CHAPTER 1

38 3 1
                                    


Kyline's POV


"Class, dismiss". Matapos sabihin iyon ni Ms. Mendez, ang napakastrikto naming teacher. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng room.


Ako nga pala si Kyline Mariah Lladel. 15 yrs. old. Mahirap lang kame pero maganda ako sabi ni mama. Nag-aaral ako sa Hemthon University at Grade 10 na ako pagpasok. So balik na tayo sa story.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari. May nakasalubong akong dalawang babae kaya hindi na ako magtataka kung anong gagawin nila sa akin. Hinila nila ako papuntang C.R. Pagkapasok namin du'n binitawan nila ako ng marahas.


"And where do you think you're going huh? Nahihibang ka na ba talaga? At talagang nilandi mo pa si Cristianne? Isa ka lang social climber kaya back off!" Sabi ni Krizelle. Isa siya sa humahanga kay Cristianne kaya kilala ko tsaka classmate ko siya. Psh. E break na nga kame nun e.


"Ikaw diba si Kyline?" tanong ng babaeng kasama niya. Hindi ko alam ang pangalan nito. "Kung hindi mo natatanong, transferee ako dito kaya alam kong hindi mo ako kilala. Ako nga pala si Maxinne". Sabay lahad niya ng kamay niya. Ah! Kaya pala, mukha naman siyang mabait . Makikipagkamay na sana ako sa kanya pero tinabig ni Krizelle ang kamay ko sabay tulak sa'ken. Kaya nadali ang likod ko sa pader. Malakas ang pagkakatulak niya sa'ken pero hindi ko iyon ininda.


"Iyan ang makukuha mo 'pag hindi mo tinigilan si Cristianne my loves". Umails na sila pagkatapos nilang sabihin ang katagang iyon pero nakita kong bumalik ang kasama niyang si Maxinne. " Sorry Kyline, pasensya na talaga kung hinila ka namin at nasabi namin iyon. Magagalit kase sa'ken si Krizelle e". Buti pa siya mabait. Hindi ko alam na may mga tao pang magmamalasakit sa'ken bukod sa pamilya ko.


Tinulungan niya akong makatayo at pumunta kame sa clinic pero bago kame makapunta du'n may naalala ako kung bakit ako kanina nagmamadali kaya napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako kay Maxinne at nakita kong nakakunot ang noo niya.


"Maxinne, kailangan ko na kaseng umuwi. Wala naman akong sugat. Kaya Bye". Totoo naman e, buti na lang talaga at wala akong sugat. Tumakbo ako palabas ng Hemthon Academy. Uwian na pala papagalitan na ako nina mama niyan. Aish! Bakit nakalimutan ko?


Pumara na ako ng taxi at sumakay. Sinabi ko kay manong ang address ng bahay namin. Nang makarating ako sa bahay namin, inabot ko na kay manong ang bayad ko at agad na bumaba. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin sinalubong ako ni mama na may hawak na walis. Nako baka mapalo ako nito.


"At saan ka naman nagpuntang bata ka? Hindi mo ba alam kung anong oras na? 4 pm ang uwian niyo pero anong oras na". Tiningnan niya muna ang orasan bago tumingin sa'ken. " 6 pm na, ikaw talagang bata ka". halatang galit na galit sa'ken si mama dahil late na ako umuwi. Hindi ko napansin ang oras dahil hinila ako nina Krizelle papuntang C.R. At ngayon naabutan pa ako ng sermon ni mama. Dapat kase pagkatapos ng klase diretso ako uuwi. Sabi kase sa'ken ni mama umuwi daw ako ng maaga dahil baka kung anong masamang mangyare sa'ken.


Hindi ko namalayan na tinatawag na nila ako para kumain ng hapunan. Pagkatapos kong kumain tumaas na ako. Naalala ko na naman ang sinabi ng ex ko na siyang dahilan kung bakit galit na galit sa'ken si Krizelle. Baka nga lahat sila galit sa'ken e. Masakit para sa'ken yung sinabi niya.


Flashback


Nasa canteen ako at hinihintay ko si Cristianne, siya yung boyfriend ko. Habang naghihintay ako nakita kong may nag-uusap na dalawang babae pero hindi ko dinig yung mga sinasabi nila kaya hinayaan ko na lang tutal nasa malayo sila. Hindi ako chismosa noh! Hehe joke.


Dumating ang boyfriend ko. Haha. Eff na Eff ko e noh? So eto na nga dumating ang boyfriend ko. Umupo siya sa harap ko at nakita kong parang malungkot siya.


" Cristianne, hubby". tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa'ken at ngumiti pero alam kong fake lang iyon. "May problema ba?". tanong ko sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya. Alam kong may problema siya pero hindi niya sinasabi sa'ken. Hindi ko alam pero napansin kong nag-iba siya. Lagi siyang may iniisip at para bang ang cold niya sa'ken pero hindi ko na lang pinansin.


"Sorry". tumayo siya at iniwan akong naguguluhan. Bakit siya nag-sosorry, may ginawa ba siya?


End of Flashback


Tuwing naaalala ko iyon pakiramdam ko mag-isa na ako. Dati kase nung kame pa, lagi siyang nandyan para sa'ken .Tuwing may problema ako, siya lagi ang karamay ko. Pero nagbago na ang lahat. Iniiwasan niya na ako. Hindi ko nga alam kung ano ang mali sa'ken e. Kung bakit niya ako iniiwasan. Pero ngayon alam ko na. Gusto ko nga siyang kausapin nu'n pero hindi ko siya makita. Sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi naman niya sinasagot. Feeling ko tuloy wala na kame. Pero naisip kong kailangan niya lang ng space. Aish, ewan. Siguro wala na talagang kame. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. At dahil sa pag-iyak ko nakatulog na ako. Hindi ko na lang siya kakausapin. Hihintayin kong siya ang kumausap sa'ken.



_______


Author's Note


Sorry po kung maikli lang yung chapter na ito. Naiiklian nga ako e. Pero sana po magustuhan niyo. Enjoy. Pakisabi na lang kung may mali ako dito. Thanks. Please support po.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ComeBack ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon