"You're a Spirit and I'm a Human, is it okay for us to love each other?"
"Mama, gusto ko pong gumala!" Sigaw ko habang masayang natalon-talon.
"Bawal, gabi na" napapout naman ako sa sinabi ni mama at nag-acting na parang iiyak na.
"O sige, basta balik ka agad ha. Alam mo namang maraming mga mama ang kumukuha ng bata ngayon, gusto mo bang makuha?"
Napaisip naman ako sa sinabi ni mama at dahan-dahang tumango at ngumiti. Pansin ko namang natawa sila lolo at lola pero 'di ko alam kung bakit.
"Hahaha! Hay naku bata ka, basta sundin mo ang mama mo" si lola.
"Opo lola!" Sabay higpit kong niyakap ang maliit kong teddy bear at agad na lumabas ng bahay.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong maliit na butterfly na nailaw-ilaw ang pakpak nito.
"Wahh! Ang ganda mo bullelfly!" Pagkasabi ko nito ay mabilis na lumipad ang butterfly kaya agad ko itong sinundan at habang sinusundan ko ito ay napansin kong nasa kalagitnaan kami ng malalaking puno pero pansin ko lang na ang daming ilaw dito.
Nagulat nalang ako nang wala na pala ang butterfly na hinahabol ko at sa hindi kalayuan ay may nakita akong hagdanan kaya agad akong pumunta doon.
"Wahh.. may hagdanan!" Aniya ko sabay akyat.
At nang maakyat ko na ang dulo ng hagdanan ay may nakita akong maliit na shrine at may nakatalikod na binatang lalaki mula roon.
"Hay.. nanood naman ako ng tamang paglilinis ng bahay pero nakakatamad pa rin gawin"
"Ang laki-laki mo na ketamad mo" aniya ko at bahagya namang napasigaw ang lalaki at napatingin sa paligid hanggang sa dumako ang tingin niya sa akin.
"T-teka.. nakikita mo ako?!" Tanong niya sabay dahan-dahang lumapit sa akin kaya tumango ako.
"Talaga?! Ang alam ko walang taong nakakakita sa akin kaya paanong.." sabay kamot niya sa ulo.
"Ang ingay mo" aniya ko sabay upo doon sa tabi ng malaking puno na malapit sa maliit na shrine.
"Aba, bastos na bata 'yon ah" rinig kong sabi niya pero 'di ko nalang pinansin dahil mas tinuunan ko ng pansin ang view ng mga stars dito pati ng moon, ang ganda.
Mas maganda ang view dito.
"Hoy bata, umuwi ka na sa inyo baka hinahanap ka na sa inyo saka trespassing 'tong ginagawa mo. 'Di ba kasama 'yon sa mga batas ninyong mga tao?" Napakunot noo naman ako.
"Bakit, 'di ka ba tao?" Napatikhim naman siya at kinuha ang glasses niya saka niya ito sinuot.
"Bata makinig ka, sa totoo lang ay hindi ako tao" napatayo naman ako dahil sa excitement.
"Ano ka?" Tatalon-talon kong tanong.
"Isa akong espiritu, espiritu ng kasiyahan. At saka isa akong espiritu na nag-eexist lang 'pag gabi dahil isa ako sa mahahalagang espiritu. And believe me or not, 'di kami tumatanda" sabay ngiti niya kaya napanganga ako.
"Wow... anong pangalan mo?"
"Kairo" sabay pogi pose niya.
"Ako si Maevis" sabay chuckle ko.
"Ilan taon ka na bata?" Nag-form naman ako ng 8 gamit ang mga daliri ko.
"8? Lucky number ko 'yan" sabay ngisi niya.
"Wow... pero ba't ang dumi ng shabby shrine mo?"
"Gano'n talaga ang buhay parang sarsa ni Mang Thomas-teka! Anong sabi mo sa precious shrine ko, shabby?! Wala kang galang sa precious shrine kong bata k-"
BINABASA MO ANG
The Man Who Only Exists At Night
Fantasy(One Shot Story #2) Maevis fell in love with a spirit named Kairo. What do you think would happen if a human and a spirit fell in love with each other?