Chapter 3

13 1 0
                                    

Chapter 3:



Chance's POV



"Magtago ka nga, Chancey!" siniko siko ako ni Blake habang nagtatago sila sa may pintuan ng kwarto ko. Nakasandal lang ako sa labas habang sila naman ay titig na titig sa pintuan ng kwarto ni Soona.



"Bakit ba kasi kayo nagtatago? Ilang araw na kayong ganyan, never namang lumabas yung pamangkin ni Miss Landlady!" sabi ko naman at nagcross-arms.



Dalawang linggo na mula nung dumating si Soona. Dalawang linggo na rin mula noong huli namin siyang nakita. Isang linggo narin nilang ginagawa ito sa kwarto ko. Magkatapat lang kasi ang kwarto namin ni Soona sa pinakamataas na floor ng apartment na ito.



"Kelan kaya siya lalabas?" tanong ni Kyle kay Blake na titig na titig talaga sa pintuan ng kwarto ni Soona.



"I have no idea." sabi ni Stephen na mukhang malalim ang iniisip.



"Two weeks ng ganito! Nakagawa na tayo ng plano para imakeover siya lahat lahat, di parin siya lumalabas!" sabi naman ni Blake.



Nung unang linggo ni Soona dito, tumawag si Miss Landlady. Nakalimutan na namin ang deal noong panahon na iyon, pero napaalala ito ng pagtawag niya.



- Flashback -



Chill chill lang kami at walang pinoproblema sa buhay nang biglang tumawag si Miss Landlady.



"Hello?" sagot ni Kaizer sa cellphone na si Miss Landlady lang ang madalas tumatawag bukod sa mga magulang namin.



"Nakita niyo na ba ang pamangkin ko?!" humalakhak siya sa kabilang linya. Nakaloudspeaker ang phone kaya naririnig din namin siya kahit si Kaizer lang ang sumasagot.



"Yup, why?" tanong ni Kaizer na naging dahilang ng paghalakhak niya muli.



"How is she?" nagbago ang tono niya. Mula sa tawa ng tawa naging worried ang tono ng boses niya.



"She never left her room." sabi ni Kaizer at narinig namin ang pagkagulat ni Miss Landlady mula sa kabilang linya.



"Wala pang progress ang turn my niece into a lady project niyo?!" mula sa gulat, naging galit ang boses niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Lady EvolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon