? Bakit parang gusto ko pa syang makilala? Bakit parang may kakaiba sa taong to?" muling sinabi ni Sarah sa kanyang isipan.

"Uy Sarah! Tara na sasakay na tayo! Ayan na ung tricycle dalian mo!" Pasigaw na sinabi ni Jayca

"Oo nga dalian natin, Ito kasi si EG ang tagal eh hehe" sinabi ni Sarah habang nakangiti kay Eugene

Habang nasa tricycle

"Yun oh! Dahil bago ka naming kasabay, manlilibre ka nyan. Hehehe" tumatawang sinabi ni Sarah

"Oo nga EG! Libre naman dyan!" Pahabol na biro ni Jayca

Ngumiti si Eugene at binayaran ang pasahe. At tuwang tuwa naman ang dalawa.

"Bukas ulit ah hehehe" sabi ni Jayca
"Hahahha! Ang kapal mo na pag bukas ulit! :D" tumatawang sinabi ni Sarah

Ngunit ngumiti lamang si Eugene.

Nakarating na nga sila sa sakayan sa labas ngunit hiwa hiwalay ang kanilang mga sasakyan, si Jayca ay magtitricycle ulit, si Sarah ay magjejeep samantalang si Eugene naman ay magbubus.
Nagpaalam na sila sa isat isa.

At Gaya ng normal na pagpapaalam

"Babay. Bukas ulit!" -Jayca
"Babay. Sige bukas na Lang!" -Sarah
"Bye. Ingat!" -Eugene

To be continue..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siya nga ang Soul Mate ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon