CHAPTER ONE

2.8K 20 2
                                    

"HELLO?" antok na antok pa si Daniella nang sagutin ang makulit na caller. Ni hindi na siya nag-abalang basahin ang pangalan ng tumatawag.

"Dani?"

"Ugh, I should have known," aniya nang mabosesan ang pamilyar na timbre ng babae sa kabilang linya. Si Aia Ohashi. Kaibigan niya ito at kasama sa bahay ngunit dahil sa labis na kaabalahan sa negosyo lately ay madalas na pasulput-sulpot na lang ito kung umuwi.

"Where have you been? I've been trying to reach you since this morning," tili ng dalaga. Sa mga hindi nakakakilala kay Aia ay iisiping tila ito inahing manok na pirming nagpuputak kahit hindi naman galit. Lagi itong high-pitched ang boses at minsan ay very prominent ang Japanese accent nito.

"Will you please lower your voice? Mababasag na ang eardrums ko sa 'yo," nanlalambot na muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Kung pagsisisihang binuhay pa niya ang cell phone bago nahiga ay hindi niya alam. Nasa labas siya ng bahay buong maghapon. At dahil hindi naman niya naging ugali ang gawing kakambal ang cell phone kaya nawaglit sa isip niyang bitbitin iyon.

Gabi na nakauwi si Daniella at naghahanda na para matulog nang maalalang hagilapin ang cell phone na madalas maiwan sa ibabaw ng kanyang dresser. At totoo ang sinabi ni Aia. Hindi lang yata fifty Missed calls na naka-register sa number nito ang kanyang natanggap. Sunud-sunod rin ang ipinadala nitong text messages.

"Sorry. So where have you been all day, my dear? Did you go out on a date like I told you to do?"

"My God, Aia! You called me at this ungodly hour to ask me that? Really, my friend, you can do better than that. Why don't you get straight to the point? Even if my headache is killing me and my throat feels like barbed wire, I'mm all ears. What is it this time? Tuluyan ka na bang tatanggalan ng papa mo ng mana?" Dalawang tao lang naman ang madalas ireklamo sa kanya ni Aia—si Bryce at ang ama nitong si Akihiro.

"Grabe ka naman. Ganoon na ba ako kasamang anak? But wait a sec—are you okay? I'm sorry if I've been an insensitive bitch. You don't sound okay. Napansin kong medyo may kakaiba nga sa boses mo. Kaya lang akala ko natural lang 'yon after a day well spent with someone in bed. You know, the voice of a woman who's just been through the throes of passion—ouch!" narinig niya ang pagdaing nito sa kabilang linya.

"O, ano'ng nangyari sa 'yo?"

"I'm okay. Meron kasing isang walang modong bigla na lang nambabatok—I mean, bigla akong nauntog. Ahm, are you sick or something?"

"Not really. It's just a bug... I think. But anyway, uminom na ako ng gamot. Magiging maayos din ako bukas ng umaga. Pahinga lang ang kailangan ko."

"Are you sure?"

"Yeah. So, what's up?"

"I'm... ah, I want to ask you a favor sana. Kung hindi makakaabala sa 'yo."

"Sure. Anything. What is it?"

"Really?"

"Uh-huh," napakunot ang noo ni Daniella dahil sa nahimigang excitement ng kaibigan. Teka, may mali ba sa sinabi niya? Hindi kaya dapat ay tinanong muna niya kung ano ba ang hihingin nitong pabor?

Alam niyang likas na pilya si Aia. Baka kung ano na namang kalokohan ang naiisip nito. Noong unang beses na makaisip ang kaibigan ng kalokohan ay nasugatan ang puso niya. At hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa naghihilom ang sugat.

"I have a visitor who needs a place to stay. And since malapit lamang sa bahay mo ang mga lalakarin niya sa Pilipinas, I suggested your place."

"No problem. And besides, bahay mo na rin 'to, remember?"

Forever And For Always (Soon To Be Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon