20

133 7 0
                                        

Kinabukasan nauna akong nagising o talagang hindi ako nakatulog.

Nag handa na ako ng breakfast patapos na ako ng pumasok si Liam.

"Good morning babe"bati nito
"Morning upo kana silipin ko lang si Ethan"paalam ko.

Pag pasok ko ng kwarto ni Ethan gising na ito kaya agad ko itong binuhat.

"Good morning Mama"
"Morning nak breakfast na nag luto si Mama"

After ko itong hilamusan ay nag tungo na kami sa dining syang pasok naman ni Janice dahil pinabili ko ng pandesal.

"Ate may tao po sa labas"sabi nito
"Sino daw?"tanong ko

Tumingin muna ito kay Liam at nakuha ko agad kung sino. Pero bago ako makalabas ay pumasok na ito.

"Asan si Liam"ani Atasha bago ako maka sagot ay naunahan na ako ni Liam.

"What are you doing here Atasha?"
"I'm here para sabihin kay Athena na I'm pregnant"

"You what?" Gulat na tanong ni Liam
"Tumawag ako sayo kagabi , oh bad Athena ikaw ang naka sagot I'm bad"

"Pwede ba umalis na kayo sa pamamahay ko"

"Athena let me explain"
"Hindi mo na kailangan na mag explain wala naman tayong relasyon at mag kaka anak na kayo ni Atasha congratulations sa inyo" at tinalikuran ko na sila.

Masakit parang winasak muli ang puso ko sa sobrang sakit. Sa pangalawang pag kakataon nag tagumpay nanaman sila.

Pumasok ang anak ko na puno ang luha ang pisngi nito.

"Mama hindi na tayo magiging happy family"iyak nito.
"Sorry Ethan"
"Mama wala ka naman pong kasalanan e i love you Mama kahit tayong dalawa uli ok lang Mama basta hindi ka iiyak"
"Mahal na mahal ka ni Mama Ethan" habang yakap yakap ko ito ng mahigpit.

Kumatok si Janice at sinabi na nasa labas si Patricia agad akong lumabas ng kwarto.

Pagka kita ko kay Patricia ay niyakap ako agad nito ng mahigpit.

"Athena sigurado kana ba?"
"Oo gusto ko lumayo muna kami ni Ethan"
"Sige kung yan ang gusto mo saan ang balak mo?"
"Hindi ko pa alam"
"Kung gusto mo doon kayo ni Ethan sa rest house namin sa la union"
"Baka alam ni Liam yun?"
"Walang nakaka alam nun"
"Sige doon na lang kami ni Ethan salamat Patricia"
"Athena hindi kana iba sa'kin saka pamangkin ko si Ethan"

Matapos ang mahabang usapan ay nag handa na kami agad hindi ko alam kung kailan kami babalik dito o baka hindi na.

After namin mag ayos ng mga damit namin ay umalis na agad kami.

Instead na la union kami pupunta ilocos kami nag punta. Dahil taga ilocos si Janice sinabi nito na doon na lang at hindi agad malalaman dahil malayo sa bayan.

Tinawagan ko na lang si Patricia na hindi kami tumuloy sa la union naunawaan naman nito ako.

Bago kami umalis ay dinoble lock ang bahay.

Habang inaantay namin ang pag alis ng bus ay may namataan ako na bulto alam kong si Liam yon.

Nag taka man pano nito nalaman na andito kami hanggang sa nag ring ang phone ko agad kong pinatay ang tawag nito.

Naka hinga ako ng maluwag ng umalis ang bus na sinasakyan namin.

Naka tanggap ng text si Janice mula kay Patricia agad na pinabasa sa akin ang message at doon ako nagulat agad kong binuksan ang phone ko at sinara ko ang gps sa phone ko.

Umaga ng makarating kami ng ilocos nag pa hatid muna kami sa malapit na hotel para maka pag pahinga kami ng ayos na tatlo.

Tanghali na ng magising kaming tatlo agad kami na nag order ng lunch namin at sinabi ko kay Janice na kukuha ako ng pansalamantala na matutuluyan namin at sinabi ko na pwede niya muna puntahan ang pamilya nito.

