Playful Destiny
BY: MOONLIGHT OVER YOU
(Marie Gutierrez)
***Please do not plagiarize***
All events, characters and incidents in this story is only exist in the writer's realm and have no relation and so whatever to anyone bearing the same names and events that occurred are simple coincidental.
*******************
CHARACTER (S)
IVAN ABARQUEZ (4th year student, Campus Heartrob)
MARIE GUEVARRA (ordinary/srioues type but funny/intelligent girl/)
RONALDO REYES / TRICIA JOCSON/CARLA PONCE (classmate ni marie)
REGGIE CRUZ/ALAIN BAUTISTA/TRISTAN LOPEZ (4th year classmate ni Ivan na mga heartrob din)
******Prologue******
"Highschool life"
Sabi nila sa buhay ng tao ang pinaka masayang parte ay ang high school life.
Dito, marami ka raw matutununang bagay sa lahat ng aspeto, buhay, pag-ibig, pangarap at kung ano ano pa..
Good or bad things, pero ang siguradong masaya sa buhay high school ay yung mararanasan mo daw kung paano magkacrush at mainlove
(hahahah..kaya naexcite ako nung elementary graduation ko eh..)
pero dito mo din daw mararanasan ang masaktan ng dahil sa batang pag ibig na yan..(puppy love pa nga tawag ng iba)
masaya at malungkot na parte ng buhay teenager..luluha at iiyak ka sa taong nakasama mo at nagpatibok ng bata mong puso. Ganyan talaga and as we grow up, they'll be memories... memories na masarap balikan J
*******************
Part 1: High school Romance
Highschool palang sina Ivan at Marie nung magkakilala sila.. naging sila.. nagkahiwalay, pagkalipas ng ilang taon nagkita ulit at naging sila sa pangalawang pagkakataon, pero nagkahiwalay ulit,
naging busy sa mga career at sa tagal ng panahon nagkatagpo ulit ang mga landas nila sa hindi inaasahan lugar at pagkakataon.
Ngayon pareho na silang may magandang career ngunit pareho ding zero ang love life, if they end up together again and again? Tadhana na ba talaga ang naglalapit at nagsasabi na sila ang magkatuluyan sa hinaba haba ng panahon?dapat pa bang bgyan ng pangatlong pagkakataon ang naudlot nilang love story? Totoo kaya ang happily ever after sa kanila?
Tunghayan natin ang istorya nina ivan at marie sa "LOVE IS A CHOICE"
CHAPTER 1: WHAT IS LOVE?
"LOVE IS A CHOICE" Bakit? Dahil ikaw ang may hawak ng desisyon kung sino ang mamahalin mo, choice mo na kung kanino ka mahuhulog.. kaya pag nasaktan ka..hmmm.. WELL! kasalanan mo na yun..nasa iyo ang free will kung paano tatakbo ang relasyon ninyong dalawa,wala naman sa tagal o haba ng relasyon ang basehan kung kayo talaga hanggang sa huli at sabay ninyong sasabihin yung famous line na "I DO" ( hay naisip ko naman yung bride for rent haha anong connect?) anyway, bata palang ako naniniwala na ko sa "HAPPY ENDING" yung malafairy tale ang kwento nyo na kahit madaming humahadlang kayo pa din at may darating na prince charming sayo para maging tagapagtanggol mo.
Sabi nila masarap mainlove..lalo na kung yung taong crush na crush mo yung naging boyfriend mo. Tapos first boyfriend mo pa, (haha! Oh diba bongga!) Masarap din malaman na ikaw ang naging dahilan para magbago ang isang babaero, yung kahit hindi ka maganda, ikaw pa din ang pinili niya, at iharap sa lahat ng tao sa buong mundo,at sasabihin ka nya ng Ilove you sa harap ng madaming tao..
Sabi din nila "FIRST LOVE NEVER DIES " totoo kaya yun? Yung tipong nasaktan ka na ng ilang beses pero isang "sorry" niya lang napatawad mo na.
"Love is sweeter in second time around" pero gaano man kasarap ang pangalawang pagkakataon na yun, ganun din kasakit pag nawala ulit. Sabi nila Tanga daw ako dahil binalikan ko siya after niyang lokohin ako.
Oo!tanga na ko, bobo na ko pagdating sa pag ibig na yan, anong magagawa ko, kahit ilang taon na ang nakalipas hindi naman nawala yung nararamdaman ko sa kanya. Minsan naging bitter pa ko tuwing nalalaman ko na may girlfriend siya ( HAHAH.. maghihiwalay din kayo!) yung mga ganyang isipin, tapos lagi mong ikukumpara yung sarili mo sa mga current girl niya hay nako! Medyo baliw lang talaga)
Hindi madaling gumawa ng kwento lalo na kung naiirelate mo ang sarili mong istorya ng pag-ibig, may mga pangyayari dapat alalahanin at balikan kahit matagal mo ng kinalimutan.
Sabi nga nila "you must move on" sa mga pangyayaring nagbibigay lang ng sama ng loob mo para kahit maalala mo man ito hindi kana mahihirapang makisabay sa agos ng damdamin. Letting go is not easy, it takes time to heal and realize the fact that you won't be happy unless the pain is gone. Pero ngayon ok na, no more pain..masaya na kami pareho sa kung anong meron kami.. hahah!
(baliw talaga ako pasensya na kayo J biglang tatawa after ng seryosong part. Well, that's life, di mo kelangan magpakalunod sa lungkot, madaming bagay ang pwede mong gawin in order for you to be happy J
*******************
(Flashback..tinginingtingingtinging!:)
Ay! Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo J (kasalanan ng author daming alam eh!)
Sorry naman! Masyado akong nag-enjoy sa intro ko. Hahah!
Ako nga pala si Marie Guevarra, 2nd year Highschool sa isang public school sa Cavite. Actually bakasyon ngayon. magsesecond year na ko this coming school year, hay nako.. panigurado, another boring vacation na naman ito para sa akin. Why? Kasi bawal pa ko gumala, lumabas o pumunta ng malayo kasi baka magboyfriend na daw ako hahaah! (protective sila!) well, pero syempre pasaway ako kaya nagkaroon ako ng boyfriend during may highschool yr. First love to First boyfriend. Bihirang pagkakataon sa buhay ng isang tao na yung taong gustong-gusto mo ang makakatuluyan mo.
Gusto nyo na malaman yung kwento? Haha.. mga tsismosa talaga kayo :D
joke lang!
Well eto na talaga, masyado ng mahaba yung introoooo J

BINABASA MO ANG
Playful Destiny
RomanceHighschool palang sina Ivan at Marie nung magkakilala sila..naging sila.. nagkahiwalay, pagkalipas ng ilang taon nagkita ulit at naging sila sa pangalawang pagkakataon, pero nagkahiwalay ulit, naging busy sa mga career at sa tagal ng panahon nagkat...