Rhia
PUMASOK ako sa pintuan ng kwarto, kahit pa kinakabahan ako at parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng dagundung nito.
Kailangan ko siyang harapin, kailangan kong sabihin ang mga bagay na gusto ko dahil baka hindi na ako magkaroon pa ulit ng pagkakataon na sabihin ito sa kanya.
"Jay please mag-usap tayo." Tumingin siya sa akin ng matalim, magulo ang kanyang suot at buhok, kanina pa niya ako itinataboy pero nandito pa rin ako.
Yumuko siya at ginulo rin ang buhok niya, umupo sa siya sa ibabaw ng lamesa na naroroon, "Ano pa bang gusto mong pagusapan Rhia?"
"Pakinggan mo lang ako please, Jay." Bumuntong hininga siya sabay hinilot ang sintido niya.
"P*t*ngin* Rhia!" Nagulat ako ng ihagis niya ang isang baso na may lamang alak sa pader, "Ilang taon ba Rhia? Halos 5 years di ba?"
Ang taas na ng boses niya, parang gustong gusto niya akong saktan pero pinipigilan lang niya ang sarili,"F*ck*ng five long years!"
Tumalikod siya saglit at sinuntok ang lamesa na para bang ako yun, alam kong para sa akin yun, nasasaktan ako na nakikita siyang ganito ngayon pero ako rin naman ang may kasalanan ng lahat, hindi madali na patawarin ang isang kagaya ko pero ginugusto ko pa ring humingi ng tawad sa kanya.
"Five long years Rhia pero ni minsan ba tinext mo ako? Kinumusta man lang ba? Ni tumawag ka ba kahit isang beses sa loob ng limang taon na yun? Hindi di ba? Sa limang taon na yun naisip mo man lang ba ako?"
"Naisip kita Jay, lagi kitang iniisip kahit nung nandun ako sa Paris, maniwala ka naman sa a-"
"F*ck you and your lies Ria!" Idinuro niya ang mukha ko, hindi ko na mapigilan ang mapaluha sa sakit ng mga salitang ibinabato niya sa akin pero alam ko walang mas sasakit sa nagawa ko sa kanya noon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, umalis ka na dahil baka masaktan pa kita." Nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya na parang nagpipigil ng galit.
Muli niya akong tinalikuran pero yumakap ako, "Jay please forgive me, please, makinig ka naman sa akin Jay, minahal kita noon, mahal pa rin kita ngayon kaya nandito ako."
Pilit niyang tinatanggal yung mga kamay ko pero gusto ko pa ring yumakap sa kanya, wala akong pakialam kung saktan o ipagtabuyan niya ako, alam kong mahal pa rin niya ako pero galit siya, galit lang siya.
Tumawa siya ng mapakla, "Minahal Rhia? Sa tingin mo bakit ko paniniwalaan yan? Sino ba ang nang-iwan? Ako ba? Sino bang halos gumulong sa kalye sa pangungulila at pagkalungkot? Ikaw ba?"
Nanghihina na ako, siguro dahil sa pag-iyak kaya nagawa na niyang kalasin ang kamay ko na kanina lang ay nakayakap sa kanya, itinulak niya ako kaya tumama ang likod ko sa pinto, nasaktan ako pero hindi nun matutumbasan ang sakit na nararamdaman ko sa kaloooban ko.
Humarap siya at muli akong dinuro, "Ikaw ba Ria ha???"
Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hahayaan ko muna siyang ibuhos lahat ng galit niya sa akin dahil baka mamaya lang ay humupa na yun, baka maya-maya lang ay huminahon na siya.
Isinalya niya akong muli sa pinto at hinawakan sa magkabilang balikat, madiin ang pagkakahawak niya na parang pinipiga ang balikat ko sa sakit pero tinitiis ko lang ito.
I deserve this, I deserve to be treated this way.
"Jay..." Mahinahong tawag ko sa pangalan niya, inabot ng kanang kamay ko ang mukha niyang nakayuko, doon ko narealized na umiiyak siya, tahimik siyang umiiyak.
"Bakit mo ginawa sakin yun Rhia? Sa'yo umikot ang mundo ko, minahal naman kita ng buong-buo, minahal kita higit pa sa kahit anong bagay na kayo kong ibigay, kulang pa rin ba yun sa'yo?" Umiling-iling ako bilang pagsagot, parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko nang mga oras na ito at hindi ko magawang makapagsalita.
"Hindi madaling ibigay ang hinihingi mo, hindi ikaw ang iniwan, hindi ikaw ang naghintay, umasa at itinaboy, hindi ikaw Rhia, sa loob ng limang taon hindi ikaw ang nagdusa sa sakit." Humihinga na siyang malalim habang sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha, "Hindi ikaw Rhia, kaya huwag kang umasa na agad-agad mapapatawad kita, hindi ganun kadaling burahin yung limang taon na sakit na ibinigay mo sakin."
Tumango-tango ako sa kanya, lumalambot na rin ang pagkakahawak niya sa dalawang balikat ko kaya agad ko siyang niyakap.
"Sorry Jay, sorry." Iyak lang ako ng iyak habang siya ay nakatayo lang at ang mukha ay nakasiksik sa kaliwang bahagi ng aking leeg. Tahimik pa rin siyang umiiyak.
"Alam ko kasalanan ko, alam ko nasaktan kita ng sobra, alam ko ayaw mo ng maniwala sa lahat ng sasabihin ko kasi tingin mo kasinungalingan lang lahat." Tuloy-tuloy lang ako sa pagluha, "Pero Jay sa maniwala ka man o sa hindi, totoong minahal kita at hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko."
"Umalis ka na Rhia." Sabi niya habang kinakalas ang pagkakayakap ko sa kanya.
"No! Pakinggan mo muna ako Jay! Hindi lang ikaw ang nagdusa, namimiss kita pero ayokong tawagan ka dahil iniisip kong baka hindi mo lang tanggapin yun, baka babaan mo lang ako ng phone pag nalaman mong ako yun, Jay napakabata ko pa noon, hindi pa ako handang maging asawa mo, may mga pangarap pa ako nun, naguguluhan at nalilito ako sa buhay kaya nagawa ko yun but please Jay gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ako ulit."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumitig sa kanyang mga mata, ayaw niyang tumingin sa akin at pilit tinatanggal ang mga kamay ko.
"Go away Rhia, you are five years too late para magpaliwanag pa, I'm over you, hindi na kita mahal."
"No! Alam ko, nararamdaman ko mahal mo pa ako, Jay parang awa mo na, ayusin natin ito, please."
"No! Get out!" Tinatapik niya ang kamay ko paalis sa mukha niya, "Rhia ano ba? hindi ka ba makaintindi? Ayoko na! Wala na tayong dapat pang pag-usapan."
"Hindi! Hindi pwede!" Niyakap ko siyang muli, "Alam ko maaayos pa ito, alam kong magiging okay tayo basta kasama kita, basta ayusin natin ito."
"You're pathetic." Humarap ako sa kanyang mukha at pilit na pinapaharap siya sa akin, I can lose everything but not him, hindi ko na kayang siya ang mawala ulit, siguro nga gaga ako dahil noon hindi siya ang pinili ko pero ngayon handa na ako.
Nang sa wakas ay humarap na siya sa akin ay bigla kong siniil ng halik ang kanyang labi, "Jay, I love you."
"Stop this Rhia." Bulong niya pero patuloy lang ako sa paghalik at maya-maya lang ay tumugon na siya.
Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko at ang pagbuhat niya sa akin kaya't ipinulupot ko ang aking mga paa sa kanyang beywang.
BINABASA MO ANG
Simonne Series 2: Over You (Complete)
RomanceKailangan mo munang harapin ang buong mundo bago mo makaharap ulit ang taong tinalikuran mo. ~~~ Rhianelle Angeles is engaged at such a young age to someone she's never even met and only known him by his name Jared Yael Simonne, when she reached the...