By Golzi Zeijunberg
Ang iyong kagandahan ay wagas na nagnining-ning. Tulad nang isang kristal na walang hanggang lumiliwanag sa gabing madilim. Sa kawalan na hindi mapuno-puno, ang iyong ngiti ang bumubuo sa akin puso tila ba hindi maisip na malayo ka sinta, na tayo'y mapunta sa magkabilang dulo ng mundo
Minsan rin narito ka sa likod ko. Misan rin ako'y dumadalaw sayo. Ngunit bat ngayong pasko ikay nawala. Sa Diyos ba ako'y nag sala? Bat ikay patuloy nananatili sa aking alaala, Sa gabing ginagambala. Palaboylaboy sa aking isip, tuluyang pumupunta sa aking panaginip. Panaganip na lang ba ang maabot natin? O baka ako rin ay sa panahon ay maging buhangin. Patili ako nangangalangin para ako'y alahanin. Sa mundo mong kaaya-aya sa panahon aking haharapin.