Sa Jeep

403 50 103
                                    

Old Title: Sa Jeep
New Title: Bumaliktad na Sana ang Gulong.

Note: Gano'n pa rin naman ang plot. Walang pinagbago. Feel free to play the song by Yeng Constantino, Jeepney. :)

Bumaliktad na Sana ang Gulong

Naranasan mo na bang sumakay sa jeep? Ako kasi, oo at dito nagsimula ang isang mala-MMK na pag-iibigan namin sa isang pasahero. Handa ka na ba? Tara na, byahe tayo.

Napatingin agad ako sa aking orasan. Shet! Male-late na 'ko. Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo pagkatapos ay nagbihis na't agad na bumaba.

Niyaya ako nina Mama at Papa na kasalukyang kumakain sa ibaba na mag-almusal muna. Tinanggihan ko't sinabing busog pa naman ako. Katunayan niyan ay 'di naman talaga ako busog, takot lang ako sa maldita kong guro sa english lalo na't male-late na naman ako. Kala mo pretty ang gaga, ang itim naman ng singit. Nakita ko kasing nagfi-finger sa classroom habang busy kaming nage-exam no'n. Che! Makaalis na nga!

Nilanghap ko muna ang 'di gaanong sariwang hangin pagdating sa kalsada. What's new? Pag public transportation ang pinag-uusapan ang unang pumapasok sa isip ko ay siksikan, mahabang pila, mga high blood na tao, malagkit, putok, anghit, pawis, mabahong hininga, mga magna, mga taga-libog and everything. Nandyan na siguro lahat.

"Para!" sigaw ko sa papalapit na sasakyan. Hindi ako mayaman para mag-eroplano, jeep jeep lang muna tayo. Dahil late na ang ako, wala nang matanda't bata, babae o lalaki, basta ako'y late na, uunahan kita. Rak na ituuu!

Pagkatapos kong makipagbugbugan, bruskuhan at tulakan makapasok lang sa jeep ay natuyo na ang aking ganda. Ang babaho pa ng mga katabi ko na mukhang hindi nakaligo ng ilang taon. Sabayan pa ng mga putok sa kilikili nila. Diyos ko! Nasa Pilipinas nga ako. Hindi ka naman siguro sanggol para hindi malaman kung anong meron sa atin di ba? Di ka pa ba sanay sa mga ganitong pangyayari sa jeep? Kung hindi pa, anyare sa 'yo? Masanay ka na dahil mukhang matatagalan pa bago umusad ang Pilipinas tungo sa tama at magandang daan. Juice colored! Pero aminin mo, ang saya makaranas ng ganitong experience. Dito mo kasi masusukat ang iyong pasensya, pakikitungo sa ibang tao at dito mo rin masusukat kung hanggang saan ang foundation mo, este ganda mo.

"Para, para daw, para!" malakas na sigaw ni manang. Ewan ko ba kung bakit nabibingi ang mga drayber pag sinabi mo ang salitang "para" pero ang lakas ng pandinig pag sinabi mong "bayad". Yung totoo? Imbis na sumakay ka nga ng jeep para mapalapit ka sa destinasyon mo, ang ending, more on bonggang walkathon ka pa dahil lagpas ka na sa dapat mong babaan. Ipa-barangay mo na 'yang drayber na 'yan, manang. Bumaba si manang na busangot ang mukha dahil sa pangyayari. Mukhang pinagbagsakan ng langit, lupa, comets, stars, sun at earth. Ang asim pa ng mukha na pwede nang endorser ng datu puti. Tigilan mo rin ako manang, ha! Iipit mo nang mabuti 'yang kilikili mo nang 'di magkagulo rito. Nagkakagulo na nga ang gobyerno, nakikisali ka pa. Kaloka ka! Bumaba ka na nga.

Hay salamat! Naka-upo na rin ako nang maluwag. Ang sarap-sarap naman kasi ng upo ng karamihan na todos bukaka pa, ako naman nagsasakripisyo kanina makarating lang sa pupuntahan. 'Yung tipong kalahati na lang ng isang puwet ko 'yung naka-upo? Nasaan ba ang barangay dito ng makapagpa-blotter? Upong pang sampo lang po. Pare-pareho lang tayo ng ibinayad dito pero yung upo ko, pang tres lang.

