Tagalog Short Horror Story Present
Title:Altar(Altar ng Demonyo)
Genre:Horror
Words:2005
Aurhor:Sammy Oyzon-Ang kwento ito ay hango lamang sa malikot na isipan ng may akda
Kung mayroon man may pagkakahalintulad ng mga pangalan, lugar, tao, hayop o pangyayari ay hindi po sinasadya ng may akda at ito ay nagkataon lamang -Ang mundo ay ginawa maraming taon na nakakaraan,,, maaring may nauna sa atin at tayo lamang ay nakikitira sa kanilang mundo
Dito sa mundo ng kung saan hindi maipaliwanag ng sensya ang mga pangyahari ni sa panaginip ay pwede pa lang pangayari sa totoong buhay
Mga bagay na hindi mo maipaliwanag at mga bagay na tanging dyos lamang ang nakakaalamHalinat samahan ninyo ako at tuklasin ang mundo ng mga kulto at ang kanilang pag-aalay para lamang sa kanilang sariling interes
Buksan ang mga mata
Palawakin ang pandinig
Palawakin ang isip
Dahil ang mundo ay nababalot ng
MISTERYO!!
------------------------------------------------------------------NAKALIPAS
TAONG 1899
SA BAHAY NG LOPEZSa lugar na kung saan malayo sa lungsod
Napapaligiran ng mga nagtataasang mga puno at mga damo
Mga pader na maraming ng pinagdaan ngunit nakatayo pa rin at isang lumang gate ng marami ng nasaksihang mga pangyayaring di maintindihanNakatayo ang isang lumang mansyon na tinayo pa nung panahon ng kastila
Lumang bahay na pinagluma ng panahon at pinagtibay ng mga taong nakatira ditoMaririnig mo ang isang babaeng umiiyak na nakatali sa isang kahoy na krus na napapaligiran ng mga itim na kandila at mga reboltong hindi naayon sa mga bibliya,,, mga reboltong mga anyong bungo, may sungay at matatalim na kuku
Isang babaeng birhen at di pa nahahalikan at nagagalaw ng lalaki, isang babae na may simpleng pangarap sa buhay ang makatulong sa kanyang mga magulang kung kaya't nagtrabaho dito sa mansyon
Pilit syang umaalis sa pagkakatali nya sa krus pero sadyang di sya makaalis
Humihingi sya ng tulong sa mga taong nakatingin sa kanya pero tila wala itong marining
Kahit anong luha nya,, kahit anong hingi nya ng tulong ay tila mga walang naririnig ang lahat ng taong nandun sa kwartong iyon
Lahat nakatingin sa kanya
Mga matang gustong makatikim ng sariwang dugo mula sa tao
Alam nya sa sarili na ito na ang huli
Wala ng pag-asaNapapaligiran din sya ng mga taong nakasuot ng mga itim na balabal,, nakatakip ang mukha at tila nagdadasal mg mga salitang hindi nya maintindihan,, mga salitang paulit-ulit at tila isang musika na kanilang inaaawit
Pagkatapos ng dasal,,, lumapit ang isang babaeng may suot na naiiba sa iba
Isang magarang kulay itim na may sagisag ng isang baliktad na bituin, isang Pentagram,nakasuot ito ng baliktad na kros at may dala-dalang punyal habang lumalapit sa dalagaAgad tumigil ang awit
Kasabay nito ang sabay-sabay na pagluhod ng mga taong nakaitim at nagdalasal ng isang salita na paulit-ulit,Itinaan ng babae ang punyal at sabay nagdasal ng wikang latin, kasabay nito ang pagtarak ng punyal sa babaeng biktima,
Dumaloy ang isang masaganang dugo sa sahig
Kinuha ng babae ang puso ng alay at inialay nila ito sa reboltong may anyong Bungo at may sungaySabay sabay silang nag-dasal at ininum ang dugo ng kawawang alay
Ito ang kanilang ritwal upang magkaroon ng yaman ng walang higit kanino man
Ang ritwal ng walang hanggang katandaan at kayamanan
Ito ang ritwal ng kanilang kulto
Ito ang altar ng Demonyo------------------------------------------------------------------
Kasalukuyan
Taong 2009Hello
Ako nga pala si Lisa, 18 at tubong Leyte
Galing ako sa isang pamilya na hindi biniyayaan ng isang marangyang buhay, simple at payak ang aming buhay
BINABASA MO ANG
short Tagalog Horror Stories
HorrorMga kwentong likha lamang ng malikot na isipan ng may akda