"Mama hindi ko na po makikita sila Nang nang at Nong nong ko?"
"Makikita mo pa sila anak pansalamantala dito muna tayo ha"
"Opo Mama"

Sa loob ng dalawang linggo namin dito sa ilocos ay pumayag na din ako sa gusto ni Patricia na sa rest house ng mga ito kami tumuloy.

Sa loob ng dalawang buwan namin dito sa la union nasanay na din kami ng anak ko. Si Janice ay nasa ilocos dahil birthday ng Nanay nito.

Nag hahanda ako tanghalian namin ni Ethan gusto daw nito ng butter and garlic chicken saka crab soup.

Habang nilagay ko ang garlic biglang bumaligtad ang sikmura ko agad kong pinatay ang stove at nag duduwal sa sink.

"Mama ayos ka lang po ba?"
Kahit nanghihina ay sumagot ako sa anak ko.

"Ayos lang si Mama anak" agad akong mag mumog "Ethan ok lang ba na hindi na samahan ni Mama ng garlic?"

"Ok po Mama"

"Sige na anak doon kana nood kana muna"

Agad kong tinapos ang pag luluto ng matapos ay nag handa na agad ako.

Biglang may pumasok sa isip ko.
"Shit hindi kaya buntis ako" bigla kong nahawakan ang tyan ko.

Kaya after ng lunch namin ay lumabas kami ni Ethan para mag pa check up na din ako.

At doon ko na laman na mag dadalawang buwan na pala ang dinadala ko. Masaya ako pero lalaki din pala ang anak ko na walang kinalakihag ama.

Alam ko may karapatan si Liam pero ayaw ko na maka gulo pa sa kanila ni Atasha.

Nasa garden kami ni Ethan ng tumawag si Patricia na malapit na sila.

After 30mins ay dumating silang mag anak. Agad na tumakbo si Ethan pag ka kita kela Patricia.

"Nang nang"at pinupog ng halik ito
"Miss na miss ako ng pamangkin ko ah"
"Syempre Nang nang kita e"bibong sabi nito.
"Syempre namiss ka din ni Nang nang Ethan"

"Naka ready na ang food"aya ko.

"Aba naman dalawang buwan lang tayo di nag kita blooming ka na agad"

"Ikaw talaga gutom lang yan"natatawang sagot ko

Masaya kaming nag salo salo hanggang kami na lang ni Patricia ang natira dahil gusto daw mag swimming ng mga bata kaya sinamahan ito ni Lawrence.

"So kamusta kana?"
"P-patricia"
"May problema ba?"
"Hindi ko alam paano sasabihin"
"Ok ano yon?"
"Hindi ka magagalit?"
"Bakit naman"
"B-buntis ako"mahinang sabi ko
"You what?"
"I'm pregnant two months kanina ko lang nalaman"
"Wow mag kaka pamangkin na pala ako uli"masayang sabi nito.

"Hindi ka galit?"
"At bakit naman wala naman kasalanan ang bata saka mas lalong tanggap ko yan pamangkin ko yan e ang hindi ko tanggap yung kay Atasha"

"Anak pa din naman ni Liam yon Patricia"
"I know pero ewan ko iba ang kutob ko sa babaing yon"
"Patricia sana wag ng malaman to ni Liam ayaw ko na maging sanhi pa kami ng gulo"

"Athena hindi naman ikaw ang nag uumpisa ng gulo kundi si Atasha"

"Hanggang kaya ko umiwas iiwas ako lalo na ngayon parehas kaming buntis ni Atasha baka pag malaman nito ang pinag bubuntis ko ang anak ni Liam baka ano na lang ang gawin ni Atasha"

"Hanggang nasa poder kita hindi ko hahayaan na may makapanakit sa inyo ni Ethan"

"Salamat Patricia"

Habang masaya kaming nag kwentuhan kami ni Patricia ay ang hindi inaasahan na bisita ang hindi namin inaasahan.






My Nerd is My Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now