"Manong! Estudyante lang po 'yun, kulang pa po 'tong sukli," sabi ng isang estudyante. At tila hindi pa rin naririnig iyon ni manong driver dahil feel na feel niya pa rin 'yong tugtog na pinapakinggan niya. PBB theme song pa ang peg. Puro ka landian manong, ha! Ibalik ang anime sa hapon nang meron tayong matutunan. Nakakaloka kayo! Bumalik na nga lang tayo kay ate, 'di narinig siguro 'yon ni Manong dahil pabebe din si gaga. Tapunan kita ng tsupon diyan e. Lakasan mo rin 'yong boses mo nang maloka din si manong. Kaloka ka! Masyado kang pabebe.

"Manong! Kung ayaw niyo pong i-report ko kayo sa LTFRB, ibigay niyo 'yong kulang na sukli!" Hayun! galit na si baby. Natakot naman si manong kaya dali-dali siyang kumuha ng piso at ipinasuyo papunta dun sa estudyante na nag-aalburuto ang mukha. Sayang din naman kasi 'yong piso e. Tandaan, na ang nasasayang na piso, pag inaraw-araw ay 7 pesos per week, 31 pesos per month at 365 pesos per year. Pang synthetic rice din yan, be.

Maya-maya pa'y nag si babaan na 'yung ilan sa mga pasahero. Mga nasa lima na lang kami ang nandirito. Tatlo sa magkabilang upuan at dalawa kami sa isa pa. Kung hindi mo gets ang sinabi ko, ito lubid.
Teka? Bakit ngayon ko lang napansin ang gwapong nilalang na ito? At di naman sa pagiging assumera, mukhang soulmate ko ang lalaking ito. Hihihi. Kinikilig ako.

Tiningnan ko ang relos na nasa kanang kamay ko. 8:20am na, kaya late na ako. Ang traffic kasi e. Kasalanan na naman ba 'to ng Presidente?

Napa-slow motion ang oras ko nang dahan-dahan kong nahagip ang mukha ng lalaki. Kinilig ako, ang gwapo niya. Muli akong napabalik sa tuliro nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

"Hoy Jessica! Late ka na! Kailan ka ba dadating dito?!" Inilayo ko ang phone sa tainga ko. Napatingin ang iba sa napakalakas na boses ng aking kaibigan. Nginitian ko lang sila at sinagot si best.

"Hina-hinaan mo nga ang boses mo. Nakakahiya ka. Hindi muna ako papasok ngayon," napatawa ako nang mahina dahil sa kilig." Mukhang magkaka boyfriend na ako, best. Hihihi," nakakakilig na this.

"Hoy!Jessic-" Ini-off ko na agad ang cellphone ko dahil sa bunganga ni best. Isa pa, late na rin naman ako e, susulitin ko na lang ang araw ko sa gwapong 'to. Umusad ako nang umusad hanggang sa magkadikit na nga kami. Inilabas ko ang wallet ko at dahan-dahan kong iniabot sa kanya ang bayad. Napahinto ako nang maramdaman ko ang mainit-init niyang kamay. Ngumiti siya sa akin. 'Yong ngiting aso.

Ba't kasi sa ganitong oras? Ba't sa ganitong lugar? Hindi ako handa! Tiningnan na naman niya ako na para bang may ipinahihiwatig sa akin. Ngumiti ako, 'yong bayad ko pala hindi pa naiabot kay manong dahil sa paghawak ko sa kamay niya.

"Sukli mo." Ang delicious no'ng boses niya. Tulala akong iniabot ang sukli ko.

"S-salamat," na-uutal na sabi ko dahil sa kilig.

Ang tatlong pasahero sa kabilang upuan ay bumaba na. Ang ibig sabihin nito, kami na lang dalawa dito. Kung 'di mo pa rin gets, ito milktea nang mahimasmasan ka.
Bumalik ako sa pwesto kanina. At ang mas nakakakilig pa dito, siya na naman ang lumapit sa akin at tinabihan ako. Nahagip ko 'yong pinapasukan ko. Sulit talaga ang pag-aabsent ko.

Kumuha ako ng isang libro sa bag at dahan-dahan kong inihulog ito. Sabay naming kinuha iyon kaya nahawakan niya kamay ko. Nagkatinginan kami ng ilang mga minuto nang dahan-dahan. This is really insane, dahling!

Pagkatapos ng isang oras. . .

"Para po," saad niya. Bumaba kaagad siya at iniwan ako. Nalungkot ako sa nangyari. Mala-MMK nga ito. Napatingin naman ako sa paligid. Pero ang mas nakakalungkot dito.

Nasaan na 'yung relo ko?

Nasaan na 'yung wallet ko?

'Yung cellphone ko?

'Yung mga gamit ko?

Magnanakaw pala ang loko!

Asshole!!!

-END

Written by Cordz05

Sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon